Chapter 5

3.1K 92 0
                                    

Sheysu's POV

Nandito na kami ngayon ni Ally sa labas para magpahinga at magpahangin. Ang boring lang talaga kase doon sa loob ng dorm eh saka iba rin talaga yung nakakalabas labas ka kahit papaano para maka hinga ng preskong hangin, nakaka refresh ng pakiramdam.

''Uyy Shey tignan mo, si Alicesia yun 'di ba?'' Tanong sa'kin ni Ally habang nakaturo mula sa ibang direksyon kaya sinundan ko ang turo niya.

Tinanaw ko at nakitang si Alicesia nga iyon, naka-upo lang siya mag-isa sa bench.

''Tara samahan moko Shey kausapin natin siya dali.'' Excited na pag-aya sa'kin ni Ally.

Hindi pa nga ako nakaka-oo pero hinila niya agad ako paalis. Nung nasa harapan niya na kami ay biglang nag-salita si Ally.

''Hi!'' Masiglang bati ni Ally pero tinignan lang siya ni Alicesia. Naks snobber lakas maka artista ah.

''Ses, Ikaw yung babae kanina 'di ba? yung humarap sa Queen slash malditang Catrina na 'yon. Buti nalang dumating ka kaagad kung hindi baka kung napano na yung kaklase namin kawawa naman at saka inferness ang tapang mo ghorl. Buti nalang talaga at dumating ka atleast nakahanap nadin ng katapat yang Catrina na yan'' Pagpuri ni Ally na sinabayan pa niya ng palakpak na animo'y hangang hanga kay Alicesia.

''Tama lang naman yung ginawa ko sa kaniya kanina tsaka isa pa ayaw ko din kasi sa masyadong pabida. Tiniruan ko lang naman siya ng leksyon noh at higit sa lahat kailangan kong maging matapang dahil wala naman akong mapapala kung magiging mahina ako lalo na sa mga taong mapang abuso tulad niya.'' Sagot nito, wala pang segundo ay agad na itong tumayo at mukhang aalis na ito pero bago siya umalis ay may sinabi pa siya na ikinagulo ng isipan ko.

"Malapit na." 'Yan ang mga salitang huli niyang binigkas bago siya lumisan sa harap namin ni Ally. Nung nakalayo layo na siya sa amin ay saka lang kami nagkatinginan ni Ally.

''Ano kaya'ng ibig sabihin niya na malapit na? Ano yung malapit na? ha?'' Nagtatakang tanong ni Ally.

''Aba ewan ko.'' Sagot ko na patuloy paring naguguluhan sa huling sinabi ni Alicesia at maya-maya pa ay bigla na lang akong nahilo at kasabay na nito ang pag dilim ng buong paligid ko.

***

Pagkadilat ng mga mata ko ay mukha agad ni Ally ang siyang bumungad sa'kin.

"Anong nangyare?'' Tanong ko sa kan'ya.

''Nahimatay ka, hoy okay kana ba?'' Nag-aalalang tanong niya.

''Bakit ba ganyan ang mukha mo? para kang namatayan ahh.'' Tanong ko dahil kitang kita ko na alalang alala ang mukha niya na akala mo ay isang buwan akong tulog.

''Hello? Sino ba namang tao ang 'di mumukhang ganito, Eh isang linggo ka na kayang tulog diyan Sheysu'' Sabi niya na siyang ikinagulat ko.

"ISANG LINGGO?!!" Sigaw ko na may halong pagtataka.

" Ay hindi! isang araw lang." Umirap irap pa ito sa'kin. Napaka supladita talaga nagtatanong lang naman eh.

''Weh?!'' Hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya.

''Oo nga.'' Siguradong sagot niya.

''Anong date na ba ngayon ha?'' Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

''July 31.'' Sagot niya at biglang nanlaki ang mga mata ko.

''Bakit?'' Tanong niya.

''Wala, dyan ka muna Ally aalis muna ko.'' Paalam ko sa kaniya at kahit tinatawag niya pa ako ay hindi ko na siya pinansin pa.

August na bukas, magsisimula na.

Ako ay 10 years old ngayon. Nasa garden ako at naka-upo lang dito at nagmumuni muni nang may biglang lumapit sa'kin na matandang babae.

''Ano pong kailangan niyo Miss?'' Magalang na tanong ko sa kan'ya.

''Huhulaan kita hija, akin na ang palad mo.'' Sabi niya at kahit na naguguluhan ako ay binigay ko parin ang aking palad.

Habang hawak niya ang aking palad ay naka pikit pa ito. Matapos ang ilang minuto ay dumilat na siya.

''August 1, 2016 yun ang araw na kung saan magsisimula ng magbago ang iyong pagka-tao at kakayahan.'' sabi niya ng nakangiti at bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.

Ano kaya'ng ibig sabihin ng mga sinabi niya?

Habang nasa gitna ako ng gubat ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napaupo nalang ako sa sobrang sakit.

''Max!'' Mabilis kong tawag sa aking guardian na agad din namang lumabas, sumakay na ako sa likod niya at nagsimula na siyang tumakbo.

Nandito kami ngayon ni Max sa lawa, pagtingin ko sa relo ko ay 5:30 na habang pagabi ng pagabi ay lalong sumasakit ang ulo ko at kasabay din nito ang pag ilaw ng tattoo ko sa kamay hanggang sa hindi ko na ito kinaya.

''AHHHHHHHHHHH!!!!!!!" sigaw ko dahil sobrang sakit na.

Ang lamig ng mga mata ko, kahit masakit ay pinilit kong kuhanin ang salamin sa loob ng bag ko at pagtingin ko sa salamin ay....... Unti-unting nagiging light pink ang kulay ng aking mata. Yung buhok ko naman na dating black ay nagiging brown na at naka curl na ito ngayon.

''Arf! Arf!'' Max.

''Okay lang a- AHHH!!''
Biglang tumigil ang sakit na aking nararamdaman at nakatulog nadin ako dahil narin siguro sa sobrang pagod.

Zzzzzzzzzz

Third Person's POV

August 1, 2016

6:00 na ng umaga ng magising si Sheysu at sobrang dami na nang nagbago sa kanya, dahilan kung bakit mas lalo pa itong gumanda. Mas maputi na din siya ngayon 'di tulad ng dati na katamtamang kulay lang, light pink ang kanyang mga mata, brown hair at naka curl na din ang buhok niya. Kinuha niya ang kanyang bag.

''Tara na Max'' sabi niya. Sumakay na siya sa likod ni Max, nagsimula na itong tumakbo.

Pagdating nila sa campus, ang lahat ng estudyante sa academia ay nakatingin lamang kay Sheysu.

'Ang ganda niya'

'Bago lang kaya siya dito?'

Sheysu's POV

Kahit mahina lang ang boses nila ay rinig na rinig ko pa rin ang mga bulungan nila. Nagsimula na akong maglakad papunta sa dorm namin ni Ally at tama nga yung sinabi ng matandang manghuhula dati, ramdam ko na ngayon ang mga pagbabago, nararamdaman ko na din na ang lakas ko at isa pa dito ay hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako takot mamatay.

∆∆∆

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon