KIZ
AKO SI Kiziel Marie Dela Fuerte, tawagin ninyo na lamang ako sa pangalang Kiz, labin-walong taong gulang na mag-aaral bilang third year college student.
Pabalik pa lang ako ng dorm ko nang may marinig akong yapak ng paa na parang sumusunod sa 'kin.
Alas-singko i-medya na kasi ng hapon at guess what? Pagsapit ng alas-sais dito sa mga dorm namin ay may isang kababalaghang nangyayari.
Hindi mo rin alam kung ano yun.
Ang tagal kasing mang-dismiss kanina ni Ma'am.
Bale ganito ang nangyari,
Pasado alas-singko na at malapit ng mag alas-sais. Bakit ba kasi ang bagal mang-dismiss sa amin ni Ginang Estavillo? Jusko naman kasi eh!
"Okay Class Dismissed!" Sabi niya sabay nagsilabasan ang mga estudyante sa silid aralan at isa na ako roon.
May kakaiba kay Ginang Estavillo ah. Kung dati ang bait-bait niya parang ngayon. Parang ngayon gusto niyang pumatay sa titig pa lamang.
At hindi ko alam ang rason no'n kung bakit. Weird nga eh.
Palabas palang ako ng room namin ng bigla akong may nakabangga. Ouch! Ang sakit no'n! Sino ba naman kasi 'tong naka-bangga ko o naka-bangga sa 'kin?!
"Oh sht! Yung libro ko! Hindi ka manlang tumitingin sa dinadaanan mo?!" Pasigaw kong sabi sa kung sino mang antipako ang naka-bangga sa 'kin.
Hindi kasi tinitignan dinaraanan ayan tuloy pati salamin ko na may grado nahulog pa. Buti 'di nabasag eh.
"Wow Kiz, is that the proper way to greet your bestfriend?" Mala-bossing na tanong ni Jay? Teka what the? Jay is that you? Laglag panga agad ang naging unang reaksiyon ko pagkakita ko pa lamang sa kanya.
"JAY?! Bes is that you?!" Hindi parin makapaniwalang tanong ko sabay tapik tapik sa pisngi ko sinabayan naman niya ito nang pag-pisil sa aking ilong na aking ikinatuwa.
"Ay hinde siguro bes, kita mo na ngang ako 'to tas nagtanong ka pa!" Aba. Pilosopo siya ah.
"Oh siya! Kiz! Hatid na kita sa dorm mo!" Masigla niyang sabi.
Pero bago paman kami tuluyang naglakad papunta sa dorm ko ay may napansin akong babaeng nakaitim. Matalim ang pinukol nitong tingin sa amin.
"Kiz anong tinitignan mo diyan?" Tanong sakin ni Jay sabay tingin sa puwesto ng bata kanina doon sa harap ng isang kwarto.
"Wala Jay, halika na punta na tayo ala-sais na oh!" Maktol ko sa kanya. Kasi naman eh. May kababalaghan daw sa Paaralan namin pag sapit ng ala-sais ng gabi kaya minadali naming tumakbo ni Jay patungo sa Dorm ko.
Dorm 152
Pagkarating palang namin doon ay atensyon agad ng mga madaming kasamahan namin ang nakita ko.
Naglalaro ata ng tagu-taguan, yung iba naman truth or dare.
Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga kaklase kong naglalaro ng Spirit Of The Coin.
Pero ang mas ikinabigla ko ay ang may kasama ang kaklase naming lalake na isang babaeng nakaitim at naka akbay pa ito sa kaklase namin.
Pipigilan kona sana sila ng biglang nabuksan ang pinto at ang lakas ng pagkatama ni pader.
"Hay nako! Itigil niyo yan! Kayong mga estudyante ah naglalaro pa kayu ng Spirit Of The Coin! Paano pag may sumapi sa inyong masamang kaluluwa?! Ha?!" Panenermon ni Ginang Estavillo.
At tumawa naman ang mga kaklase ko. Hays di na sila marunong makinig sa sinasabi ng mga guro.
Kasunod ng paglabas ni Ginang Estavillo ay ang pag patay sindi ng ilaw.
Actually Biyernes ng gabi ngayon hinihintay ko lang sundo ko dito sa Dorm ng mga kaklase ko.
Ang pag patay sindi ng ilaw madaming kinabahan, kasabay noon ang huni ng pinto na nagbubukas sarado at kasabay rin noon ang pagkawala ng babaeng naka itim.
Pagkatapos ng nangyari sa mga ilaw sa Dorm kanina ay dumating na ang sundo ko.
Pero ang nakakapagtaka nasa labas pa pala ng dorm ang nakaitim na babae at masamang tingin ang pinukol nito sakin.
--------------------
Guys! So kamusta naman ang Chapter1?Haha. Vote and comment guys!
Thanks and GodBless.
A/N: Edited ang typos guys. For the plot aayusin ko by next week^^
BINABASA MO ANG
One Last Night (Under Major Editing)
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag kaharap mo na si kamatayan? Paano kapag 'di mo alam na 'one last night' mo na pala? Tatakasan mo pa ba ang iyong kamatayan? O tatanggapin mong huli na ang lahat? Ito na ba ang huling gabi mo? O ang tinatawag nila na One Last N...