Kiz's POV
Isang di napa kapani paniwalang balita ang natanggap namin sa ospital noon.
Ano ngaba ang balitang iyon?
Narinig lang namin na balita galing sa mga guro ang pagwawala ng transferee sa kwarto nito.
Para na nga daw siyang baliw sa inaasta niya. Kada gabi ay pilit niyang tinatanggal ang posas sa kanyang mga paa at kamay ngunit di niya ito magawa.
Pinabantayan pa nila ang harap ng kwarto ng transferee sa dalawang pulis. VIP na nga kung ituturing mo kumbaga eh.
Nang araw na iyon. Yun ang mga araw at gabi na diko malilomutan. Ang pagwawala ng transferee, ang biglaang pagsususka nito, at ang mas malala ang biglaang pagiging baliw niya na tila na may sumanib sa kanya na isang masamang espirito.
9:30 P.M.
Alas nuwebe i trenta na ng gabi sa ospital ng maalala ko ang tungkol sa nangyari sa Transferee Student namin.
Sinabihan ko agad si Jay na puntahan namin ang kwarto ng babaeng transferee na kaklase namin.
Sa una ay parang ayaw kong pumunta doon dahil sa di malaman na dahilan. Pero may isang parte naman ng aking sarili na para bang gusto nitong pumunta sa kwarto na iyun. Parang may sariling pag iisip ng ang aking paa kumbaga.
Pagkabukas ko palang ng pinto ay...
"Ikaw?!! Anong ginagawa niyo dito ng babaeng yan?!! Ha?!! Lumabas kayu dito!!" Sabi ng kaklase kong transferee sabay turo kay Jay at tignan naman niya ako ng masama.
"Lumayas kayung dalawa dito kunde...!" Pagbabanta niya at naglabas ng kutsilyo at tinutok ito sa leeg niya.
"NURSE! Ang pasyente sa Room 167 nagwawala na naman!" Biglang bulalas ni Jay.
Pagkasabi palang niya nun ay nagsilapit na agad ang mga nurse sa Transferee namin at mabilis nilang hinawakan ang dalawang kamay nito.
Nung una ay nagpupumiglas siya dahil sa hinawakan ng mga nurse ang dalawang kamay niya upang turukan ito nang pampatulog.
Namalayan nalang niyang humihikbi na pala siya habang tinuturukan ng pampatulog.
"Magigising rin agad ang pasyente bukas. Mabuti pa ay dalawin niyo nalang siya bukas." Saad samin ng isa sa mga nurse niya.
Pero bago paman kami umalis ay may napansin ako. Napansin kong hawak hawak parin niya ang kutsilyo na nasa bandang may kanan ng kamay niya.
Tatanggalin na sana namin ng mga nurse ang hawak hawak niyang kutsilyo ng biglang sinaksak niya ang sarili niya sa bandang puso niya.
Tila makikita mo ang dugo na umaagos sa katawan niya. Nakapagtataka man ay dahil tulog siya kanina pero parang nag sleepwalk siya kaninang sinaksak niya ang sarili niya. Di makapaniwala ang mga nurse.
Noong chineck nila ang kalagayan ng transferee ay patay na siya dinala na agad siya sa Morgue.
Di ako makapaniwala sa mga nangyari ngayung arawna ito biglang sinaksak ng transferee ang sarili niya at ang mas malala ay patay na siya.
Jay's POV
Isang di inaasahan at hindi kanais nais na pangyayari ang nasaksihan namin kanina.
Ang biglaang pagkamatay ng transferee naming kaklase.
Dinala na siya sa sementeryo agad at kaunting bendisyon lang ang binigay sa kanya dahil wala na rin naman siyang mga magulang. Nasa kabilang buhay narin ang mga magulang nito.
Pagkatapos ng bendisyon ay linapitan namin ang puntod niya at...
"Mahal ka namin ni Kiz. Sana magpapakabait ka jan ha? Wag kang gagawa ng mga kalokohan jan. Naging malaking parte ka rin ng aking buhay." Yan lang naman ang mga linyang sinabi ko sa harap ng puntod niya.
Diko namamalayang umaagos na pala ang luha ko.
Napansin ko ring 10:00 P.M. na ng gabi o alas diyes na pala ng gabi.
Napagpasyahan rin namin ni Kiz na umuwi na muna kami sa bahay dahil paniguradong nakasara na ang bahay nila ngayun.
-------------------
Hey guys.Kamusta naman ang Kabanata 4?
At ano ngaba ang tinutukoy ni Jay na naging malaking parte ng buhay niya ang transferee?
Vote and Comment Guys.
Thanks And GodBless.
BINABASA MO ANG
One Last Night (Under Major Editing)
Misteri / ThrillerAnong gagawin mo kapag kaharap mo na si kamatayan? Paano kapag 'di mo alam na 'one last night' mo na pala? Tatakasan mo pa ba ang iyong kamatayan? O tatanggapin mong huli na ang lahat? Ito na ba ang huling gabi mo? O ang tinatawag nila na One Last N...