NAPABALIKWAS ng bangon si Kahlan ng tumunog ang alarm clock niya. Kahit inaantok pa ito ay pinilit niyang bumangon at agad pumasok sa banyo para maligo. Makalipas ang kalahating oras ay natapus din siyang maligo. Agad siyang nagbihis bago inayus ang sarili. Ng masiguro niyang maayos ang sarili mula ulo hanggang paa ay nakangiti niyang kinuha ang kanyang bag bago lumabas ng kwarto niya.(Pronounce po ng Kahlan ay 'Kaye-Lyn')
"Mom, alis na po ako." Anito sa ina ng makita niya itong abala sa pagdidilig ng mga tanim nitong bulaklak.
"Take care, baby." Anang ina sa kanyang nakamgiti.
"Opo."
Agad nitong kinuha ang kanyang bike, yun ang nakasanayan niyang sakyan patungo sa pinapasukan niyang trabaho. Malapit lang naman kasi ito at maganda ang bike na gamitin dahil nakakasingit kahit saan kapag matraffic sa daan.
Habang sakay si Kahlan ng bike niya ay bigla itong nawalan ng preno ng makatapak ang gulong nito nang tipak ng bato. Kaya tuloy-tuloy ito sa pagtakbo at hindi na niya makuntrol.
"Aahhhhhhh."
Sigaw ni Kahlan habang pilit niyang binabalanse ang besikleta niya. Ngunit sadyang minalas ang araw niya at hindi niya ito magawang ibalanse.
Sa di kalayuan ay may isang nilalang naman ang nagmamadali rin at saktong bubuksan na nito ang kotse niya ng makarinig siya ng sigaw.
"Aaahhhhhh..."
Pagsisigaw parin ni Kahlan.
"Ouch...."
Daing ng isang nilalang kung saan bumangga si Kahlan. Huli na kasi ito para umilag pa.
"Oh! My God, I'm so-sorry. Hindi ko sinasadya nawalan kasi ng preno ang bike ko." Hinging paumanhin niya sa lalaking nakayuko.
Agad siyang bumangon mula sa pagkatumba ng bike niya at nilapitan niya ang lalaking nabangga. "Mister, I'm so-sorry po talaga. Hindi ko sinasadya." Hingi niya dito ng paumanhin.
"Miss, muntik muna akong patayin." Pasupladong anang lalaki sabay tingin nito kay Kahlan.
"Patayin po talaga, e hindi ka naman atah nagalusan e. Ako nga itong nagkapasa dito." Depinsa naman dito ni Kahlan.
"Yun nga Miss, muntik muna akong patayin." Giit din ng lalaki sa kanya. "At sana bago mo gamitin yang besikleta mo ay sinigurado mong maayos yan. Baka may mapatay kang tao at ikakulong mo pa." Saad ng lalaking kinatirik ng mata ni Kahlan.
"I know about law Mister kaya alam ko kung makukulong ba ako o hindi. Kaya wag mong ipamukhang wala akong alam. At one more thing hindi ko kasalanan o kasalanan ng bike ko kung may kakalat kalat na bato sa gitna ng daan para maging dahilan ng pagkawala ng balanse ng bike ko. Kaya kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko e di wag mo." Galit na ani Kahlan sa lalaki.
Agad itinayo ni Kahlan ang bike niya at tinalikuran ang lalaking natigilan.
"Ako na nga itong nasaktan e hindi pa tanggapin ang sorry ko. Akala niya masisindak niya ako, no way. Sayang, gwapo pa naman kaso ang sungit na suplado pa. Manigas siya, tangina niyang impakto siya." Bubulong bulong na ani Kahlan.
Hanggang marating ni Kahlan ang GSB building ay hindi maipinta ang mukha nito. Nanggagalaiti parin ito sa inis sa nabangga niyang lalaki. Kung nasa harapan lang siguro niya ito ay tinusok na niya ng tinidor sa inis.
"Oh! Mendoza, anong nangyari sa'yo at parang hindi maipinta ang mukha mo?" Tanong dito ni Dave ng makita niya si Kahlan.
"May nabangga lang akong impakto, sarap niyang tirisin ng pinong-pino. Nagsorry na nga ako sa kanya ay giit parin niyang muntik ko na siyang patayin. Eh! hindi nga siya nagalusan e kumpara sa'kin. Letseng lalaki ganda niyang buhusan ng clorox." Galit nitong sumbong kay Dave.
BINABASA MO ANG
I Knew You Love Me(Completed)
RomanceMark Anthony Villagas(GSB-9)-One of GSB. And he own the MAV restaurant. Ang pag-ibig ay wala yan sa panahon o lugar. Kusang dumarating ika nga nila. Pero pano kung magtagpo ang dalawang nilalang na parang aso't pusa kung magbangayan. Anong mangyaya...