Academy

6 1 0
                                    

---

"Huwoooooow!! Ang gandaaaa dito Sky!!!" Valentine

"Oo nga Tin! Parang nafifeel ko na talaga ang good vibes ng academy. Huwaaaa. Andaming pogi!" Kinikilig na parang timang na sabi naman ni Scarlet.

"sumbong kita kay mama Carly, gusto mo? Pogi pogi ka jan. Pumunta tayo dito para mag aral oy. Wag kang ano jan." Zoey

"Taray ateng, nag-aappreciate lang ako. Kaw naman. Hmpt." Padabog naman na sagot ni Carly sa kambal nyang si Zoey.

"Kayo talagang dalawa, sarap nyo din minsang ibugsok sa lupa. Ya'know? Para kayong aso't pusa minsan. Minsan naman sobra kayong magkasundo. Nakakawerla na kayo ha."

"Ang brutal mo talaga kahit kelan Sky. Minsan talaga nagdududa na kami kung kaibigan ba tingin mo sa amin o karne na tatadtarin." Scarlet

"Hahaha. Sira." Ako

"So mag aasaran na lang tayo dito? Wag na tayo pumasok? Nauna na yung mga bagahe natin sa dorm. Samantalang tayo dito na may-ari eh halos di pa nakaalis sa tapat ng gate." Valentine

"Luhhh. Tara na. Galit na si Tin. Baka magbeastmode yan dito, maturn-off mga pogi sa atin." Parinig na sabi ni Scarlet sa amin ni Zoey.

"Upakan kita Carly?? Sinasabi mo jan. Siraulo ka talaga. Hahaha" natatawang sabi ni Tin.

"Hahaha. Tara na nga. Excited na ako sa dorm natin." Yaya ko sa kanila habang nauna na naglakad papasok.

--


"Goodmorning! I'm Leila. Welcome to Eve's dormitory. How may I help you?" Nakangiting bati sa amin ng desk clerk pagpasok namin sa dorm.

Ang laki ng dorm namin. Andaming estudyanteng nagliliparan. Syempre puro babae. Naghalo-halo ang tatlong class at halos hindi mo ma-identify kung anong mga class ng bawat fairy na andito.

May mga nakatambay sa lobby, may kumakain sa cafeteria, may umaakyat at bumababa sa hagdan, may nagkwekwentuhan sa study area at may mga freshmen din na papunta na sa kanilang mga rooms dala ang mga bagahe nila.

Pagpasok namin lumapit agad kami sa desk clerk para magpatulong sa mga rooms namin. Habang nasa loob kami nililibot namin ang paningin namin sa dorm.

Sa bandang right side ng groundfloor at lobby, sa left side naman ang cafeteria, sa dulo may common comfort room, sa tabi ng grand staircase may anim na study area at sa likod naman ng desk clerk may maliliit na table at chairs para sa visitors.



"Goodmorning! I'm Leila. Welcome to Eve's dormitory. How may I help you?" Nakangiting bati sa amin ng desk clerk pagpasok namin sa dorm.

"Uhmm. We're freshmen and we are looking for our rooms." Nakangiting sagot ko din sa clerk.

"Oh right. Can I have your last names?"

"Valencourt, Lancaster, and Jacoby." Sagot ni Zoey sa clerk.

"Okay, please wait for a few minutes."

"Sky Valencourt and Scarlet Jacoby, your room would be on second floor right wing room number 214. Zoey Jacoby and Valentine Lancaster your room would be on second floor left wing room number 221. Here's your keys. Your baggages are already delivered inside your rooms. Have a good day." Nakangiting sabi ng clerk sa amin.

"Thank you Ms.Leila." sagot naming apat at saka lumipad na kami para hanapin ang rooms namin.

Pumasok na agad kami ni Carly nung nakita na namin ang room namin. Maganda, malaki at maaliwalas ang kwarto namin, combination ng sky blue at moss green ang color ng walls. May tag-iisa kaming bed, study table at closet. May common sofa at round table na maliit kami at terrace na nakaharap sa field ng school.

"Wooow!" Ako

"Ang ganda dito Sky!" masayang sabi ni Carly.

"Oo nga eh, kamusta naman din kaya ang room ni Zoey at Tin." Sabi ko kay Carly habang nag u-unpack ako ng mga gamit ko sa bag at isa-isa kong nililipat sa closet.

"Bisitahin natin sila mamaya pagkatapos natin mag ayos dito." Suggest ni Carly.

"Mabuti pa nga. Patapos na din naman ako."

"Ako rin." Carly

--





~knock knock~


"Pasok" Zoey

"Wow! Ang ganda din ng room nyo." Ako

Napagpasyahan namin ni Scarlet na puntahan si Tin at Zoey sa room nila pagkatapos naming mag ayos ng mga gamit.

Maganda rin ang kwarto nila, pareho lang ang mga laman sa kwarto namin. Ang paint ng wall lang ang pinagkaiba, kung blue at moss green sa amin, sa kanila naman gray at pink. Ang terrace naman nila ay nakaharap sa gymnasium.

"Guys gusto nyo bang maglibot muna sa academy? Orientation na natin tomorrow, baka hindi na tayo makapaglibot." Yaya ni Valentine sa amin.

"Game ako."

"Yeah. Sure thing. Tapusin ko lang tong inaayos ko Tin at saka tayo maglibot." Sagot din ni Zoey na busy sa pag aayos ng mga libro nya sa taas ng closet.

"Di kaya tayo mawala nyan guys? Wala pa tayong map at handbook sa academy. Wala rin tayong tour guide, baka mahirapan tayong hanapin ang pabalik sa dorm." Sabi ni Scarlet na nag aalangan pa.

"Hmm. Sabagay. Pero sayang naman yung time. Magtanong na lang tayo sa ibang mga estudyante kung sakaling mawala nga tayo." Suggest ko naman sa kanila habang busy nanunood ng mga naglalaro ng frisbee sa labas ng gym.

"Pwede din. So, ano? Tara na?" Scarlet

"Tara na." Valentine










Naglibot kami sa buong academy for almost 1 and a half hour. Masyadong malaki ang campus kaya hindi namin nalibot ang bawat sulok nito.

Napagpasyahan naming bumalik na sa dorm dahil malapit na dumilim. Hindi pa namin kabisado ang campus, baka mawala pa kami. Mahirap na.

6pm na nang nakabalik kami sa dorm. Dumiretso na kami sa mga rooms namin para makapaghalfbath na, dahil bababa kami para makapagdinner na. Maaga pa kami bukas dahil may freshmen orientation daw.

--

A/N: natututo na rin ako. Haha. Yey! Oh wag kayong puro violent reactions ha. First timer. Pagbigyan. Hahaha. XP

Leafania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon