Sorting Ceremony

13 0 0
                                    


Sky's POV

Luhh. Sorting ceremony nga pala ngayon para sa aming lahat. Hayy. Nakakakaba lalo na't manunood din mga higher years. Lagot na itey. Kelangan magpakitang gilas kami ngayon. Teka, san na kaya si Carly.

Flashback

Nasa cafeteria kaming sampu at busy kumakain habang nagkekwentuhan.

"Balita ko manunood daw mga higher years bukas?" Biglang tanong ni Hunter.

"Kaya nga eh. Mas lalo tuloy nakakakaba." Sabi naman ni Stacy.

"Talaga??? Haluhh. Ano ba yan nakakahiya. Pano kung mapalpak ako??" Nagmamaktol na sabi ni Scarlet.

"Ano nga palang abilities mo ate Scarlet? Parang nakita kita kanina sa healing room eh." Sabi ni Zero.

"Ay oo nga ano, nakita din kita kanina sa healing room." Dagdag ni Stacy.

"Ah eh. Hehe. Oo eh, dun kasi mas malakas ability ko. Nature enhancement na ability. Kaya kong i-augment, patubuin at buhayin ang mga patay na tanim. Pero 40% ang increase ng bilis nya kapag medicinal plants." Sagot naman ni Scarlet.

"Ang galing naman." Sabi ni Zero.

"Ako naman ay power extraction, power containment at power granting. Pero good for 30mins lang ang pwedeng itagal ng power containment at power granting ko. Yung extraction naman eh isang beses ko lang pwede gamitin kada laban at 20mins lang ang pwede itagal sa akin ng bawat abilities. Ang disadvantage lang nang abilities ko eh kelangan ko ng 4hrs na cool off." Sabi naman ni Stacy.

"Healing Factor-Ability naman ako. I can heal rapidly and with greater finality from any injury." Sabi naman ni Zero na nakangiti pa ng malaki.

"Nakakatuwa naman at may kasama akong under sa healing." Masayang sabi ni Carly.

"Bale yung mga sa amin. Surprise na lang bukas. Hahaha. Goodluck sa atin." Natatawang sabi ni Caleb.

"Andaya nun ah." Nakangusong sabi ni Zero.

Nagsitawa na lang kami.

Flashback ends



So kay Scarlet, Zero at Stacy pa lang na mga abilities ang nalalaman.



"Sky! Ikaw na maliligo." Biglang sabi ni Scarlet na bago lang lumabas ng c.r.


"Keh." Kinuha ko na yung towel kong gray tas naligo na ako.



After kong naligo nagbihis na kami ng mga battle uniforms namin. Binigyan kami neto isa-isa kahapon bago kami lumabas sa gym. Eto raw kasi ang isusuot namin para sa sorting ceremony. Para syang jumpsuit na medyo fit pero komportable kang gumalaw, may dalawang parang hiwa din sa likod na if ever man ilalabas namin mga pakpak namin, kulay black sya na may linings na white tapos sa harap sa chest area may pin ng logo ng school which is Ninetails na White Wolf nakalagay sa left tapos may white na nameplate sa right, first name lang namin ang nakalagay. White daw ang kulay ng nameplate kasi di pa kami na sort out. Ang Gray na nameplate para sa Necromancers, ang Blue naman sa Gabaldon, ang Green sa Lloren, ang Red sa Hegriff at Black naman sa Lexus.





"Goodmorning Students!" Biglang bati ni Headmistress Juliana.


Andito na kami sa Quadrangle ngayon, at may nakikita kaming malaking fighting arena sa gitna na may forcefield na nakapalibot. Kelangan mo mapalabas lahat ng kaya mong abilities para malaman nila kung saang class ka mailalagay.

Leafania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon