Meet Gavin

3 0 1
                                    


Caleb's POV

Andito na kami ngayon sa cafeteria. Nakita na namin si Hunter at yung karoom mate nya.



"Oy mga tol! Dito." Sigaw ni Hunter na akala mo eh may ari ng cafeteria.

Nang nakalapit na kami sa kanila. Pinakilala na ni Hunter yung kasama nya.

"Sya nga pala si Gavin Hawthorn. Isa syang Titiana." Hunter

"Yo/W'sup?/Hi/Hey." Yan ang sabay2x at magkakaiba naming pagbati sa kanya na nakangiti syempre. Mababait kaya to oy.

"W'sup?" Sagot nya din sa pagbati namin.

"Zero, tol." Pakilala ni Zero sabay bro fist.

"Caleb tol." Pakilala ko naman at kinamayan ko sya.

"Janus nga pala." Pakilala din ni Janus at kinamayan din sya.

"Blue nga pala tol." Pakilala din ni Blue at nakikamay na rin.

"Ano nga pala ability mo?" Tanong ni Zero kay Gavin

"Ahh. Ice Manipulation, Voyeurism at Echolocation."

"Astig ah. Pero ano yung Echolocation at Voyeurism?" Tanong naman ni Hunter.

"Pa astig astig ka. Di mo naman pala alam." Natatawang komento ni Zero.

"Sabat ka pa Zero. Batukan na kita. Kaya nga nagtatanong eh." Nakabusangot naman na sabi ni Hunter. Haha. May topak din talaga tong isang to.

"Haha. Voyeurism the ability to spy with only the eyes staying visible while the rest of the body is invisible." Sagot naman ni Gavin

"Echolocation naman is the ability to determine the location of objects in the environment by use of reflected soundwaves, whether generated by the character or ambient sound. Also known as radar or sonar sense." Pagdagdag impormasyon ni Janus.

What do you expect nga naman from someone who holds the literary manipulation. Absorb na ata ng utak nyan lahat ng libro.

*clap clap clap*

"Nanosebleed talaga ako dun Janus. Grabe. Nawindang talaga yung kapiranggot kong mga braincells." Bw*set talaga tong si Hunter eh. Hahaha

"Tado! Hahaha." Natatawang sagot ni Janus.

Natawa na rin kami dahil sa reaksyon ni Hunter. Mukhang ewan eh.

"Nga pala Gavin. Pupunta kami sa field para manood ng softball. Baka trip mo sumabay?" Yaya ni Janus kay Gavin.


"Sige-sige walang problema. Tara na nag umpisa na laro kani-kanina lang eh. Medyo lumalakas na hiyawan sa field." Sagot ni Gavin.

Sabay sabay na kaming naglakad papuntang field. At nakita naman namin na busy naglalaro ang mga 3rd division ng Lloren at Gabaldon.





"OYY! CALEB!! DITO!!"


Biglang sigaw ni Sky sa gilid lang banda ng tinatayuan namin. Siguro mga 10 metro din ang layo nila sa amin kaya sumisigaw na sya sa pagtawag sa amin.

--

Sky's POV

Kasalukuyan kaming nanunood ng softball practice match ng 3rd division na Lloren at Gabaldon ngayon. Nakapwesto kami ng maayos dahil nakatamabay na kami dito bago pa nag umpisa ang match.

Napalinga ako sa gilid ng nahagip ng mga mata ko ang grupo nila Caleb na mukhang naghahanap ata ng magandang pwesto para manood. Dumami na kasi ang mga estudyanteng nanunood simula kanina. Kaya medyo wala ng magandang pwesto.

Kaya agad ko silang tinawag.

"OYY! CALEB!! DITO!!" Sigaw ko dahil baka di nila ako marinig dahil sa hiyawan ng mga estudyante.

Mukhang narinig naman nila ako dahil patungo na sila ngayon sa direksyon namin.

"Sila Janus ba yun Sky?" Tanong ni Carly na katabi ko at kasalukuyang sinisilip ang pinanggalingan nila Caleb.

"Ah oo. Tinawag ko sila papunta dito."


"Mukhang may bago ata silang kasama." sabi ni Tin na syang unang nakapansin sa kasama nila Caleb na may ocean blue na buhok at may katangkaran din.

"Wait. Huh? Sino kaya sya?" Pagtatanong din ni Stacy sa tabi ni Tin.

Oo kasama namin pumunta dito si Stacy. Nakita namin syang pababa sa lobby kanina at tinanong kung saan ang tungo nya.

Flashback

Sabay sabay kaming bumababa sa hagdan nila Carly ngayon dahil nabalitaan naming may practice match ang Lloren at Gabaldon sa softball ngayon. Nakasalubong naman namin si Stacy nung pababa na kami.

"Stacy! San ka punta?" Tanong ni Zoey sa kanya.

"Sa field manunood ako match. Kayo ba?" Sagot ni Stacy habang sumisilip paminsan minsan sa naglalaro.

"Nako sakto! Dun din punta namin. Sabay na tayo!" Yaya ko kay Stacy.

Kaya nagsabay-sabay na kaming pumunta sa field para manood ng laro.

Flashback ends


"Ah Gavin. Nga pala, tara dun tayo ipapakilala ka namin sa mga kaibigan din namin." Yaya ko kay Gavin dahil mukhang nakahanap na sya ng pwesto nya manood.

"Sige ba." Sagot ni Gavin. Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon papunta sa pwesto nila Sky.

Nung nakalapit na kami kila Sky. Syempre pinakilala namin si Gavin sa kanila at isa-isa din nila pinakilala mga sarili nila.


--
A/N: Hi guys. I dunno if may nagbabasa ba neto. Pero if ever meron man. Comment kayo please. Itutuloy ko pa ba to? :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Leafania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon