A/N: Eto na po, sorry if medyo lame sya sa panlasa nyo pero susubukan kong gawing interesting yung flow ng story. Wag tayong nega. XD
--
Vedesia Kingdom. . .
Ang kaharian ng mahika at mga nilalang na hindi pangkaraniwan. . .
I'm Sky Valencourt, isa akong fairy guardian. Nakatira ako sa kaharian ng Vedesia.
Pangarap kong makapasok sa Leafania Academy, dito kasi kadalasan nagtatapos ang mga kilalang leaf knights, fairy guardians, at charm casters sa kaharian.
Ang Leafania ay isa sa well-known academy sa buong kaharian. Dito sinasanay, pinipili at sinusubok ang mga iba't ibang abilities at raw talent ng bawat fairy.
Ang kaharian ng Vedesia ay may tatlong class. Ang titiana, oberon at maeves (A/N: pronounced as Meyvs).
Sa titiana, napapailalim ang mga may royal blood.
Sa oberon naman nabelong ang mga guardians at leaf knights.
At sa maeves naman nabelong ang mga charm casters.
Although classified kami into three, iba-iba pa rin mga abilities namin.
Walang racism na nangyayari sa pagitan ng mga class dahil isa ito sa kultura ng kaharian. At hindi rin ibig sabihin na kung taga titiana ka malakas ka na, may mga taga Maeves din na di hamak malakas pa sa mga titiana at oberon.
--
Sky's POV
"Ma! Alis na po ako. Andyan na si Valentine sa labas, susunduin pa namin ang kambal."
"Yayain mo munang pumasok dito si Tin at ng makapag almusal. Inaayos ko pa ang iba mong mga gamit dahil baka may makalimutan ka." Sabi ni mama habang busy nagchicheck ng mga gamit kong inimpake.
"Hayy. Nadouble check ko naman yan Ma. Okay na po talaga yan. Pramis po talaga." Sagot ko sa kanya habang bumababa sa hagdan.
"Nakooo talaga tong anak ko, oh siya. Tandaan mo ha stay-in kayo doon, once in 3 months lang kayo pwedeng umuwi except na lang kung emergency. Mag-iingat kayo dun anak, at pagbutihin ang pag-aaral." Habilin ni mama habang tinutulungan akong buhatin yung mga gamit ko na dadalhin ko papuntang academy.
Stay-in kami sa dorm ng academy kaya dala ko na halos lahat ng gamit ko. Kasama ko ding mag-aaral sa Leafania ang tatlo kong kaibigan. Si Valentine Lancaster at ang kambal na sina Scarlet at Zoey Jacoby. Anim kami sa barkada, sina Amethyst Larkins at Selene Parker ay sa Kaido Academy napiling pumasok, well-known rin ang Kaido sa kaharian dahil sa kanilang competency sa sports at potion mixing.
"Anak heto na lahat ng gamit mo, andyan na ba yung pagsasakayan ng mga bagahe nyo?"
"Opo Ma. Andyan na po si Mr. Wilkins kasama ni Valentine."
"Hello po Tita Loraine." Valentine
"Hello din sa iyo Tin. At magandang umaga naman sa inyo Mr. Wilkins." Bati ni mama kay Tin at Mr. Wilkins.
"Magandang umaga din po sa inyo Mrs. Valencourt at sayo din Sky." Nakangiting bati din sa amin ni Mr. Wilkins.
"Oh sya akin na ang mga bagahe mo Sky at ng maayos ko na dito sa likod ng karawahe. Sasabay ba kayo ni Tin sa akin o lilipad kayo?" Mr. Wilkins.
Nabanggit ko ba sa inyong may mga pakpak din kami?
Oh well, ngayon alam nyo na. Haha.
"Lilipad na lang ho muna kami Mr. Wilkins, maya na po kami sasabay pag kumpleto na po kaming apat."
"Oh siya sige hija, magkita na lang tayo sa bahay ng mga Jacoby." Sabi ni Mr. Wilkins sabay sa pagpapalipad nya kay Maximo at Laura ang mga pegasus na alaga nya.
"Skyyyy! Ohmigosh te! We're really going to Leafania nya! Waaaaa!" tili ni Valentine.
"Oo nga Tin. Excited na rin ako. Tara sunduin na natin ang kambal."
Ang lawak ng mga ngiti namin. Syempre unang araw namin sa leafania at mamaya ay malalaman namin kung saang klase kami mapupunta.
Kasalukuyan na kaming lumilipad patungo sa bahay ng kambal dahil napag-usapan naming sabay-sabay kaming pupunta ng academy.
---
A/N: first chapter finished. Haha. Sorry if lame sya, nag uumpisa pa lang ako eh. Pero bawi ako sa following chapters. Di ako magaling mag intro. xD
BINABASA MO ANG
Leafania Academy
FantasyThis is your-not-so-typical fantasy. A tagalog-english story inspired by Pretear, Harry Potter and so on and so forth. Haha. I'm a first time writter so please bear with all the typo's, grammatical errors and lame updates. But anyways, feel free to...