Story # 02: Si lolo

1.1K 8 2
                                    

Ang matatanda ang daming pamahiin, bawal ang magwalis sa gabi tinataboy mo raw ang grasya, bawal kumanta sa kalan habang nagluluto ka, makakapangasawa ka raw ng byudo o vise versa. Kapag iihi ka naman kung saan dahil inabutan ka ng tawag ng kalikasan at walang cr, mag tabi-tabi po ka raw, huwag kang mananalamin ng basag mamalasin ka raw, atbp.

Kung sa mga simpleng bagay pa nga lang isang tamba na ang pamahiin, lalo naman kapag may patay kayo.

Bawal maligo habang hindi pa naiilibing.

Bawal Patakan ng luha ang salamin ng kabaong, baka may sumunod.

Bawal tulugan ang patay, kailangan may magbabantay.

Bawal ang buntis sa lamay.

O di ba sangkaterbang bawal, nadaig pa ata si Boy Bawal.

Anyways, ang next na kwento ko po ay about sa yumao kong lolo at sa asawa ng anak ng uncle ko. Tawagin ko na lang silang Vincent at Rhea, tapos meron rin ang mga tita at mama ko.

It was year 1999 ng mamatay ang lolo ko. Grade five ako nuon. Hindi ko makakalimutan iyon. Nung araw na iyon nasa school ako at naghihintay na lang kami na mag uwian, wala akong baon kaya naman uuwi ako ng lunch, babalik na lang ako sa school after ko kumain

Si tatay, mahina na nuon at nakaratay na sa higaan. Sabi ni nanay nuon gusto raw ipasa sa akin ni tatay ang antinh-aniting niya, pero masyado pa raw akong bata kaya hindi na lang nila tinuloy, ibabalik na lang daw sa nagbigay sa kanya.

Kalilipay lang rin namin sa bagong bahay nun ng maratay si tatay. Nitong mga nagdaang gabi madalas ako maalimpungatan sa ubo ni tatay tapos si nanay naman may sinasaway na ewan. Parang pinapaalis, natatakot na nga ako sa ginagawa nila e. Sabi ni nanay mga engkanto raw, naghihintay na iluwa ni tatay ang anting-anting niya.

Anyway, nung umuwi ako inabutan ko si nanay na inaalalayan si tatay kasi dinadalahit na naman ng ubo. Pinabili na lang ako ng sardinas ni nanay para ulam ko sa tanghali.

Pero hindi ko nakain iyon, si tatay kasi ubo ng ubo tapos nung may iluwa siya nakita ko parang may batong itim. After nun nanghina na si tatay, si nanay naman umiiyak na. Wala na akong paki sa pagkain ko, lumapit ako sa lolo ko tapos nagbilin na siya na alagaan ko si nanay blah blah blah. (ayoko umiyak e).

After an hour, my grandfather took his long last breath. Tapos binawian na siya ng buhay. That is the most painful moment of my life.

Inabisuhan namin ang mga anak ni Tatay na nasa malayo para makapunta sila sa lamay. Di ko na matandaan kung pang ilang araw na ng lamay bago sila nakarating. Basta ang alam ko ng dumating sila pumunta kaagad sila sa kabaong tapos may sinabi.

Nung bandang gabi na, naririnig ko mga tito tita ko na nagkukwentuhan. Si Tita Baby, galing pang laguna, cook kasi siya e kaya hindi kaagad nakapunta. Huling dumating mga magulang ko.

Ayon sa kanila, nagparamdam daw si tatay sa kanila.

*SA KUSINA*

Si tita, yung trabaho niya, nangangailangan na magising sila ng maaga para makapag handa ng mga gagamiting sangkap. Yung higaan nila parang doubke bed pero hindi. Sa mismong kusina sila natutulog daw, nakalimutan ko na pagkakadeacribe niya sa akin. Tapos unang araw ng lamay ni tatay nasa trabaho pa siya, madaling araw na nagising siya na may kumakalampag sa kusina. Parang may nagluluto.

GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon