^LESLIE^
yeey bati na kami ng mahal ko, sabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis ako pa sa gwapo kong ito? haha
anyways nandito kami sa beach ng barkada gusto raw nila magvolleyball eh so naglalaro kami ngayon..
"leslie!" set naman ni eric sa akin kaya tinalon ko na at ang nakaharang naman ay si fred.. ha kala niya ha.. hininaan ko lang ang pagpalo sa bola kaya yun lusot..
"ayos!" nag apir kami ni eric.. ang kambal niya naman ang mukhja parang nalugi hahaha..apat lang kami naglalaro dito ako,si sab si eric at fred yung iba naman nagluluto sa resthouse para sa lunch namin.
"sab naman kasi panay ilag mo nang bola natalo tuloy tayo." rinig kong sabi ni fred.
"oy payatot! hindi kaya kaw lang tong walang diskarte ..tss" sabi naman ni sab kami ni eric nag eenjoy sa pag aaway nila.
"tara frey inuman na tayo langya hanggang ngayon no match pa din sa atin yang kakambal ko haha" sabay akbay at papunta na kami sa resthouse nang may dumaan na apat na chickas sa amin at halatang nagfliflirt.. si eric nagsmile lang sa kanila.. ako naman dedma nakuu pag nakita ako ni sophie mag aaway na naman kami kaya umiwas nalang ako..
pero mukhang ayaw talaga akong tigilan ng katabi ko.
"uy frey smile naman jan panay tingin sayo ng chick oh.." at ako naman si tanga sumunod din tiningnan ko nga sya at biglang naman ngumiti ng napakalandi yung babaeng sinasabi ni eric..
wait..
familiar..
"leslie?" at lumapit naman yung babae sa akin..
teka anu nga pangalan nito..
si eric naman may parang tinuturo kasi nakanguso siya sa likod ko..kaya lumingon ako.
patay...
si sophie na nanlilisik ang mata.
"ahh hehe miss di kasi kita kilala so yah bye" at hinila ko na agad si eric papunta sa resthouse..
"hehe you are in trouble" sabi ni eric nung papasok na kami..
ako naman naiwan pa sa labas kasama si sophie na parang hindi ata ako papansinin..
"mahal?" parang akong bata may nagawang kasalanan sa nanay...
"oh" haaisst hindi ko naman pinansin yung babae ah. nu ba yan..wala ako kasalanan diba?
diba guys??
help me..
"mahal galit ka?" yinakap ko sya sa bewang di naman siya pumalag kaya hinigpitan ko at hinahalikhalikan ko ang tenga niya..
"aaist" umiiwas iwas naman siya..hmm eh ay kiliti to sa tenga eh,.hahaha
"wag na kasi ikaw magtampo jan wala naman ako ginagawa." sabi ko sa kanya eh sa totoo namang wala ako ginagawa dun sa babaeng yun di ko ng alam ang pangalan nun..
BINABASA MO ANG
BADASS leslie (lesbian story)
Romancethis story may contains spg.. LESLIE frey GUZMAN is such a badass, hindi niya pa nararanasan ang magmahal ng totoo. para sa kanya she just want to play around...