^SOPHIE POV^
Habang nasa biyahe kami etong isa naman panay ang dikit sa akin parang ayaw talaga akong tigilan.. naiirita ako kaya nasiko ko siya..
"shit!" nagulat ako kasi natamaan ko pala ang ilong niya.. yan kasi makulit panay ang amoy sa batok ko ..nakikiliti kasi ako sa ginagawa niya..di ko nga rin alam pati yung puson ko parang nakikiliti din...
pagtingin ko sa kanya nakabusangot siya at hawak niya ang ilong niya.. naku napalakas ko ata ang pagsiko ko sa kanya..hihingi sana ako ng sorry kaya lang bigla niya akong tinalikuran at lumayo sa akin..
aba? bahala siya jan.. hmp! kainis naman ehh birthday na birthday ko ngayon tapos ganyan pa siya sa akin..tahimik lang din kami sa biyahe..
napatingin naman sa akin si eric sa rearmirror ng van..
"oh may problema ba jan? bat antahimik niyo naman jan?" oo nga halata ko nga rin etong sila fred at jas tahimik din si sab naman tulog na ata...tapos etong katabi ko galit pa ata sa akin..haay -______-
"wala antok lang kami lahat matagal pa ba?" parang gusto ko na bumaba ayaw ko ng ganito si leslie yung di ako pinapansin.. naiiyak tuloy ako..bat ba kasi makulit siya naun parang hindi naman kami magsasama mamaya..pero ngayon parang hindi ata ako nito papansin..hihingi ba ako ng sorry?
ahh bahala siya..alam niyang mapride ako..di ko siya papansinin...haay naku nakakalungkot naman na araw to oh..
hanggang sa nakarating na kami sa resort wala pa rin kami imikan ni leslie...nung pagbaba namin sinuot niya lang ang rayban niya tapos sabay kuha ng gamit niya at gamit ko..inagaw ko sa kanya ang gamit ko pero tiningnan niya lang ako..hindi ko makita mata niya kung galit pa rin ba siya o anu pero inagaw niya ulit ang mga gamit ko sabay akyat sa rest house..
"may problema ba kayo ni leslie soph?" tanong naman ni jas nahalata niya siguro na hindi ako pinapansin ni leslie..
"ewan ko ba dun,, natamaan ko kasi siya sa ilong niya kaya ganun nagalit siguro" paliwanag ko kay jasmine ..
"hmm tsk tsk mahirap yan.. sige pasok na ako sa loob" sabay talikod sa akin..hmm hindi naman siguro aabot hanggang bukas ang away namin.. sana nga lang..
"so ganito ang mangyayari may apat na rooms and kung sino man ang mabunutan niyo un ang magkakasama niyo, swerte nalang kasi pito tayo so may isang tao na sya lang sa isang room" explain naman ni eric..
alam niyo nahahalata ko panay tong salita si eric anu bang problema kasi ni fred namimiss na namin ang kaingayan niya..haay weird twins..
isa-isa na kami bumunot..kumuha ng isang box si eric.wow ha prepared ang ulol may binabalak ba toh? nauna na si eric..
"YES!" pinakita niya sa amin kung sino ang nabunutan niya at malamang masaya ang ulol kasi makakasama niya sa isang kwarto si chloe.parang naman kinilig si chloe ..hala ibang ibang chloe na nakilala ko ..dati kasi mataray yan at aloof sa amin pero ngayon simula nung nakilala niya si eric bigla siyang nag iba.. in a good way syempre..
may tinapon naman si fred kay eric napataas ang kilay ko ..anu yun nung nakuha naman ni eric bigla siyang namula pati din si chloe..natawa lang palihim si fred oh atleast ngumiti na siya..
"oh jan ka pala mapapangiti kambal ko..gago ka talaga pero salamat"sabi ni eric sabay kindat sa kambal niya.. baliw
alam niyo ba anu yun?
hindi ko alam eh..inosente ako sa mga ganyang bagay..tapos sumunod naman na bumunot si fred..pagkabunot niya pinakita niya sa amin..mukha naman nagulat si jasmine..
"uhm okay lang makipagpalit nalang ako sa iba" sabay sabi ni fred mukhang nagkakailangan ata silang dalawa.
"hindi okay lang yan na ang nabunot mo" sabi naman ni jas.. anu bang meron sa dalawang to..
BINABASA MO ANG
BADASS leslie (lesbian story)
Romancethis story may contains spg.. LESLIE frey GUZMAN is such a badass, hindi niya pa nararanasan ang magmahal ng totoo. para sa kanya she just want to play around...