Chapter 11

697 29 10
                                    

Pagkatapos kong magtanong ng kung anu-ano kay Michael ay napaisip talaga ako nang mabuti. Ang dami-daming bagay ang naglaro sa isipan ko matapos ang sandaling iyon. Gulong-gulo na din ako sa dami ng iniisip ko.

Basta ang naiisip ko lang ngayon ay: Gusto ko nang malaman ni Abby ang tungkol sa naraamdaman ko para sa kanya. Bahala na kung ayaw niya sa akin, kung ma-Basted o ma-Friendzone man ako, basta ang alam ko lang, dun ako sasaya.

Nag-umpisa ang klase na luting ang isip ko. Ayos lang na medyo nagliliwaliw ang utak ko dahil na-review ko naman ang Ilang lesson namin para sa ara na 'to. Nakatingin lang ako sa kawalan nang kunin ni Michael ang atensyon ko.

"pre? kanina ka pa absent" sabi niya sa akin habang nakatingin sa professor namin. Bumaling ako muna ako kay Abby na noo'y busy sa pagsusulat ng kung anu-ano sa notebook niya saka ako bumaling kay Michael.

"bakit pre? inabsent-an ako ni Sir?" tanong ko sa kanya habang nakatingin din kay Sir ICT (subject niya yun).

"not literally pre, pansin ko lang na absent-minded ka na kanina pa" sabi niya sa akin habang ngumingiti at tumatango kay Sir. Mukha lang siyang tanga sa ginagawa niya.

"ganun ba pre? pasensya na ah? iniisip ko pa din kasi yung mga napag-usapan natin kanina" sambit ko sa kanya habang salitan kong tinitingnan si Abby at si Sir. Nagdi-discuss lang naman si Sir kaya hindi gaanong halata ang usapan namin. Marami din namang hindi nakikinig eh.

"wag mong masyadong seryosohin pre, tutulungan naman kita eh" sabi niya sabay tingin sa akin at tinaas-taas ang kilay niya.

"oo na pre, basta ha? walang iwanan sa ere" sabi ko sabay abot sa kanya ng kamay ko. Naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin at nag-fist bump kaming dalawa.

"makakaasa ka pre" dagdag pa niya.

Nakampante ako sa sinabing iyon ni Michael sa akin kaya naman medyo napanatag na din ang loob ko. Napanatag ang isipan kong binabagabag ng isang kahilingang sana'y mauwi sa mabuti ang kalalabasan ng gagawin ko.

Lunch break nang magpresinta sila Abby at Harold na sila na lamang ang bibili ng makakain namin. Kami naman ni Michael ay nagtungo na agad sa tamabayan namin. Pagkarating doon ay agad na napasalampak sa damuhan si Michael.

"pre, may plano ka na para sa gagawin mo sa party?" bungad na tanong niya sa akin. Natigilan pa ako bago makasagot sa kanya dahil na rin sa pagkabigla.

"pre ang balak ko sana, ako ang maging last dance niya sa party" sinserong tugon ko kay Michael. Totoo yun, yun ang naisip kong plano para sa "Confession" ko. Nagbigay lamang sa akin si Michael ng isang mahiwagang tingin na nakakaloko.

"pre seryoso ako, gusto ko siya ang maging last dance ko" determinadong sagot ko muli sa kanya. Napa-face palm na lamang siya sa sinabi ko at nagsabing "oo pre, naringi ko yung sinabi mo, yung explanation mo ang hinihintay ko".

"eto na nga pre, makinig ka ha?" pag-uumpisa ko. "ang balak ko kasi pre, si Harold ang unang makakasayaw niya, sunod ikaw, panghuli ako. Tutal wala pa naman tayong gaanong ka-close dito maliban sa mga kaklase natin na halos babae, naisip kong mas madadalian tayo sa pagsayaw sa kanya" pagpapaliwanag ko pa.

"tapos pre, syempre, kelangan nating kasabwatin yung magiging emcee sa party. Di ba, usap-usapan na may message booth silang ihahanda? Siguro, pwede din yun ang isa sa mga makakatulong sa atin" dagdag ko pa.

"ipagpalagay na natin na ganyan nga ang gagawin natin pre, ang tanong ko" napahinto siya para huminga, "sino ang kakausap sa USSG officers para makasabwat natin?" taking pagtatanong niya.

"edi....." sabi ko habang nakalagay sa baba ko ang isang kamay ko at pakuwaring nag-iisip nang malalim, "Ikaw!" nakangisi kong sabi sa kanya. Gulat lamang ang nakita kong reaksyon ni Michael sa akin dahilan para batukan niya ako. "aray naman pre!" angal ko sa kanya. Ang sakit nun ah?!

Diary ng na-Friendzone (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon