Chapter 8

21.8K 619 19
                                    

PAGDATING ni Kahlan sa bahay nila ay ang magulang agad niya ang nabungaran nito. Nagtatanong ang mga mukha ng mga ito. Kaya gusto tuloy niyang tumawa na ewan.

"Good morning, parents." Anitong may pagkapilya at sinaluduhan pa nito ang kanyang ama.

"Nasaan si Mark?" Tanong ng kanyang ina sabay tingin sa likod ni Kahlan kung nandoon ba ang binata.

"Mom, pumasok po siya sa work. May importante siyang dapat asikasuhin doon ngayong araw. Kaya idinaan lang niya ako dito ngayon." Sagot nito sa kanyang ina.

"Ah! I see." Ang tatango-tangong anang kanyang ina. "So, anong ginawa niyo kagabi?" Curious na tanong ng ina. Pinaikutan naman ito ni Kahlan ng mata.

"Nothing, mother. Pero, nakilala ko ang mga kaibigan niya last night. Naghanda kasi ng dinner ang kaibigan nilang half Korean, half Pilipino at nagkataon din na boyfriend ng sister ni Mark. Kaya ipinakilala niya ako sa ibang hindi nakakakilala sakin sa mga kaibigan niya. Nandoon din si cousin Dave at Nicole. Din ang bahay ni Mark ay katapat lang ng bahay ni Frank at hindi rin kalayuan ang bahay ni insan sa bahay nila." Anito.

"Oh! Ganun lang talaga ang nangyari?" Ang hindi makapaniwalang anang kanyang ina.

"Bakit may inaasahan pa po ba kayong iba, mother?" Mataray nitong tanong sa ina.

"I knew it. His a good guy." Ang biglang saad ng kanina pa ay nakikinig lang na ama ni Kahlan. "Dad, he respect you a lot. Hindi daw ibig sabihin ay ipinagkatiwala mo ako sa kaniya ay itatake-advantage na niya ako. Ayaw daw niyang sirain ang tiwalang ibinigay niyo sa kanya." Pagkwekwento nito sa kanyang ama na kay lawak ng pagkakangiti. Tila may pagmamalaki itong hindi siya nagkamali sa pagpili ng isang Mark Villagas.

Matapus ang kwentuhan nila Kahlan at ang magulang ay saka nagpasyang pumasok sa trabaho ang kanyang ama.

"Mom, can you teach me how to cook." Anitong ipinagtaka ng kanyang ina. "Mom, please. I want to cook for Mark." Makaawa nito kaya napailing na lang ang ginang.

"Sige-sige, after kung diligan ang mga tanim kung bulaklak sa garden." Anang ina ni Kahlan na agad tumayo. Kaya napangiti ng kay lapad ang dalaga.

Dali-daling umakyat ng kwarto niya si Kahlan at naghanap ng maisusuot niya.

SAMANTALA pagdating ni Mark ng opisina ay agad nitong kinausap ang mga security guard na nakatalaga sa kumpanya ng ama. Ipinaliwanag niya sa mga ito kung ano ang gusto niyang mangyari. At dahil sa magandang regalong inialok niya sa mga ito ay hindi nakahindi ang mga ito sa kagustuhan niya. Kaya sa araw ding yun ay agad niyang napalitan ang mga security guard ng kumpanya ng ama.

Marami din ang nakarinig sa pagpalit ni Mark sa kanyang ama sa kumpanya nito pansamantala. Kaya naging sunod-sunod ang pagdatingan ng mga client na gustong makausap ang binata.

"Miss Suarez, wala po sa office niya si Sir Villagas." Pigil ni Julia sa anak ng Vice President ng kumpanya.

"Where is he?" Mataray nitong tanong sa secretary ng mag-amang Villagas.

"Meron po siyang meeting." Sagot naman sa kanya nito.

"Okey! hihintayin ko na lang siya sa loob." Anito sabay lakad nito at pumasok sa opisina ng C.E.O.

Tamang-tama namang dumating si Kahlan at nakita nito ang pagpasok ng babae sa opisina ni Mark. Ng makita siya ni Julia ay para itong nakakita ng kakampi na ewan.

"Nasaan ang boss mo?" Tanong agad dito ni Kahlan. "Meron po siyang meeting Ma'am." Sagot nito. "Ah! Ma'am, pwedi po bang pakitapon niyo palabas ng opisina ni Sir yang babaeng maharot na pumasok sa loob ng opisina ni Sir. Siya po ang anak ng Vice President ng kumpanya." Ani Julia kay Kahlan na halos ibulong na niya sa takot na meron makarinig nito. Agad naman itong kinindatan ni Kahlan sabay ngiting nakakaluko.

I Knew You Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon