Chapter 7

22.4K 666 16
                                    

HABANG buhat-buhat ni Mark si Kahlan ay napangiti siya dahil sa kaseryosohan ng binata. Nakita ni Kahlan na ang weird nga pala kapag nagseryoso ang isang playboy. At nakikita nitong nagsasabi naman ito ng totoo. Pero hindi mo parin maiaalis ang paninibago.

"Yung phone ko, may tumatawag." Ani Kahlan ng marinig niya ang tawagan na tumunog. Kaya maingat na ibinaba ni Mark si Kahlan. Agad naman kinuha ni Kahlan ang tawagan niya at sinagot yun.

"Hello."

"Hey! How are you?" Anang nasa kabilang linya.

"I'm good, napatawag ka?" Tanong niya dito. "Hindi kasi ako makatulog, nagbakasakali lang akong gising ka pa." Sagot ng kausap niya.

"Ah! Ganun ba. Nasaan ka ngayon?" Anito sa kausap. Tahimik lang namang nakikinig sa dalaga si Mark.

"Nandito sa bahay, but walang ilaw sa kwarto mo?" Anang kausap ni Kahlan.

"Uhm! wala kasi ako sa bahay e." Sagot naman nito. "Oh! Nasaan kung ganun?" Tanong sa kanya ng kausap.

"Nandito ako sa GSB subdivision." Kagat labi nitong sagot.

"Sa bahay ng pinsan mo?" Tanong uli ng kausap niya.

"Ah! hindi, nasa bahay ako ni Mark." Mabilis nitong sagot.

"Oh! I see. His your boyfriend ha." Tila desmayadong turan ng kausap niya.

"I'm sorry, PJ." Anito sa kausap. Dahil sa narinig ni Mark na tinuran ni Kahlan ay napabuga siya ng hangin. Buti na lang at hindi nakatingin sa kanya ang dalaga.

Matapus makausap ni Kahlan si PJ ay muli nitong binalingan si Mark. Walang buhay ang mukha nito at hindi mabasa ng dalaga ang tumatakbo sa utak nito.

"Let's go, ihahatid na kita pauwi." Tila galit na ani Mark ngunit pilit nito iyon tinatago kay Kahlan.

"Mark...."

"No, it's okey. May importante ka atang gagawin kanina pero bigla na lang kitang dinala dito. I'm sorry about that, halika na at nang maihatid kita dahil lumalalim na ang gabi." Ani Mark na nagpatiuna ng lumakad.

"Praning talaga ang lalaking ito. Bahala ka sa buhay mo." Ani Kahlan na sa halip na sumunod kay Mark ay pinili nitong umakyat sa ikalawang palapag nang bahay ng binata.

Paglingon ni Mark ng marating niya ang bungad ng pinto ay napakunot ang gwapo nitong mukha ng hindi makita si Kahlan.

"Kahlan.....Kahlan.....kahlan?"

Biglang binalot ng pag-aalala si Mark ng hindi sumasagot sa kanya ang dalaga. Agad nito tinungo ang kusina ngunit wala doon ang dalaga. Kaya patakbo itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay niya. Agad naman nitong nakita ang kwarto niyang nakabukas ang pinto at ang ilaw. Kaya mabilis nitong tinungo ang pinto at itinulak niya ito. At doon bumungad sa kanya ang kampanting nakaupo na si Kahlan na nakaupo sa kanyang kama.

"Kahlan....?"

Tawag nito sa dalaga. Tinaasan naman ito ni Kahlan ng kilay. Kaya naihilamus ng binata ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha. Akala niya ay napano na ito. Yun pala ay sa kwarto niya ito pumunta.

"Hindi ka lang praning, baliw pa." Saad sa kanya ni Kahlan.

"Look_

_wag muna ituloy yang sasabihin mo." Putol ni Kahlan sa sasabihin ni Mark. "Si PJ ay dati kung manliligaw, dating manliligaw ha. Ibig sabihin ay noon hindi na ngayon. Kapitbahay lang namin. Hindi ko sinagot dahil wala akong nararamdaman na spark, kilig o yung feeling na meron paru-parong nagliliparan sa sikmura o whatever they called, etc. For short, I don't have a special feeling for him." Anito kay Mark.

I Knew You Love Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon