Sheysu's POV
Bumuga ng apoy si Sheyi at buti na lang talaga at hindi ito umabot sa campus. Yung t-rex naman ay medyo nanghihina na.
"Sheysu ano ng nangyayare?" Tanong ni Ally sa tabi ko na nanginginig sa takot habang may takip ang mga mata niya.
"Basta, wag mong tatanggalin yang panyo sa mga mata mo." Sabi ko lang sa kan'ya dahil baka himatayin 'to pag nakita niya si Sheyi.
Nakaramdam naman ako na may umiilaw sa kamay ko, yung tattoo. Nagpapakita lang at umiilaw 'tong tattoo na 'to kapag pinalabas ko na si Sheyi.
Sabay na umungol si Sheyi at yung t-rex kaya napatakip kami ng mga tenga ni Ally sa lakas ng ingay.
"Sheysu nararamdaman kong may mga papuntang tao dito." Sabi sa'kin ni Ally saka kumapit sa braso ko.
Ang kakayahan ni Ally ay magaling siyang makiramdam sa paligid.
"Sheyi! Tara na." Tawag ko sa kan'ya saka naglabas ng baraha at hinagis ko sa paa ng t-rex kaya napahiga siya.
Hinila ko si Ally papunta kay Sheyi at sumakay kami sa likod niya, lumipad na si Sheyi at ang pag-pagaspas ng mga pakpak nito ay siyang naging malakas na hangin na siyang sumira pa sa mga iba pang mga puno. Hindi kami pwedeng makita ng council. Lumipad si Sheyi ng sobrang taas gaya ng utos ko para hindi na nila kami makita pa.
Third Person's POV
Ang King, Prince, Princess at mga guard ay tumakbo papunta sa kung saan nanggaling ang nakapaninindig balahibong ungol pero pagdating nila ay tanging yung t-rex na lang ang nadatnan nila.
"Mag imbistiga kayo kung anong nangyari dito." Utos ng King sa mga guard na siya namang agad na sinunod ng mga ito.
Nag imbistiga rin silang royals.
"Guys!" Pagtawag sa kanila ng Princess, napalingon naman ang lahat sa kan'ya. Pinakita niya ang isang card na napulot niya. Lumapit sila sa kan'ya at kinuha naman ng King ang card saka ito pinagmasdan ng mabuti.
"Ano Josh, sa kan'ya ba yan?" Tanong ng Prince habang nakatingin din sa card.
"Sa kan'ya to." Sagot ng King at nagulat naman silang lahat pero ang Princess ay masaya.
"Tara na, kailangan ibalita na natin 'to sa kanila." Sabi ng King ay sumunod naman silang lahat sa kan'ya.
'Isang taon siyang hindi nagparamdam' sabi ni Josh sa isip niya.
Sheysu's POV
Nandito kami ngayon sa pinaka gitna ng gubat at syempre pinabalik ko na si Sheyi at baka makita pa siya ni Ally. Nanghihina na rin ako dahil pinalabas ko si Sheyi.
"Hindi ko talaga aakaling may ganitong lugar dito sa gubat." Sabi ni Ally habang namamanghang nakatingin sa paligid na tila ba isang bata.
Kahit gabi na ay aakalain mong hindi pa gabi dahil sobrang liwanag ng buong paligid na kagagawan ng mga alitaptap. Dito na rin kami matutulog ni Ally tutal wala namang mabangis na hayop dito. Pinangsapin namin ang coat ng uniform namin, hindi rin naman gaanong madumi ang damuhan kaya natulog na din agad kami.
*Kinabukasan*
Nagising ako sa sikat ng araw saka napagpasyahang bumangon at nakita ko si Ally na katatapos lang maligo sa lawa. Naligo na rin ako dahil wala namang makakakita sa'min dito, tago ang lugar na 'to. Pagkatapos kong maligo ay kumuha ako ng mansanas sa puno sa hindi kalayuan para kahit papa'no naman ay may laman ang tiyan ko. Kinuha ko rin ng mansanas si Ally.
"Paano tayo babalik nyan?" Tanong sa'kin ni Ally habang kumakain ng mansanas at napaisip naman ako saglit.
"I-summon natin sila at dumaan tayo sa kabilang gate." Suggest ko sa kan'ya at tumango naman siya. Pagkatapos naming kumain ay sinummon na namin sila.
"Max."
"Leo."
Sumakay kami sa likod nila, nagsimula ng tumakbo si Max. Naaalala ko pa rin yung pangyayari kagabi buti hindi nagtanong si Ally sa nangyari siguro ay dahil na rin sa lugar na pinuntahan namin. Sana hindi na siya magtanong dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kan'ya.
Nang makarating kami sa campus ay pinabalik na namin sila. Habang naglalakad kami sa campus ay naririnig namin ang mga bulungan ng mga estudyante.
"Yung Card Master daw ang may kagagawan ng sunog kagabi"
"Oo nga raw, kalat na kalat na nga sa campus eh."
"Magpapakita na kaya ang Card Master?"
Famous na agad ang pangalan ko. Delikado 'to, siguradong mag iimbestiga ang royals kung nasaan ako.
"Sheysu anong ibig nilang sabihin? Nagbabalik na ba ang Card Master?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Ally.
"Ewan ko." Sagot ko saka nagkibit balikat.
Dumiretso na kami sa gym ni Ally dahil P.E ang first subject. Pagkarating namin sa gym ay sobrang daming tao, anong meron? Umakyat yung principal sa stage at kinuha yung mic.
"Sa susunod na buwan ay magkakaroon tayo ng activity, maglalaban ang higher and lower section." Biglang anunsyo ng principal na siyang ikinagulat naming lahat. Ano na namang pakulo 'to?
Bigla namang umingay sa gym dahil sa sinabi ng principal.
"Nasisiraan na ba sila? Hindi patas ang laban, nasa kanila ang 4 royalties." Lower section.
"Boring. Siguradong simula pa lang ng laban ay talo na sila. Ano bang point ng laban na 'to?" Higher section.
'Kung nasa kanila ang 4 royalties nasa inyo naman ang Card Master.' Gusto ko sanang sabihin yan eh.
"QUIET! May isang buwan pa naman kayo para mag training. Ang activity na 'to ay para rin sa inyo, para lumakas kayo. Lower section anong gusto niyong gawin nila pag nanalo kayo?" Tanong ng Principal.
Biglang nagtaas ng kamay si Ally saka sumagot.
"Gusto kong magkasundo ang lower at higher section."
''Kung mananalo pa kayo.'' Nang aasar na sabi ng isang estudyante sa higher section tapos biglang silang tumawa.
"Higher section anong gusto niyo?" Tanong ng Principal.
"Magiging utusan namin kayo." Sabi ng isang estudyante bigla tuloy napalunok yung mga kaklase ko.
"Okay, sa araw nga pala ng laban ay kailangan niyong mag mask at sa gubat kayo maglalaban-laban." Sabi ng Principal saka umalis.
''Boo! Matatalo kayooo!" Sigaw ng mga taga-higher section.
''Ang yayabang niyo ah.'' Sagot naman ng iba sa'min.
''Talo na kayo, boooo!" Asar pa nila at halos lahat ng higher section ay nakisabay na.
Nakakabwisit na sila, tingnan lang natin sa araw ng laban.
∆∆∆
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy
FantasyEnchanted Academy ang paaralan para sa mga taong may mga kakayahan na hindi kayang gawin ng ordinaryong tao. Ang bawat estudiyante sa Academy ay may guardians, ang ordinaryong estudiyante ay mayroon lamang isang guardian, ang mga nakatataas naman ay...