CHAPTER 7
When?
Kiefer's Pov
May training ngayon pero parang wala ako sa sarili, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi e. Iniisip ko pa rin yung babaeng nakilala ko 2years ago. 4th year highschool ako nun tapos 1st year college siya. At 2nd year college na 'ko. Kelan ko kaya siya ulit makikita?
*Flashback(May2010)*
Bakasyon ngayon. Wala naman ako masyadong magawa sa bahay so I decided to go to Ateneo kahit wala pa namang training.
--
Papunta ako ng gym, siguro dun na lang ako magpapalipas ng oras, makapag-practice na lang dun. May nakita akong babaeng nakaupo dun sa may tapat ng gym, hindi ko naman makita yung muka niya dahil nakayuko siya. Tinabihan ko siya.
"Hi."
"Hello." Bati niya tapos tumingin siya sakin siaka nag-smile.
Ugh. Ang ganda niya.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked her.
"Wala. Nagpapalipas lang ng oras." She answered.
"Tara pasok tayo sa loob." Yaya ko sa kanya tapos tumayo ako.
Tumayo na din siya at pumasok na kami sa loob.
"Basketball player ka?" She asked me.
"Oo." I said.
"Ah. Edi sikat ka?"
"Hindi no."
"Pa-humble naman masyado. Anong year ka na pala?" She said while laughing.
"Hindi naman talaga. Haha. 4th year highschool this coming June."
"Talaga? Mas matanda pa pala ako sayo."
"1st year college ka na ba?"
"Yea pero 16 pa lang naman ako, hehe."
"Talaga? Eh ako nga 16 na din e."
"Maaga kasi akong pinag-aral ni mama e, kaya ganun."
Nagpatuloy lang ung kwentuhan namin. Masaya siyang kasama, hindi man lang ako naboring. Nagpaturo pa nga siya sakin magbasketball e.
Umupo kami sa bench nung pareho na kaming pagod. Grabe ang kulit neto.
"Nakakapagod." She said habang hingal na hingal pa rin.
"Ang kulit mo e." I said.
"Wala e, ganun talaga. Ay, 7pm na pala. Alis na 'ko." Sabi niya.
"Tara. I'll give you a ride." Alok ko.
"Wag na. Dadaanan ko pa din kasi mama ko sa Riverbanks."
"Ganun ba? Edi ihahatid kita hanggang Riverbanks."
![](https://img.wattpad.com/cover/7454043-288-k376021.jpg)