Chapter XV: Event

311 9 2
                                    

Churvalo:

Hahaha guys it's been 1 month since nung hindi ko 'to na-UD. Sensya, nabusy eh. 

Enjoy and sorry kung may mga typos at wrong grammars XD

Walang kwentang UD 'to XD

-----------------------------------------------------------------

Chapter XV: EVENT

JM's POV


"Mga anak okay lang ang maglandian pero di ba uso sa inyo ang kwarto, mygosh! Mga kabataan talaga ngayon oh."sermon sa amin ni mama. Haay, kung alam niyo lang ma. Ni hindi nga yan nakikipaglandian sa babae eh, siguro sa lalaki, oo :l


"Hon, chill lang. Let's just understand the hormones of mga kabataan ngayon at walang masama dun since mag-asawa naman sila. Di ba tayo rin ganun? Sa kitc-"


"Yucks pa! Wag mo nga ikwento sa amin yung mga pinaggagawa niyo ni ma! Mahiya naman kayo oh!"sabat ko. Eh kasi nakakahiya at you know. Siniko naman ni mama si papa at napa ouch ito.


"Well anak, kayo rin naman ah."kontra ni mama. 


"Ma, it was just an accident. You've got it all wrong. Diba Elliot?"tinignan ko siya with the help-me-please look. 


"Y-yes Ma. Naghahabulan lang po kami ni JM tapos nung nahuli ko siya na slide at sinalo ko po siya."


Shoot! Ang gwapo niya. Boses lalaki siya ngayon eh. Waaah! Ang landi ko XD


Napabuntung hininga naman si mama. Hay, salamat naman at tumigil na sila.


"Okay then. Nandito kami para dalhan kayo ng food at i-check na rin ang bagong house niyo. Aalis na rin kami. Nasa kitchen na ang food kaya kumain na kayo."paalala ni mama. Hay, I really miss ma. 


"Okay ma. Diba muna kayo magstistay for dinner?"


"Uhh hindi na anak. Don't worry, next time we will."


"Okay then. Miss ko na kayo eh. Pati na ang mga luto mo ma."nilapitan ko si mama at hinug pati na rin si papa.


"So Elliot, what's with the outfit? May lakad ka ba?"tanong ni papa kay Elliot at tinignan siya from head to toe at parang naweweirduhan siya sa pink na t-shirt ni Elliot. Patay tayo dyan!


"A-ahh wala naman po. Kasi po..."sagot naman ni Elliot. Naku naubusan yata siya ng reason pero ba't pagdating sa away namin, eh ang dami-daming baon?


Nilapitan ko siya at hinawakan ang braso. Shizz! Kahit bakla 'to eh parang may muscles pero hindi kasing laki nung mga bodybuilders ha. Sakto lang naman. 

Married to a GAY ?! (Under Reconstruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon