Chapter 15

20.8K 604 15
                                    

AGAD na dinala nila Mark sa isang safe place ang tatlong bihag nila upang masigurado ang kaligtasan ng mga ito. Dahil alam nilang hindi basta-basta ang makakalaban nila kundi malaking isda ang dapat nilang mahuli sa ngayon. Matapus nilang habilinan ang mga taohan nilang itinalaga nilang magbantay 24 hour sa naturang safe place ay saka sila nagkasundong umuwi munang magkakaibigan. Magkasamang umuwi sina Elijah at Mark sa bahay ng magulang niya.

Alam ni Mark na kahit minsan ay kinukutungan sila ng kaibigan niyang si Elijah ay napakabuti naman nitong kaibigan. At alam niyang mahal na mahal nito ang kapatid niya. At ngayon ay ito tinutulangan siya nito kahit hindi siya nagsabi ditong tulungan siya nito. Alam niyang matinik na assassin si Elijah at hindi yun alam ng nakakarami, tanging silang magkakaibigan lang ang nakakaalam. Successful itong business man pero sa likod nun ay ang pagiging assassin niya. Hindi lang sa Pilipinas ito nagtratrabaho kundi maging sa ibang bansa ay kinukuha ito dahil sa galing niyang kumalabit ng triger nang baril at wala itong palya kung siya na ang nagtrabaho.

Nang marating nila Mark at Elijah ang bahay ng magulang niya ay agad silang tumuloy sa loob. Inabutan nilang nasa malaking sala ang magulang niya kasama ang kapatid niyang si Samantha at ang nobya niyang si Kahlan.

"Kumusta ang lakad niyo?" Seryosong tanong sa kanya ng ina. "Ayos lang, Mom." Sagot nito na agad tumabi sa kinauupoan ni Kahlan.

"Kumusta ang bakasyon, tito, tita?" Tanong naman ni Elijah sa mag-asawa ng tuluyan siyang makaupo sa tabi ni Sam.

"Ayos lang, hijo." Sagot ni Dawn kay Elijah.

"Oh! siya dahil nandito na kayong dalawa ay tayo na sa hapag kainan. Ready na ang lunch." Ani Sam sa mga ito. Kaya maingat na inalalayan ni Mark si Kahlan.

"Kumusta ang pakiramdam mo, honey?" Pabulong ditong tanong ni Mark. "Ayos lang, medyo masakit lang yung ano ko." Nakangiwi nitong sagot. Dahil pakiramdam niya ay napaka akward ng feeling na pinag-uusapan ang bagay na dahilan kung bakit siya nilagnat at ang pananakit ng nasa paanan ng mga hita niya.

"Mawawala din yan, you just need a rest." Anitong nakangiti. "Ang laki ba naman kasi niyang ano mo." Nakasimangot nitong aniya sa binata sabay pinamulhan ng mukha. Kaya biglang natawa si Mark na agad hinampas ni Kahlan sa balikat ng mahina.

Matapus nilang maglunch ay agad na umakyat sina Mark at Kahlan sa silid ng binata. Gusto nitong magpahinga ang nobya ng madaling gumaling ang sakit na nararamdaman nito sa parte ng pagkababae nito.

Maingat na inilapag ni Mark si Kahlan sa kama ng marating nila ang kwarto niya. Binuhat kasi niya ito bago sila umakyat paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng magulang niya.

"Honey, saan kayo galing ni Elijah?" Agad nitong tanong kay Mark.

"Meron lang silang ipinakita sa akin." Sagot nito sabay tabi niya sa kinahihigaan ni Kahlan.

"Tungkol ba yun sa kay Mr. Suarez?" Tanong parin nito kay Mark. "Yeah! no worries, kaya na namin ang kasong ito. Kaya magpahinga ka na lang sa bahay. Ayaw kung madamay ka pa." Anito na agad siniil ng halik sa labi ang dalaga. Agad naman itong tinugon ni Kahlan kaya puno ng pagmamahal ang palitan nila ng halik.

"I love you, honey." Ani Mark sa nobya matapus maghiwalay ang kanilang mga labi. "I love you, too." Tugon naman ni Kahlan sa nobyo.

"Kinabahan ako kanina, akala ko e magagalit na sa'kin ang parents mo." Pagtatapat ni Kahlan sa nobyo na natawa lang. "Pero ang bait pala nila sa personal. I like them." Anito.

"Good to hear that, honey. Dahil magiging future parents in law muna rin sila." Anito kay Kahlan.

"Nakakasiguro ka naman na ako talaga ang magiging asawa mo. Baka nga bigla kang magbago kung makakita ka ng mas sexy pa sa akin." Saad dito ni Kahlan.

I Knew You Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon