Beki... ganyan ang tawak sa mga lalaking nagsasabing meron silang puso ng isang babae. Marami namam akong kaibigang bakla, at sa totoo lang masaya silang kasama.
Kumbaga, hindi niyo matatapos ang araw na hindi ka tumatawa.
Anyways this story happens way back years ago..
Sa nabanggit ko sa isang story ko na iyong mangga sa lugar namin ay kinatatakutan di ba?
For a eight year old kid like me ( iyan iyong age ko nung nalaman ko ang kwento) syempre curiosity always kicks in.
Madalas kasing magtakbuhan ang mga kababata ko kapag ginagabi kami ng uwi sa kalalaro. Tinanong ki nanay kung bakit ba parang may kakaiba sa punong iyon. Palagi kasi akong kinikilabutan kapag napapadaan rin ako duon.
This is what she told me....
*The 'Mango tree'*
Year 1980's....
Ang lugar namin ng mga panahong iyon ay wala pa halos nakatira. Kahit saan ka tumingin, puro bakanteng lote at talahib lang ang makikita mo.
Ang creekside kung saan nakatirik ang bahay namin ay kubo kubo pa daw. At dalawa pa lang ang bahay sa baryo namin. Sa subdibisyon naman may mga anim pa lang. At malaki ang pagkakalayo layo ng bahay.
Wala pang poste, wala pang kuryente kaya naman madilim palagi ang lahat ng lugar.
May nag-iisang bakla na nakatira nuon di kalayuan sa baryo namin. Sabi maganda raw at hindi mo masasabing lalaki kapag tiningnan mo ang itsura.
Nung mga panahong iyon, nag-uumpisa pa lang na estimahin ng meralco ang lugar namin para malagyan ng kuryente (poste).
Isang gabi lumabas ang baklang si Grace para bumili ng yosi. Kahit madilim kita mong maputi at makinis ang balat niya.
Nung mga panahong iyon merong mga adik na gumagala gala sa paligid. Ang tindahan nun ng ninang ko ay nag-iisa pa lang.
Nagpunta siya para bumili Mark cigarette at para tumambay na rin. Pagdaan niya sa may puno ng mangga hindi niya napansin na may tatlong lalaki na kulang na lang ay maglaway sa kanya sa paraan ng pagtingin.
Across the street nakatago naman daw si Mang Gustin. Siya ang kaisa isang saksi sa lahat. Kapitbahay rin namin siya. Kung anong ginagawa niya roon *cough* wag niyo ng alamin. Ha ha!
"Pare, pwede na iyong chicks na iyon." sabi raw ng isa. Tapos na daw si Mang Gustin sa 'ginagawa' niya. Di niya mapigilang mag eavesdrop.
"Tungaw! kita mong tagilid iyon e." sabi ng isa pa.
"Ok lang iyan. Saka maraming pera iyon..." nakangising sabi naman ng isa pa.
Napahinuhod na rin ang isa pa. Napalingon si Mang Gustin ng makitang pabalik na ang bakla.
Nang mapatapat ulit ito sa madilim na puno ng Mangga nagulat siya ng lumabas ang tatlong lalaki na haggard look at mapula ang mga mata.
"Hi Gracey...." nakangising bati niya sa bakla.
"Sino kayo?" simpleng sagot ng bakla.
"Wag mo ng alamin. Tara, paligayahin mo naman kami." saka may ginawang nakakadiri. (Eeeww!)
"Ah! kadiri yuck! excuse me?!" saka niya hinawi ang nakaharang na lalaki.
"Hep hep hep, teka lang. Wag kang magsungit kung ayaw mong damputin sa kangkungan..." saka may inilabas na kung ano.
Naumid at napahinto ang bakla. Dinala nila ang bakla sa likod ng puno ng Mangga.
Rinig ni Mang Gustin ang daing ng bakla na ni rarape at sinasaktan. Gusto raw sanag tulungan ni Mang Gustin kaya lang nadaig siya ng takot.
"T-teka anong gagawin niyo?!" narinig niyang tanong ng bakla. Tawanan lang ang narinig ni mang Gustin mula sa dilim.
"W-waaag maawa kay--" tapos nun nakarinig si Manong ng parang hinihiwang laman at boses na parang nalulunod, yung tunog ng nag mumumog.
Maya maya pa naaninag na ng Manong na gumalaw ang tatlo. Iyong isa wala ng t-shirt. Nagsasara ng zipper.
"Dito natin ilagay." sabi ng isa. Nanlaki ang mata ni mang Gustin ng makitang may hawak itong kung ano....
Isinabit ng mga ito ang bitbit sa katawan ng puno ng mangga. Kinabukasan pumutok ang balita na may natagpuang patay sa bakanteng lote at masyado raw brutal.
Muntik pang masuka si Mang gustin at si nanay sa nakita. Si Beking Grace ay walang awang pinatay. Literal na binalatan ang katawan nito na parang nagbalat lang ng hilaw na mangga. Ang ulo nito ay nakasabit sa katawan ng puno ng mangga.
Ng sumapit ang gabi makakarinig na ng iyak at ungol sa bahaging iyon ng lote. At sa puno ng mangga madalas na may makitang ulo na lumulutang....
===========================
>_< parang hindi ko na kaya hahaha pero susulat ko pa rin ang iba... see yah on my next update...
Thanks ulit sa mga nagbabasa nito....
BINABASA MO ANG
Ghosts
HorrorCompilation ng mga encounters ng mga kakilala, lola at kaibigan ko na naibahagi nila sa akin... Do you believe in Ghost?