Story #12: White lady

482 7 2
                                    

Ito iyong next story ni Raedamella, maikli lang siya, kaya here goes..

***********
Raedamella's Story Part II

Ayun, ito iyong sinasabi ko na nakakita ako nang multo. Maikli lang ito at hindi nakakatakot...

Elementary ako that time. Grade 5 or 6. Dun pa kami natutulog sa taas nun. Yung bahay kasi namin luma. Bahay pa nila ama at inang (lolo at lola ko) yung gawa sa kawayan tapos capiz pa yung bintana?

So that time may pasok sa school. 7 pasok namin nun. Gising ako ng 5 kasi magluluto ako ng breakfast at baon namin ng kapatid ko.

Yung style kasi nung taas parang isang malaking kwarto space na parang pwedeng gawing sala. Tapos may pinto then kwarto. Sa kwarto parang dalawang kwarto din sya. May hati tapos kurtina lang na blue yung nagdidivide. So walang gamit dun sa mas maliit na kwarto na yun. Yung paanan namin sa may pinto tapos sa gilid pinto uli pababa. Dun yung bed namin sa mas malaking kwarto.

Alam mo yung paggising mo di ba kahit nakahiga ka nakikita mo yung paanan mo. So paggising ko that time eh di nakita ko yung paanan ko. Tapos sa may gawing paanan nung bed alam mo yung may nakaputi na nakabelo na dahan dahan na naglalakad or lumulutang.

Alam mo yung parang tumatawid lang sya, dumadaan papunta dun sa kwarto na maliit. Nanigas ako nun. Yung tipong hinihintay ko sya lumingon sakin tapos sinusundan ko yung progress nya. Pero alam ko na kapag lumingon sya sakin matatakot ako. Pero gusto ko syang lumingon sakin.

Buti na lang hindi sya lumingon tapos parang pumasok sya sa may kurtina sa kwartong maliit. Hinahangin kasi yung kurtina (di ko alam kung sa hangin o sa electric fan) tapos nakatulala ako at natatakot.

Sinisilip ko pa din sya saka hinihintay kong lumabas. Pero di na sya lumabas. Di ko alam kung gano katagal akong na freeze. Pero after that, tumayo na ko. Saka bumaba. Nagbukas na lang ako ng ilaw.

Nung sinabi ko kila mommy sabi nila pwedeng totoo daw yung nakita ko kasi parang birthday o death anniv nung isang kamag anak nila na namatay. Baka nagpapaalala lang daw.


~Raedamella

GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon