Chapter 8

750 26 8
                                    

 [Para sayo to Ate :) nag-request ka eh hihihi :*]

First day of July. Halos magiisang buwan na ako sa campus.

Masaya at punong-puno ng inspirasyon ang June ko sa school... At lahat ng araw kong iyon ay dahil sa kasiyahang dulot sakin ni Abby.

Si Abby...

Si Abby na makulit.

Si Abby na masayahin.

Si Abby na pasaway.

Si Abby na matampuhin.

Si Abby na isip bata.

Si Abby na minsan tahimik.

Si Abby na sadista.

Si Abby na nakakahawa ang ngiti.

Si Abby na kumukumpleto ng araw ko at nagbibigay ngiti sa akin.

Sa madaling salita...

Si Abby na inspirasyon ko.

---

Halos dalawang linggo na lang bago ang Acquaintance Party sa campus namin. Ilang araw ko nang pinag-iisipan kung paano ko aaminin kay Abby ang nararamdaman ko para sa kanya. At Ilang araw ko na rin pnag-iisipan kung sasama ba ako o hindi.

Lunch break namin ngayon. Absent si Harold kasi may sakit. Si Michael naman ang natokang bumili ng makakain namin.

So matik na.

Dalawa lang kami ni Abby. Medyo nangibabaw nga lang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Simula nang may maramdaman akong espesyal kay Abby ay medyo umiwas ako sa kanya. Ewan ko ba, siraulo ko diba? haha! Nahihiya ako sa kanya eh.

Nagulat na lang ako nang binasag niya ang katahimikan namin.

"Niel! kamusta ka naman? kanina ka pa tahimik ha? may problema ka ba?" alalang tanong niya.

"ah hehe, wala naman, nagugutom na kasi ako Bhie eh" pagdadahilan ko sa kanya

"ah ganun ba? nag-aalboruto na ba mga anaconda mo dyan sa tyan mo?" natatawang sabi niya.

Ang kulit niya talaga ngumiti. Yung tipong ang taba ng pisngi niya tapos naniningkit na din ang mga mata niya. So cute :"> Kinikilig ako hihihi. Pero syempre hindi ko pinahalata. I just made a simple smirk. :')

"oo eh, haha nagwawala na silang lahat" sakay ko sa biro niya

Napatawa siya ng malakas sa biro ko. Masaya ako sa tuwing nakikita siyang masaya, lalo na kung ako ang dahilan kung bakit siya tumatawa. Hehe iba ka talaga Dave! You already! ^___^

"ang saya mo Bhie ha?" pansin ko sa kanya, di pa kasi siya tumitigil sa pagtawa eh

"ah wala wala, havey kasi yung joke mo kahit medyo korny" sabi pa niya habang ngumingisi

"grabe ka naman, nabenta naman sayo yung biro ko ah? korny pa yun?" sabi ko habang kumakanot sa batok.

"hehehe havey na waley eh, alam mo naman ako mababaw ang kaligayahan" dagdag pa niya

"sabi ko nga. ikaw na!" sabi ko na umaaktong nilalahad paitaas ang kamay ko sa harap niya.

Tawa siya ng tawa sa ginagawa ko. Kahit sa isip-isip ko ay nagmumukha na akong baliw, hindi pa din ako tumigil sa ginagawa ko. Ang sarap kayang pakinggan ng tawa niyang nakakahumaling. Hahaha

Natigilan na lamang siya nang dumating na si Michael dala ang mga pagkain na binili niya. Dito namin napagpasyahang kumain sa tambayan namin sa mini garden ng campus. May Ilang estudyante na din ang napapdalas magpunta dito pero kami lang ang inaraw-araw ang pagpunta hehe kapalmuks eh no?

"Oh eh ang saya niyong dalawa! palibhasa gutom na kayo!" baling ni Michael samin ni Abby

"hehe tagal mo kasi Michael eh, gutom na tuloy si Niel pati yung mga anaconda niya sa tyan niya" sabat ni Abby sabay pout.

"sus, kapayat ng lalaki, may anaconda sa tyan? paano nagkasya yon pre?" biro ni Michael

"10 feet na nga pre eh, gusto mo ipakilala ko siya sayo?" sakay ko sa biro niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"wwaaaahh! yoko nga! baka tuklawin ako, masayang pa ang kagwapong mukha ko!" sabi niya sabay porma ng gwaping sign sa mukha niya.

"chura mo Michael! kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!" sabat ni Abby sabay lagay ng L sign sa noo niya.

"oh yan na naman kayo! tama na nga yan, kumaen na tayo!" aya ko sa kanila.

Kumakaen na kami nang magbukas ng topic si Abby. Ang kulit nga niya eh, ang lalaki ng subo niya, halatang gutom hihi

"guys, ano nga palang plano niyo sa Acquaintance?"

"ha? Acquaintance? ano ginagawa dun?" tanong ni Michael samin na ikinagulat naming dalawa ni Abby.

"seryoso pre? di mo alam yun?" takang pagtatanong ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nang batukan ako ni pareng Michael. Loko to ha?! nagtatanong lang naman ako eh :3

"pre naman! baka biro lang yun no?" sabi niya naman.

Nga naman. Parang timang naman kasi siya eh, alam naman pala niya, itatanong pa?! Tss -__-"

"eh kasi naman, bakit mo pa tinatanong kung anong ginagawa dun?" angal naman ni Abby.

"wala lang! hehehe!" nakangising sabi ni Michael

"adik ka!" sabi ko naman

"matagal na hahaha" ^_____^ sabi pa niyang naka-peace sign.

"oo na n---" sabi ko pero biglang sumingit si Abby

"basta ako, pupunta ako dun"  confident niyang sabi

"bakit? sinabi ba naming hindi kami pupunta ni pareng Niel ha?!" sabat naman ni Michael na nakapameywang pa (nang nakaupo) hahaha

Siniko ko na lang si Michael tanda ng pag-angal ko. Napagpasyahan ko kasi na hindi ako pupunta. Sabi kasi ni Tatay ay buong July siyang magdu-duty ng panggabi. Ayaw ko namang iwanan si Ange sa bahay nang mag-isa. Hindi ko na lamang sinabi kay Tatay na may Party kami dahil hindi naman kami obligado pumunta doon.

Siniko akong pabalik ni Michael. Nagme-make faces din siya na nagsasabing um-oo na lang ako. Napansin ni Abby na nag-uusap kami ni Michael non-verbally kaya naman...

"uy! ano yang tinginan na yan ha?!" biglang sabi na na nakakuha ng atensyon naming dalawa ni MIchael.

"a-ahh w-wa-la naman..." medyo nauutal kong sabi

"wala wala! ano nga?!" sigaw ni Abby samin ni Michael.

"ano, sasama kami! diba pre?! sasama tayo sa party!" mas confident na sabi ni Michael at tinapik-tapik pa ako sa balikat.

Mas naging mabigat ang pagtapik sakin ni Michael dahilan para...

"OO SASAMA KAMI BHIE!" sabi kong binigyang diin ang bawat salita, dala na rin ng pagtapik ni Michael na may intensity talaga. Haaayss -___________-"

--------------------------------

Yay! dapat kagabi pa 'to eh =3 Saarrreeee pooo...

Update again latuur! :))

Diary ng na-Friendzone (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon