Chapter 6

918 40 12
                                    

A/N: Kung sino po ang may gusto ng dedication, just message me or write your request in the comment box :)) I'm open with your criticisms so you can also jot down whatever it is, and also with your suggestions then I will try my best to do it. That's all thank you ^______^

******

Bago ako matulog ay hinarap ko ulit yung diary ko. Second time kong susulatan to :) Na-excite tuloy ako hihii

*****

Entry 2:

Diary,

Eto ulit ako! mehehehe ^___________^V

Alam mo, unti-unti ko nang nakikilala si Abby, siya lang yung nakapunta kanina sa usapan namin nila Michael eh. Na-late kasi ang mokong. Well parehas naman silang late, hindi lang nakayanan ni Michael na makapunta. Di bale sabi din naman ni Abby, may next time pa.

Hindi lang pala sa pagkanta magaling si Abby, pati na din sa pagluluto. Nagdala kasi siya ng pagkain kanina, yun ang inalmusal namin. Masarap yung niluto niyang adobo. May natira pa kami kaya yun din ang kinain namin nung tanghalian.

Masaya siya kasama, palangiti. Yung ngiti niya, nakakahawa. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti din nung magkausap kami. Hindi ko na nga din namalayan na napapangiti na lang ako bigla kahit hindi na siya nagsasalita. Ewan ko ba sa sarili ko, masyadong lutang ang isipan ko kanina nung kasama ko siya.

May ilang bagay din akong natuklasan sa kanya, gaya ng: marunong siyang mag-gitara. Ang astig nga eh, kasi siya marunong, ako hindi hahaha! Nahiya nga ako sa kanya eh, kasi sinabi ko na hindi ako marunong. Sabi niya ay tuturuan niya daw ako kaya mas lalo akong nahiya sa kanya.

Marunong din pala siyang mag-roller skating. Pero dahil na rin daw sa busy ang sched niya ay nahinto na din siya sa pagro-roller skating. Hindi na nga din daw siya sanay kaya nung sinubukan niya nung nakaraang lingo ay makailang beses daw siyang natumba.

Nakakatawa nga yung ekspresyon ng mukha niya nun habang nagkukwento siya eh. Parang natataeng ewan lang, kasi yun daw talaga yung espresyon ng mukha niya nung natumba siya.

Ilang minuto din kaming natahimik nun nang magtanong siya sa akin.

Tinanong niya ako kung nagka-girlfriend na ako. Natigilan ako sa naging tanong niyang iyon pero hindi ko pinahalata sa kanya yon.

Nahalata niya yung pagtigil ko kaya naman binawi niya agad yung tanong niya. Pinili kong sagutin ang tanong niya kahit na nabawi niya na iyon at nag-iba na siya ng topic.

"Wala pa akong nagiging girlfriend" yan ang sagot ko sa kanya. Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Hindi niya daw inasahan ang sagot ko. Wala naman daw sa mukha ko ang NGSB.

Nagtaka lang din ako sa naging sagot niya sa akin. Oo nga naman, sa gwapo kong 'to wala pa akong naging girlfriend ni isa. Hahaha! hinahangin na yung ilang pages mo diary oh! hahaha

Sinabi ko sa kanya na wala "pa" kasi akong natitipuhan sa mga nakikita kong babae. Pero sa loob-loob ko, tingin ko ay mayroon na.

Saktong pagtayo ko ay nag-ring na ang mahiwagang bell ng campus. Niligpit muna namin ang ilang bagay ng naikalat namin bago umalis at bumalik sa room.

Masaya na rin kami na sa kahit kaunting oras ay nakapag-usap kami, at least daw ay unti unti na naming nakikilala ang isa't-isa.

Dumiretso na kami ng room at wala pa doon si Michael, loko talaga yun. Buti na lang ay bago dumating si Prof Santos ay dumating naman din agad siya.

Nabigla kami ni Abby nang may ipakilala sa amin si Michael. Harold daw ang ngalan niya, nakilala niya sa gate. Siya daw ang napagtanungan kung saan ang building ng Business at kung saang room ang 1A na siyang section namin. Doon lang din nila nalaman na magkaklase sila kaya sabay na sila sa pagpasok.

Ilang subject instructor din ang nakalipas at uwian na. Umuwi ako agad dahil sa text ni Tatay. Nagpapasalamat na din ako sa pagkakataong iyon dahil nakasama at nakakulitan ko ulit si Ange. Medyo matagal din kaming hindi maka-move on sa pagkawala ni Nanay.

Diary, ikamusta mo nga pala ako kay Nanay ha? Nami-miss ko na kasi siya eh. Yun lang lahat ng kwento ko for now. See you again tomorrow :) 

Goodnight :))

-- Dave Gwapo Pogi ^___^

***********************************

Pambawi po sa lahat ng readers ko :)) 2 chapters in a row! Enjoy reading. And please do share or recommend this story. You can also try to click the "Vote" button there located in the up-right section hihihi :D

~MiriamDelaCruz yow! :D

Diary ng na-Friendzone (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon