Chapter 2

3.4K 91 7
                                    

Sheysu's POV

*Cafeteria*

Kumakain kami ni Ally nang biglang nagsigawan ang mga tao. Napalingon kami ni Ally sa entrace ng cafeteria kung saan nanggaling ang ingay.

"Kyaaah~ nandiyan na sila." Sigaw ng mga babae mula sa lower section.

Kilala ko na kung sino yung tinutukoy nila kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"Alam mo, mas okay sana kung hindi kasali sa grupo nila 'yang malditang Catrina na yan eh." Inis na sabi ni Ally sabay irap.

"Easy Ally, wag mo na lang silang pansinin." Pagpapakalma ko sa kan'ya.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at 'di na namin sila pinansin pa, pagkatapos namin kumain ay bumalik na agad kami sa classroom.

Pagpasok namin ay tulad parin ng dati sobrang ingay wala pa kasing teacher eh. Ilang minuto na rin ang nakalipas ay dumating na ang teacher namin.

"I'm your science teacher, okay now let's go to the lab." Bungad sa'min ni ma'am na hindi manlang kami inabalang batiin.

Sumunod lang kami sa kan'ya papuntang lab, nag discuss lang naman siya ng onti eh saka next week pa naman daw niya kami tuturuan gumawa ng experiment.

Tatlong subject lang ang mayroon sa lower section habang sa higher section naman ay lima. Ewan ko ba kila mama kung bakit ganun. Masyadong nilang minamaliit ang mga taga lower section.

Natapos na ang klase namin sa science at uwian na rin sa wakas. Agad din naman kaming dumeretso sa pag uwi ni Ally.

"Hays boring naman ng mga nangyari sa school wala manlang kabago bago." Sabi ko habang nagiinat.

"Sheysu 'di ba wala ka namang gagawin?" Biglang tanong sa'kin ni Ally.

"Oo bakit?" Sagot ko at napalingon sa kan'ya.

"Tara doon sa gubat." Biglang aya niya na siyang pinagtaka ko.

"Ha? Eh 'di ba nga pinagbabawalan nga tayo pumunta dun. Ano bang gagawin natin dun ha?" Tanong ko sa kan'ya.

Ang mga estudyante kase dito ay pinag babawalang pumunta sa gubat dahil sa sobrang delikado. Pag may nakahuli sayo na pumunta ka ng gubat ay mapaparusahan ka. Kung saan ay isang linggo mong hindi masu-summon ang guardian mo.

"Sige na Sheysu, mag-iingat naman tayo eh. Gusto ko lang makita kung anong meron sa gubat at gusto ko rin kase mag relax eh. Please." Pilit na pag aya niya sa'kin habang pumipikit pikit pa ang loka ano akala mo cute ka.

"Sigi tara na, ano pa nga ba ang magagawa ko eh mukhang desidido kanang mangulit este pumunta?" Sabi ko sa kan'ya sabay buntong hininga.

"Yehey! Tara na." Excited na sabi niya.

Agad niya akong hinila papunta sa gubat, maingat kaming pumasok sa loob nito na tipong walang makakakita at 'di na namin pinalampas ang pagkakataon kaya sinadya narin naming puntahan ang blue river kung saan makikita mo talagang blue na blue ang tubig at isa pa sa kagandahan nito ay talagang napaka maaliwalas tignan ng mga tanawin dito.

"Oh 'di ba, ang sarap tumambay dito." Nakangiting sabi ni Ally habang relax na relax.

Totoo namang nakakarelax. Wala paring pinagbago ang ganda pa rin talaga dito, ang daming bulaklak, mga paro-paro at mga ibong nagsisiliparan sa paligid, bigla ko na namang naalala sila mama at papa nakaka miss tuloy yung mga panahon na masaya kaming magkakasama at nagpi-picnic dito.

Lumipas ang ilang oras at hindi na namin namalayan na gabi na pala, delikado na dito.

"Ally tara na, inabot na tayo ng gabi." Pag-aya ko sa kan'ya saka dali-daling tumayo.

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon