Story # 03: Lalaking nakaupo

996 7 1
                                    

Ang story na ito ay naranansan naming magkakaibigan, wala naman kaming ineexpect na makikita nung gabing maisipan naming mag stroll sasubdivision. Wala lang trip trip lang namin na mag-ikot kasi ang ganda ng langit at ang lamig ng hangin. Mahilig nga akong magkwento ng nakakatakot pero mas masarap magkwento kapag kasama ko mga kids.. yeah ako ang pinaka matanda sa kanila hahah love kong mag hang out kasama ang mga kabataan. wala lang masaya ehh..

*Yumi's encounter*

Nagpunta ako sa kalsada dahil:

One: ang sarap mag gala

Two: trip kong magpuyat

Three: kasama ko sina yumi, lime, meg, knight, momo at si ako.

So in short mag gagala kami. Wala naman kaming partikular na gagawin, basta mag-iikot lang kami, tapos sabi ko mag punta na lang kami sa court.

"Ay sige ate court tayo, tambay.." sabi ni  yumi..

"seasow tayo..." si lime excited..

Tapos naglakad na kami.. habang nasa daan kami biglang nag open si Knight ng about sa puno ng akasya. 

"Uy ayoko dumaan diyan.." sabi niya.

"Bakit naman ate knight?"  si knight po ay babae, code name nila lahat iyan...

"Basta ayoko diyan..." sabi niya na hindi na gumalaw. 

Natatawa ako nun kasi hindi naman puno ng akasya yung dinaanan namin, simpleng puno lang iyon na creepy rin. Talisay  yata iyon. Tapos naisip ko na baka natatakot siya.

"Natatakot ka no?" sabi ko.

"Oo.. e kasi sabi nila kapag may puno ng akasya may kapre, o kaya engkanto.." sabi niya na bumalik.

"eh paano tayo pupunta sa court kung hindi tayo dadaan diyan?" mataray na sabi ni Lime,

"eh basta ayoko diyan, uuwi na lang ako."

Sina meg at yumi wala lang reaksyon. Pero natatawa na rin ng onti.

"Ano ba iyan ate Knight ang corny mo naman,." sabi pa ni Lime.

"O sige since ayaw mo dito dumaan sa baba na lang tayo. Tara na. Duon sa may simbahan."

"ano ba iyan si Knight ang corny hahaha!" si momo pang asar iyan ng grupo. Kapag pinag tabi mo si Lime at Momo naku walang gagawin iyan kundi magtrip at magpatawa. Susuportahan pa iyan ni Yumi na patawa rin sa amin.

In the end napapayag namin si Knight na sa may simabahan na lang kami dumaan. Nung una okay pa kasi nakakapag biruan pa kami nung papadaan kami sa simbahan, wala lang. Hanggang makarating kami sa Court at nag seasow na sila at kami naman ng pinsan kong si Meg at si Knight ang saya na niya.

Sana pala hindi ko na lang binanggit iyong puno na pinaka aayawan niya kasi katapat lang namin iyon sa duyan. Ang dilim pa nung time na iyon sa Court plus bilog pa ang buwan at parang kami na lang ang tao nun sa kalsada.

GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon