Chapter 3: Meet the Tigers

393 9 0
                                    

CHAPTER 3

Meet the Tigers

Jeric Fortuna's Pov

Hi! I'm Jeric Marco Gray Fortuna. 20yrs old. Captain of UST growling tigers. At maliban sa pagiging captain, ako ang pinaka gwapo sa kanila, hahahaha. Medyo mahangin, hahahaha!

--

"Fortuna!"

Nagulat ako may biglang tumawag sakin. Grabe, kailangan last name talaga? Hahahaha. Asan kaya yun? 'Di ko naman makita kung sino ung tumatawag na yun.

"Ayun Cap  o. Si Kiefer." Sabay turo ni Aljon sa kinaroroonan ni Kiefer.

 "Tara dito Ravena!" Sigaw ko kay Kiefer.

 Pero sumenyas si Kiefer na saglit lang daw, papunta siya ng counter e. Baka o-order ng pagkain niya.

FFW(Fast forward)

"Baby. Dun ka sa dulo."

 Napatigil tuloy ako sa pagkain ko nung pagkasabi niyan ni Kiefer. Napatingin ako dun sa babaeng kasama niya. Ang ganda e.

 "Uy mga paps. Kamusta na kayo?" Bati ni Kiefer samin.

 "Sino siya?" Ang ganda ng sagot ni Tengminator a. Hahahaha.

"Ganda ng sagot Teng. Haha. Sino ba?" Tanong ni Kiefer.

 "Siya, yung kasama mo?" Sabay turo ni Teng dun sa kasama ni Kiefer.

 "Ah. Guys meet Margaux." Tapos nginitian kami ni Margaux.

Dug dug dug dug dug dug dug dug. Bakit ganto? Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Baby meet Jeric Fortuna, Kim Lo, Jeric Teng, Kevin Ferrer, Aljon Mariano, Ed Daquioag at si Tata Bautista ung binara-bara mo kanina sa phone." Pinakilala kami ni Kiefer sa kanya tapos nakipag shakehands kami sa kanya.

 Nagtawanan naman kami dun sa huling sinabi ni Kiefer, haha. Naalala tuloy namin ung kwento ni Tata kanina. 'Di ko naman akalain na ganyan kagandang babae ung nambara kay Tata.

--

"Hi Tata. Sorry sa pambabara ko sayo kanina sa phone ha? Gutom lang talaga ako nun e. Sorry talaga." Sabi ni Margaux kay Tata. Haha.

 "Okay lang yun. Nakakatuwa nga e. Hahaha." Sagot ni Tata.

 "Nakakatuwa daw. Pero kanina gigil na gigil yung pagkwento niya samin. Hahahaha." Singit ko.

Totoo naman e, hahaha. Nagtawanan din sila Teng.

 "Sorry talaga. Nagalit ka pala. Sorry na ha?" Sabi niya kay Tata.

Nagpout pa siya. Hay. Ang cute niya sobra.

 "Okay lang yun. Haha. 'Wag mo pansinin yan si Forts."

Tapos sabay hampas sakin ni Tata. Nginitian siya ni Margaux.

--

"Akala ko, mag e-enroll kapatid mo? Nasaan na?" Tanong ni Tata kay Kiefer.

"Bulag ka ba?" Sagot ni Kiefer.

Bulag? Ang labo naman neto ni Kiefer.

 "Ha? Kasama mo lang yang napakaganda mong girlfriend. Nakalimutan mo na kapatid mo." Sabi ni Teng.

Be your everything.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon