Chapter 1- First Meeting

3.2K 67 17
                                    

First Day of School as a College Student.

Natural na yung magkagulo sa paghahanap ng room assignments, yung maiingay na estudyanteng nasa corridors, at higit sa lahat... Natural na din ang Ma-Late. HAHAHA oo, you heard it right! I'm Late.

"Tsss !  First day of classes, Late ka agad! Sige na, umupo na lang!" utos ng prof ko na mabilis ko namang sinunod.

Agad akong umupo sa bakanteng upuan na nakita ko. Babae ang katabi ko sa kaliwa, lalaki naman sa kanan. Nagpakilala ako sa lalaking katabi ko.

"Hi! Ako nga pala si Nathaniel Fabel" sabay na inilahad ko ang kamay ko. Inabot naman din niya ito at nagpakilala na din.

"Michael Garcia pre" sabi naman niya. Habang busy sa pagtatawag ng mga pangalan namin ang Prof namin sa Fil 1, ako naman ay naglakas loob magpakilala sa katabi kong babae. Ang tahimik niya kasi samantalang si Michael eh medyo bratatat. Ang ingay niya lang, kalalaking tao eh.

"Hello Miss! Nathaniel Fabel po" magiliw kong inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Ah, si Abby ako" sabay tingin sa akin ng medyo matalim. Medyo lang naman pero natakot ako kaya binawi ko na agad yung kamay ko. Takot ko lang na masigawan niya ako. Nakakahiya kaya yon.

Dahil nga sa naging reaksyon niya nung nagpakilala ako, di ko na lang siya kinausap at si Michael na lang ang kakwentuhan ko ng kung anu-ano. Iba iba kasi yung topic namin eh. May pagka-nerd at grade conscious ata siya eh.

Natapos ang morning class namin na puro pagtawag, pagpasa ng classcard at pagpapakilala sa harapan lang ang nangyari. May isa pa kaming subject after lunch.

Dumating ang lunch break at nasa cafeteria na ako. Hindi muna ako sumama kay Michael. Mas pinili ko munang mapag-isa. Malaki din pala ang campus na pinapasukan ko.

May vacant pang 1 hour kaya naglagalag muna ako sa campus hanggang sa makarating ako sa isang mini park na may malaki at matandang puno ng Acacia at sa di kalayuan ay may puno naman ng Mangga. Dito ko na lang pinili na magpalipas muna ng oras at magbasa ng baon kong libro.

Habang sinusulit ko ang pagtambay sa ilalim ng puno ng Acacia ay bigla akong nakarinig ng boses ng babae.. Babaeng kumakanta...

A/N: You can play the song right there in the multimedia ^_____^.

I want somebody to share

Share the rest of my life

Share my innermost thoughts

Know my intimate details

Ang lambing ng boses niya habang kumakanta ...

Someone who’ll stand by my side

And give me support

And in return

He’ll get my support

Hindi ko napansin na natigilan na pala ako sa pagbabasa at pinakinggan ko na lang ang pagkanta niya...

He will listen to me

When I want to speak

About the world we live in

And life in general

Though my views may be wrong

They may even be perverted

He’ll hear me out

And won’t easily be converted

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses ng kumakanta... Lumingon lingon ako sa paligid..

Diary ng na-Friendzone (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon