CHAPTER 9
What if?
Jeric Teng's Pov
1month na rin ang nakalipas simula nung nagstart ang classes. Opening na rin bukas ng UAAP Season 75, time flies so fast. Papunta ako ngayong Carpark para makipagkita kay Margaux, gulat kayo 'no? Haha. Medyo close na kami ni Margaux simula nung 2nd day ng classes, nagkasalubong kasi kami nun sa Carpark tapos ayun, kinuwa ko number niya tapos halos palagi na kaming sabay mag-lunch, minsan ako na din ang naghahatid sa kanya pauwi.
After 1234567890years ng paglalakad, nakarating din sa Carpark. Haha. Nasan na kaya si Margaux? Sabi niya dito daw kami sa BonChon magkikita. Ayun! Nasa dulo pala siya nakaupo.
"Hi Margaux." I said nung nakaupo na ako sa harapan niya.
"Hello. Bakit ka nga pala nakipagkita ngayon?"
"Yayayain sana kitang manood ng game namin bukas against FEU."
"Anong oras ba?"
"2pm pa naman yung start ng game, sa MOA Arena."
"Sige-sige. May tix pa kayang mabibilihan para bukas?"
"Eto o." I handed her 6 patron tickets.
"Sakin 'to lahat? Sure ka?"
"Oo naman, sama mo friends mo."
"Sige, salamat." She said then she smiled at me.
Bigla namang tumunog ung phone ko.
1new message
From: Jeric Fortuna
Tengminator, where are you? Anong oras na. Baka gusto mong masapok ni coach, alam mo namang ayaw kong nagyayari yun sayo. Labyu!
To: Jeric Fortuna
Papunta na ko. Badap! Labyutu. Hahaha
Oo nga pala, may training pa kami.
"Margaux, may klase ka pa ba? Or may gagawin ka pa ba?"
"Uhmm. Wala na, pauwi na din ako. Magco-commute, bakit?"
"Ihahatid na lang kita. 1pm pa lang naman e, nood ka muna ng training hanggang 4pm lang naman kami."
"Sige. Let's go?"
Tumayo na kami at naglakad papuntang QPav.
--
"Akala ko masasapok ka na ni coach e." Bungad sakin ni Forts pagkalapit ko sa kanila.
"Uy, hi Margaux!" Bati niya nung nakita niyang nakasunod sa likod ko si Margaux.
Umalis na siya at nagsimulang magwarm-up.
"Upo ka muna dito." I said to Margaux then she smiled at me.
Pinaupo ko muna siya sa bench.
Makapagbihis na nga, baka masabon pa ako ni coach, nakakahiya kay Margaux.
--
Margaux's Pov
1month ng nakalipas simula nung unang pasukan :) Buti na lang wala pa gaanong pinapagawa ung mga professors. Andito ako ngayon sa QPav, nanonood ng training ng Growling Tigers.
![](https://img.wattpad.com/cover/7454043-288-k376021.jpg)