Chapter 4

1.1K 36 12
                                    

Maaga akong pumasok ngayon.

Bakit?

Wala lang! ^____^V hehe

Pero..

Maaga talaga akong pumasok kasi gusto ko ding makilala at makakwentuhan pa si Abby at Michael.

At yun din ang gusto ni Abby. Kagabi kasi bago ako matulog ay nagtext siya. Oo kahapon lang din kami nagkahingian ng number. Saya diba? haha! Ganun talaga ang kapangyarihan ng Kagwapuhang taglay ng nag-iisang Dave Gwapo! ^__________^V

*kagabi*

1 message received

Abby:

Niel! aga ka pasok bukas ha?

Niel ang tawag sa akin ni Abby, ewan ko kung bakit Niel. Pinapapasok niya ako ng maaga bukas? Bakit naman? Para san? Wala pa namang pinapagawang activities ah? Hmm. Tanungin ko na nga lang siya.

Ako:

Ha? Bakit?

Abby:

Wala lang! Usap lang tayo :) Maaga din naman klase natin bukas ha? Gusto mo ma-late ulit? haha! :D

Ay oo nga pala! Haha! kilala na ako nung isang kong prof dahil nga na-late ako sa subject niya. "Mr. Late" na nga tawag niya sa akin eh, nautusan niya kasi ako kahapon nung nasa entrance gate kami. :3

Ako:

Sige sige, ayoko kong tawagin niya ako ulit na Mr. Late noh :3

Alam ni Abby at Michael na natawag akong  Mr. Late ahapon kasi magkakasama kami nung uwian na sa entrance gate. At ayaw kong matawag na Mr. Late sa harap ng mga kaklase ko :3 Tama ng sila lang ang nakakaalam nun, nakakahiya kasi.

Abby:

Sige bukas ha! 6:30am sa quadrangle. See you! :)

Ako:

Sige, si Michael kasama din ba?

Awkward naman kasi ata nun pag kaming dalawa lang..

Abby:

Oo! Naitxt ko na din siya. Goodnight!

Buti naman. haha kung hindi super awkward namin nun bukas. Nireply-an ko ang txt niyang yon ng:

Ako:

Sige, goodnight din :) Godbless!

Doon nagtapos ang usapan namin kagabi..

 At ngayon, nandito na ako sa quadrangle, may 15 minutes pa bago mag-6:30, napaaga talaga ako haha! Eksayted mats na takot pa!

Dahil nga sa maaga ako, matik na naghintay ako para sa kanila. Tinext ko si Abby at Michael para makasigurado kung may dadating ba.

To: Abby and Michael

Goodmorning! Nasan na kayo?

Message sent~ Pagkabasa ko nun ay bumalik ang atensyon ko sa kawalan. Wala eh, wala pang gaanong tao at medyo madilim pa. Nakalimutan ko pa ang mp3 ko kaya sa kawalan na lang ako nakatingin maliban sa phone kong matumal ang dating nga texts.

Ilang minuto lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

*toot toot*

From: Michael

Pre, di ako makakapunta ng maaga, kagigising ko lang ^___^ haha, matik late na ata ako makakapasok.

Mahinang natawa na lang ako sa txt na iyon ni Michael, siya naman ang matatawag na Mr. Late ni Mam Fil1, hindi na ako. Agad akong nagreply sa txt niyang iyon.

To: Michael

Okay lang pre, wala pa din naman si Abby, baka late din.

Dahil nga madali kaming nagkapalagayan ng loob nila Michael at Abby, nag-umpisa na din ang maliliit na asaran namin sa isa't-isa. Wala pang ilang minuto ay nag-vibrate ulit ang phone ko.

From: Abby

Uy Niel!, sandali na lang ha, nasa tricycle na ako, papunta na po. Pasensya :3

Oo eh, late silang dalawa ^___^ haha! sila na ang pumalit sakin bilang Mr. Late, at may bonus pa dahil may kay Abby! Aba, may Ms. Late na din! Nireply-an ko ang text ni Abby.

To: Abby

Sige lang bhie. wala pa naman gaanong tao eh.

Bhie ang tawag ko kay Abby, yun yung sabi niya eh. Takot ko lang maulit na masungitan niya ako. Sa gitna ng pagbalik ko sa kawalan ay nag-vibrate ulit ang phone ko.

From: Abby

Nandito na ako sa gate, haha pwede pasundo ako? Thankiss :* :*

Ang weird talaga nitong babaeng to. Masundo na nga lang, baka may dala siyang pagkaen, hindi pa ako nag-aalmusal eh :3

*****

Ayun siya. Nakatayo malapit sa entrance gate ng campus. Ibang aura na naman meron siya ngayon. Medyo mahiwaga talaga siya.

"Niel! Hoy bilisan mo! Tulungan mo ako sa dala ko! Daliii!" sabi niya habang umarteng nabibigatan sa dala niya.

"Ang dami naman niyan, ano ba-- Oowwwyyy--" hindi pa ako tapos ay inabot na niya agad sakin ang dala nya. At talaga ngang mabigat yon, muntikan ko nang malaglag -____-//

"Ano ba to Bhie?" sabay lapit na mukha sa dala niya na buhat-buhat ko. Teka.. Amoy pagkaen! Haha! Nadinig din ang dasal ko! ^___^

"baka lason yan Niel! yan ang dahilan kaya ako na-late" sarkastikong sagot niya sa akin. Ang cute niya talaga kahit na halata sa mukha niya ang sarcasm.

"eto naman, kino-confirm ko lang kung pagkaen to, nagugutom na kasi ako kahihintay sa inyo eh =3" sabi ko sa kanyang hinihimas ang tyan.

"oh, tara na nga, dun tayo sa mini park, dun natin lantakan yang dala ko" sagot niya sabay hatak sa kamay ko.

*****

Saktong pagtayo ko ay nag-bell na ang ring. Dumiretso na kami ni Abby sa room, as usual, dala ko yung binaon niya kanina.

Wala pa si Prof Fil1 nang makarating kami sa room, at wala pa din si Michael. Ilang minute na lang bago mag-7:30. Kinakabahan na kaming dalawa ni Abby para kay Michael. May rules na kasi si Prof Santos (Fil1 Prof) na kapag na-late sa klase niya ay hindi na pwedeng pumasok pa.

Sa ilang minute naming pag-aabang kay Michael at kay Prof. Santos ay napanatag kami nang makita si Michael. Agad kong kinausap si Michael nang makalapit siya sa upuan namin.

"akala ko male-late ka na talaga, ikaw sana ang masa-sample-an ngayon ng rules ni Mam haha"

"loko ka Niel! ayaw ko mangyari yon noh! Bad record yon eh" sagot niya sakin bago makapasok si Prof Santos sa room.

Maayos ang takbo ng second day ng klase, nagkaroon na kami ng assignments at activities. At masasabi ko ding mas nagiging close kaming tatlo. Umpisa na talga ng buhay kolehiyo ko.

__________________________________________________

There you go guys! Keep reading my stories :") Thank You ♥

~ MiriamDelaCruz

Diary ng na-Friendzone (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon