Nicole POV.
Napapaisip ako kung anong kaugnayan nung lalaki kay kim taehyung anong trabaho kaya ang inooffer nya sa akin. Parang exciting talaga ang nagaganap sakin sa sokor. Umuwe ako sa bahay at tatawagan ko ang lalaki. Dinial ko ang number na binigay nya nag riring pero ang tagal sagutin. Maya maya ay may sumagot. "Hello! Sino to?" tanong nya. "Uhm ako to si nicole. Itatanong ko lang sana yung trabahong inooffer mo?" Sagot ko. "Ah! Ikaw pala yan, o sige magkita tayo! Itetext ko sayo yung lugar."
"O sige" pinatay ko na ang tawag at naligo na ako.
Sumakay ako ng taxi at pumunta sa lugar na tinext nya. Agad ko syang nakita pag tingala nya ay nag spark ang mukha nya. Hindi maikakailang may hawig sila ni kim taehyung. Agad akong lumapit at umupo sa harap nya.
"Anneyeong!" Bati ko
"Anneyeonghaseyo Marky sky imihda." *with smile*
" ang cute naman ng pangalan mo may sky pa."
"Salamat. Ano nga palang order mo." Tanong nya.
"Uhm.. ok na sakin yung chicken soup"
"Chicken soup lang? Masarap den yung ramen nila at kimchi. Ako na lang oorder. Waiter please."
Habang tinititigan ko sya nakikita ko ang mukha ni Kim taehyung. Parehas silang gwapo. Haysss ano ka ba nicole wag kang malandi! May boyfriend ka sa pinas.
"Ok ka lang?" Tanong nya.
"Uhm oo naman. Hindi lang ako sanay makipag-usap sa ibang tao. Lalo na sa gwapo. (Pabulong)
"Huh? Anong sabi mo?"
"Ah! Wala! Sabi ko ano palang trabaho ang offer mo??" Tanong ko.
"Kung handa ka bang maging personal assistant?"
"Personal assistant mo? Hmm ok naman. Lalo na kung gwapong kagaya mo. (Pabulong)
"Ha??"
"Hahaha, hindi ako, dun sana sa pinsan ko."
"Pinsan??"
"Oo. Isa kasi syang artista at napaka sungit nya. Wala pang tumatagal na P.A sa kanya. Tingin ko ikaw palang."
"Ha? Bakit ako? Tanong kong nagtataka.
"Natandaan mo ba yung nagkabanggan tayo? Dun palang alam ko ng napaka tapang mo. Isa kang amazona." Sabi nya.
"Wow! Maka amazona ka naman. hindi naman naman ako amazona naiinis lang ako pag mayabang yung kaharap ko."
" I give you a deal."
"Deal? Anong deal?
"Kapag tumagal ka ng 1year bibilhan kita ng bahay at lupa. Or papagawan kita ng restaurant at ikaw ang owner."
"Uhm.."
"Bakit? Ayaw mo ba? Ano bang gusto mo? At yun ang masusunod."
"Gusto ko sana makatapos ng pag-aaral. Pati yung mga kapatid ko." Sagot ko?
"Yun lang ba?? Walang problema. Libre ka ng magaaral sa SOKOR UNIVERSITY. Habang nag tratrabaho ka may sweldo ka pa ren. Hindi lang yan papagawan kita ng bahay at lupa. Ano payag kaba?? Tanong nya.
"Sino nga palang pinsan mo ang pagtratrabauhan ko?" Tanong ko.
"Siguro kilala mo naman ang grupong bts? Sabi nya.
"BTS??!!!! "
"Oo engkanto na lang ang hindi makakakilala sa kanila."
"O.. O-o kilala ko yun." Sagot kong may pag ka gulat.
" Si kim taehyung ang pinsan ko. Sa kanya ka mag tratrabaho. Sobrang sungit nun at takot na takot ang mga nagtratrabaho sa kanya hope ko na tumagal ka"
"Oo naman!! Walang matigas na kape sa mainit na tinapay!!"
" Ito pumirma ka dito. Basahin mo muna." Sabi nya at may inabot syang folder na may lamang papeles.Rules:
1. Kailangan kang tumagal ng 1 year sa trabaho mo.
2. Bawal umatras. Oras na nakapirma kana. Wala ng atrasan.
3. Bawal kang mainlove sa kanya at sa akin._____________
Signed by:"Wow ha! Hindi talaga ako maiinlove sa inyong dalawa no. May bf ako."
"Good! So pirma na."
Agad akong pumirma ng walang pag aalinlangan. At kumain na kaming dalawa.