Chapter I

766 6 1
                                    

CHAPTER 1

"Jhay Emma Bautista! Natagalan ka ata?" bungad sa akin ni Jenna!

"Wala masyadong jeep eh" palusot ko. Eh kasi naman, nalate ang paggising ko. Di ako makaget over dun sa lalaki este binabae na nabunggo ko nung isang araw. Di ako nakatulog sa kaiisip sa kanya.

"Anong walang masakyang jeep? Obvious na obvious naman dyan sa mga mata mo na matagal kang natulog kagabi kaya nalate ka ng gising!" Tsk. Kilala talaga ako ng babaeng 'to.

"Alam mo naman pala eh, bakit ka pa nagtanong?"

"Naninigurado lang naman. So ano ang dahilan este let me rephrase it. SINO ang dahilan ng malalaking eyebags na iyan?" tanong niya sabay turo sa mga mata ko este sa eyebags ko. 

"W-wala naman. Magdamag po kasi akong nagbasa ng wattpad stories." palusot ko ulit. Ako na! Ako na talaga ang palusot queen XD Alam ko rin namang mahilig siyang mag basa ng wattpad stories kaya...

"Talaga?! Ano binabasa mo?!" See? Nakalimutan niya agad yung topic namin. 

"Uhm, ano nga ba yun? I'm Married to a Stranger ni agentweirdo." (A/N:Promote promote din pag may time. Try niyo pong basahin kundi.. wala XD)

"Ay. Bago ba yan? Di ko pa nababasa."

Bigla naman pumasok yung professor namin kaya nagsiupo na kami. Haay, kahit bakla yung gwapo, gusto ko malaman name niya...

+Dismissal+

Haay salamat at natapos rin ang class ko for this morning. At vacant ako until 3 pm :D Yey! Nga pala, isa akong HRM Student, 3rd year na kaya konting push nalang, graduate at work na! Actually i came from a happy family pero medyo nagkaaway sina mama at papa kaya naghiwalay pero not legally. Parang cool off lang XD Papa has a business in Cebu and mama is on abroad. And i'm only child kaya i'm alone. I live in my condo alone. At yung babae na kasabay ko pumunta sa school, yung babaeng naghintay sa akin (yung babae sa Prologue) is si Miles.

"JM, Saan mo balak gumala ngayon?"

"Walangjo ka. Imbis na maglakwatsa ka eh dapat nag aaral tayo dahil malapit na ang Midterms natin."

"Ehh naman pero btw, sino ba talaga ang dahilan niyang eyebags mo?" Akala ko pa naman makakatakas na ako sa tanong na 'to. Sasabihin ko na nga lang para walang gulo.

"Ehh k-kasi.... Ma-"

Sasabihin ko palang nang biglang may bumunggo sa akin. Nung isang araw ako ang nakabunggo, ngayon naman, ako nanaman ang nabunggo. Baka maalog na nito ang utak ko ha.

"Sorry te! Ito kasing si gurl eh. Gurl! nakakahiya inech. Mag sorry na oyat!"

Si gwapo nanaman >.< Bakit ba palagi ko siyang nabubunggo?! Gwapo nga parang jejemon naman mag salita. Nakakaturn off XD 

"Sorry gurl ha." sabi nung gwapo sa akin. Kikiligin na sana ako ang kaso... yung boses niya nakakainis pakinggan. Ang sakit sa tenga. No offense ha. 

"Okay lang. Pero sa susunod ingat at tingin sa dinadaanan. Di niyo ba alam na kapag naalog ng malakas yung ulo ng isang tao, posibleng mahulog yung mga mata niya." Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung totoo yan XD Basta narinig ko lang yan.

"Ang OA naman ng peg mo ate, smile smile din naman pag may time. Magkakawrinkles ka!Sige babush!" Umalis na yung bakla. Buti naman. Gwapo nga pero ayoko sa boses niya, pilit at masakit sa tenga.

"Oy JM ba't parang ang sungit mo dun sa girlalush? Meron ka ba ngayon?"

"Ahh w-wala naman. Yung sinasabi ko nga pala. Ano nga ba yun?" Naalog nga yata utak ko XD Nalimutan ko yung dapat sasabihin ko kay Jenna.

"Yung dahilan ng eyebags mo?"

"Ahh oo. Kilala mo ba yung nakabunggo sa akin kanina?"

"Ahh oo si Elliot Lars Garland. Gwapo kaso may dugong berde. Bakit mo naman naitanong? Dont tell me..."

"Di kasi siya mawala sa isip ko kagabi nung nabunggo ko siya nung isang araw. Yung mukha niya. Gwapo at parang crush ko SANA. Kaso Naturn off ako. "

"Yieee. Nagdadalaga na siya kaso mali pa ang pinili mo. Sistas ang tawag sa group niya. Si Elliot, Louis at George. Mga gwapo kaso bakla >.< "

"Tsk. Di ko pa naman CRUSH, Crush nga lang SANA. Tara na nga sa Starbucks"

Sistas? Nakakalokang group name. Psh totoo nga talaga yung kanta na narinig ko nung nandun ako sa Cebu "Dili tanang gwapo, laki."(Translation: Hindi lahat ng gwapo, lalaki. )

But I dont have anything against them. Pero bakit laging nagcocross ang landas namin nung gwapong bakla?

Married to a GAY ?! (Under Reconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon