Special Chapter

31.2K 729 26
                                    

SA paglipas ng mga taon ay nanatiling matatag ang pagsasama nila Mark at Kahlan bilang mag-asawa. Walang masabi si Kahlan sa pagiging matapat at mabuting asawa ni Mark. At mula ng maging asawa siya ni Mark ay tumigil narin siya sa pagiging secret agent niya. Kaya naman ibigay ni Mark ang lahat ng pangangailangan nilang mag-anak at subra-subra pa kung tutuusin.

"Michael Angelo, saan ka na naman ba galing at basang-basa ka ng pawis?" Tanong agad ni Kahlan sa anak ng makita niya itong pumasok mula sa labas ng bahay nila.

"Hey! Mom, nakipaglaro lang po ako ng basketball kasama ang barkada." Sagot nito. Napailing na lang si Kahlan sa tinuran ng anak.

"Oh! siya umakyat kana sa kwarto mo at maligo. Aalis tayo mamaya. Pupunta tayo sa MAV restaurant. Sabihan muna rin ang kapatid mo, nasa kwarto niya at naglalaro na naman yun." Utos nito sa anak.

"Mom, bakit po tayo pupunta doon?" Curious naman nitong tanong sa ina. "Meron po bang party?" Dagdag pa nito.

"Yes! nagkasundo kasi ang mga ninong niyo at ang daddy niyo na magpaparty sila doon." Sagot nitong kinatango naman ng kanyang anak.

"I see." Tatango-tango nitong aniya. "I'll go, Mon." Anito sabay hakbang niya ng mga paa at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Nakamata lang dito si Kahlan at nasisiguro niyang aasarin naman ng panganay nila ang bunso nitong kapatid.

"Hoy! Bansot, tumigil ka muna sa kalalaro mo dyan at maligo ka. Dahil pupunta daw tayo sa MAV resturant." Ani Angelo sa kanyang kapatid. Bigla naman naging isang linya ang kilay ng isa dahil saitinawag dito ni Angelo.

"Hindi ako bansot, isusumbong kita kay Daddy." Nakasimangot nitong aniya. "Fine hindi ka bansot ano lang....uhm! Caloy." Natatawang ani Angelo. Sa inis ng kapatid niya ay binato siya nito ng unan.

"Hindi Caloy ang pangalan ko. I'm Marcus Allen Villagas." May pagmamalaki nitong aniya kay Michael Angelo.

"Fine. Ikaw na si Alluloy," pang-aasar parin dito ni Angelo. "I'm just kidding, sige na maligo ka na at mamaya ay meron akong new game na ipapakita sayo." Maya ay ani Angelo dito ng magseryoso ito. Tila hindi naman naniniwala ang isa.

"I'm serious, i'll show you later." Sansala dito ni Angelo sabay gulo nito g buhok ng kapatid. Kaya napangiti ang kapatid niya at agad na nagmadaling pumasok sa banyo. Natatawa namang lumabas ng silid ni Allen si Angelo at nagtungo rin ito sa kwarto niya upang maligo.

Matapus maligo at makapagnihis ng magkapatid na Michael Angelo at Marcus Allen ay agad na nagtungo ang dalawa sa kanilang malaking sala. At gaya ng sinabi ni Angelo sa kapatid ay meron na namang bagong game na inidownload ito sa iPad ng kapatid niya na kinatuwa nito.

"Wow! Goodboy ang mga anak ko. Let me see kung ano ang isinuot niyo?" Ani Kahlan sa mga anak. Kababa lang niya mula sa kwarto nila ni Mark dahil nagbihis din siya. Hinayaan kasi niya ang mga anak na maghanap ng maisusuot nila.

"Mom, malaki na po kami. Hindi na kami bata ni kuya para ibaby mo pa." Nakasimangot na ani Allen.

Bigla naman nalungkot si Kahlan sa tinuran ng anak. Parang kailan lang kasi e pinanggigilan niya ang mga anak niya. Pero ngayon ito meron na silang binata.

"Kaya nga mga anak ang bilis niyong lumaki. Sa susunod e baka mag-aasawa na rin kayo at iiwan niyo na kami ng daddy niyo dito sa bahay." Anito. Bigla naman siyang niyakap ni Angelo.

"Mom, wag mo muna isipin ang pag-aasawa namin. Dahil wala pa akong plano tungkol sa bagay na yan. Gusto kung i-enjoy muna ang buhay binata hanggang makatapus ako ng pag-aaral at makapagtrabaho." Saad ni Angelo sa kanyang ina sabay halik nito sa noo ng ina.

Agad din namang yumakap si Allen kay Kahlan. "Mommy, hindi pa ako matanda. Tumangkad lang po ako. At hindi pa kayo matada ni Daddy. Magiging doctor pa po ako someday." Ang seryoso namang ani Allen sa ina.

I Knew You Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon