Sheysu's POV
Nag announce ang council na wala daw muna kaming klase ngayon pero wag ka yung mga taga higher section meron, ang duga talaga! Letche talaga yang mga council na 'yan kahit kailan. Masyado nilang minamaliit ang mga estudyante lalo na kapag na sa Lower section ka. Pero ayos lang naman din para sa'kin atleast kami makakapag relax at makaka gala samantalang silang mga nasa higher section ayun nagkaklase hahaha.
"Sheysu tara doon sa tambayan." Pag-aya sa'kin ni Ally. Kanina pa yan nakangiti tuwang tuwa at dahil wala kaming klase, at higit sa lahat ay hindi niya rin daw makikita ang mga kaklase namin sa academia.Tutal wala naman na din akong iba pang gagawin ngayong araw eh pumayag narin ako na sumama kay Ally sa tamabayan namin malapit lang naman.
Naglakad na kami at maya-maya pa ay nakarating na kami sa rooftop, dito kami madalas tumatambay ni Ally. Rooftop 'to ng dorm namin. Hindi mainit dito dahil may cover naman ang kalahating bahagi nito samantalang exposed naman sa araw ang kalahating parte.
"Tara na mag practice tayo." Masaya at excited na sabi niya. Ganito ang lagi naming ginagawa pag may free time. Nag p-practice kami para lumakas, lalo na si Ally.
Mayamaya ay nagsimula na kaming mag ensayo kasama ang guardian namin. Nagpa practice na si Ally saka n'ya pinalabas na rin si Leo, ako naman ay pinalabas ko na rin si Max.
Bigla nalang pumasok sa isipan ko kung ano ba'ng tamang hakbang ang gagawin ko kapag nag umpisa na ang war. Maya maya ay naisipan ko nalang na ituloy at ituon ang sarili ko sa pagpa-practice kasama ang guardian ko na si Max.
Nagpatuloy lang kami sa pag eensayo hanggang sa natapos ang araw at puro lang practice ang ginawa namin ni Ally. Nakaramdan na din ako ng pagod kaya inaya ko narin si Ally at saka lang din namin napansin na gumagabi na pala kaya naisipan na din naming pumunta sa dorm.
*Dorm*
"Sheysu gutom kana?" Tanong ni Ally at tumango lang ako habang sinisimulang ligpitin yung mga ginamit namin kanina sa pagpa practice.
"Sige, magpalit kana muna dyan at mag luluto na muna ako ng makakain natin sa likod." Sabi niya bago umalis papuntang kusina at ngumiti naman ako. Siya ang madalas na nagluluto ng pagkain para sa aming dalawa. Masarap naman din siyang magluto kaya ayos lang sa'kin. Ako naman ang madalas maglinis at mag ligpit ng mga pinag kalatan namin dito sa dorm para balanse kami ng gawain dito.
Habang hinihintay si Ally ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa labas, si Ally na nasa kusina ay bigla nalang din napa labas sa room para sumilip. Oh diba ang chismosa.
"Anong ingay yun?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin.
"Ewan ko, tara patayin mo muna yang niluluto mo. Samahan mo'ko tignan na muna natin saglit."Pag-aya ko sa kan'ya na siya namang sinunod agad at saka kami nagmadaling lumabas ng dorm.
Sa hallway ay nakita namin ang mga estudyante na nakapalibot,may pinapanuod. Nakipag siksikan pa kami ni Ally para lang makita namin kung ano ba talaga yung pinagkakaguluhan doon at nagulat na lang ako sa nakita ko.
May pinaparusahan na naman si Catrina (Queen) at isa siya sa mga kaklase ko.
"Ano ha?! Sa susunod wag mo kong bubungguin!" Sigaw nito sa kawawa kong kaklase na halos hindi na makatayo tayo sa lagay niya.
''S-sorry po, p-patawarin niyo k-ko.'' Nangangatog pa niyang sambit habang pinipilit nitong makatayo.
''Hoyy tandaan mo to ha, ako ang QUEEN dito kaya kahit anong oras, araw at kahit kelan pa man yan ay pwedeng pwede kitang ipadala sa Under World kung kelan ko gustuhin. Naiintindihan mo ba'yon?'' Pagbabanta ni Catrina na siyang ramdam kong ikinatakot ng lahat.
Ang Under World ay ang lugar kung saan nandoon ang mga patay at sa oras na makapasok ka doon ay siguradong hindi kana muling makakalabas pa.
"Ikaw nga naman ang QUEEN pero hindi naman ikaw ang Card Master, kung ipapadala mo siya sa under world hindi ba't kailangan mo munang magpaalam." Lakas loob na sabi ng isang babae sa kabilang banda kaya napalingon kaming lahat sa kanya.
"At sino ka naman haa?" Mataray na tanong ni Catrina.
"I'm Alicesia." Nakangiting pakilala nito at halatang halata sa mukha ni Catrina na naiinis siya sa babaeng 'yon.
"Anong karapatan mong hindi mamupo habang kausap ako?" Halata ang inis ni Catrina sa kan'yang tono.
"Bakit? Magulang ba kita para mamupo pa ko?" Matapang na sabi ni Alicesia.
"Aba bastos ka ah!" Galit na sabi niya at susugod na sana si Catrina kaya lang ay biglang dumating si Josh na agad humarang sa kan'ya..
"Catrina!" Pagpigil ni Josh habang hawak nito si Catrina.
"Eto kasing babaeng to eh, walang ka galang galang!" Inis na turo niya kay Alicesia.
"Catrina, Pwede ba? Wag mo nalang siyang patulan okay, at kayo ha? Anong tinitingin tingin nyo tapos na ang palabas kaya magsi alis na kayo! Mga ususero't ususera" Sabi niya kaya umalis na din kami at nagsipasukan sa dorm namin.
"Kahit kailan talaga ang Catrina na 'yon jusko di talaga magpapa awat, nakaka stress ng bongga lakas makahatak ng negativity noh myghad!." Inis na sabi ni Ally. Kahit ako ay naiinis na rin kay Catrina, masyadong na atang lumalaki ang ulo nya.
"Oh yung niluluto mo?" Tanong ko sa kan'ya.
"Ay oo nga pala shet, wait lang ah." Sabi niya at pumasok na ulit siya sa kusina.
Sinimulan ko ng maghain ng pinggan, baso, kutsara't tinidor namin. Maya-maya pa ay lumabas na si Ally sa kusina habang nakangiti dala ang pagkain namin na niluto nya. Hinarang ko muna sya para kumuha ng kutsara at agad na tinikman ang sarsa at laman ng niluto nito at ninamnam ito ng mabuti.
"Wala paring talagang palya, Ally. Ang sarap parin ng luto mo. Salamat sa pagkain." Nakangiti kong sabi. Nagkwentuhan kami habang kumakain, kasali na rin doon yung nangyari kanina.
"Sino kaya yung Alicesia na 'yon? Saka ano kayang ability niya noh? Masyado siyang matapang para harapin si Catrina the bitch." Curious na tanong ni Ally.
Sino ka nga ba Alicesia?
∆∆∆
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy
FantasyEnchanted Academy ang paaralan para sa mga taong may mga kakayahan na hindi kayang gawin ng ordinaryong tao. Ang bawat estudiyante sa Academy ay may guardians, ang ordinaryong estudiyante ay mayroon lamang isang guardian, ang mga nakatataas naman ay...