Okay, so yan ang unang nag kwento ko ay ang aking best, ^_^ so sa text niya kinwento sa akin kaya naman nagawa ko kaagad... this one is for you sis, thanks for all your support...
And sorry wala ako masyado mai title kaya naman siguro ito na lang...
*********
+Raedamellas's story+
Ewan ko kung nakakatakot sa inyo ang story ko pero para sa akin it was the scariest thing that ever happen to me, to think na hindi ako nag-iisa nung mangyari itong event na ito.
Nung college ako, member ako ng theater group namin. So syempre kapag may show kami natural na gabi yung rehearsals kasi may mga klase kami and iba't-ibang schedule at courses nung mga members. That time hindi ako gaanong naniniwala sa mga multo though nakakita na ko once (Ikukwento ko sa next story :)). Iniisip ko na imagination ko lang iyon noon kasi madaling araw yun nangyari eh.
Anyways back to my story, so iyon nga, nung 2nd year college ako, magpeperform kami sa school. Month of the Holy Rosary iyon. September o October. Tapos ang gagawin namin ida-dub na lang yung show. Yung ire-record na lang namin yung voices namin tapos sa actual performance ipi-play na lang para hindi na kami gagamit ng mic pag umarte.
Ang ipeperform namin kasi noon ay iyung sorrowful mysteries. Gagawa ng human rosary tapos everytime na babanggitin yung mystery, i a-act out namin kung ano yung nangyari sa mystery na yun.
Mga 8-9 pm iyon, sa school pa din. Dun kami sa may hallway. Sa likod namin garden. Tapos yung harap namin parang quadrangle.
Naka-circle kami noon, semi circle kami sa laptop dahil dun namin irerecord yung script. Alam niyo naman yung mysteries di ba? So natapos kami sa first sorrowful mystery. By mystery kasi iyung pagrerecord. Then nirecord namin yung second sorrowful mystery. So after nung unang dun ng second mystery pinakinggan namin tapos sabi ng coordinator ulitin.
Alam niyo yung mga second mystery di ba? Sa second mystery yung iaaccuse ng crowd si Peter na kasama nya si Jesus tapos idedeny nya di ba?
So inulit namin yung pagdub. So yung nagsasabi ng "kasama ka ni Hesus na taga Galilea!"
3 babae yun.
3 babae yung mag aaccuse. And nung pinakinggan namin yung second recording na yan, nagulat kami (at kinilabutan) dahil yung boses nung 3 babae nawala. Tapos napalitan ng isang boses ng lalaki na malaki. Deep talaga yung boses tapos sinabayan nya yung part na yun. Sabi din nya:
"Kasama mo si Hesus na taga Galilea, WAHAHAHAHA"
As in yung voice parang nang aasar tapos yung dulo evil laugh talaga. Nung narinig namin yun nagtinginan kaming lahat. As in lahat kami kinilabutan. Nung una in denial pa kami. Parang "anong nangyari?"
Take note na hindi pwedeng may mag-joke dahil kinabukasan na namin ipeperform yun. At kasama namin yung coordinator sa pag dub. Tapos, sabi namin baka nagloko lang or something. Basta in denial pa kami.
Kaya ginawa namin yung 3rd, 4th and 5th mystery. Wala namang sumabay na. Kaya inulit namin yung second sorrowful mystery, inisip namin na baka okay na, kaya lang nung iplay na ulit namin siya, natigilan ulit kami. Kasi iyong same part na sinabayan niya kanina, sumabay uli sya. Same voice, same mocking tone.
Pero faint na yung boses. Kahit papano naririnig na yung boses nung 3 babae. Pero sumasabay pa din sya. Nung narining namin yun, tinginan uli tapos nagdasal na kami. Tapos nagdecide na lang kami na lumipat kami ng stage. Tapos inulit uli namin sa stage, kaso ganun pa din. Sumasabay pa rin sya sa part na yun.
Kaya sabi ng coor bukas na lang ng umaga irecord uli yung 2nd mystery. Tapos ang pinraktis na lang namin yung acting.
The next day, nun na gagawin yung performance. Hapon kasi yun, After lunch, nagkita kita uli kami para irecord yung 2nd mystery. Dun kami sa may kubo sa may harap ng school pero sa may gilid para medyo tahimik yung pagrerecord.
Katulad nung gabi. Akala namin magiging okay na kasi umaga na namin ginawa iyong pag rerecord e, ang kaso noong iplay ulit namin may sumasabay pa din pero mahina na yung boses. Nagulat kami kasi maaga na. Tapos laging yung part lang talaga na yun. Yun lang talaga yung sinasabayan nya.
In the end yung ginamit namin yung kauna unahang recording nung second mystery kasi non lang sya hindi nakasabay. So ok natapos na performance. Syempre gabi uli may workshop pa din kami.
Yung room kasi ng teatro nasa may gilid ng school. As in pinakagilid. Tapos mga 6-7 nagreready na kami sa workshop, biglang pumasok yung dalawang babaeng applicant namin. Umiiyak. May lalaki daw na nakasunod sa kanila. Lalaki na hindi tao. Basta iyak lang sila. In the end, tinawag namin si father para ipray over sila tapos ibless kami. (May tirahan kasi ng mga pari sa school namin kasi Catholic school kami. Mga pari yung nagpapatakbo ng school.)
~Raedamella
BINABASA MO ANG
Ghosts
HorrorCompilation ng mga encounters ng mga kakilala, lola at kaibigan ko na naibahagi nila sa akin... Do you believe in Ghost?