Jay's POV
Pag uwi palang namin ay mabilisan akong nagmaneho.
Sabi ni Kiz sakin ay ihatid ko daw siya sa mansyon nila pero bago pa man siya tuluyang makababa ng kotse ay hinawakan ko muna ang braso niya.
Makalipas ang nga araw na pagkawala ng transferee madaming naging maligaya, malungkot at ang iba naman ay balewala lang o walang pakialam. Nabasa ko naman sa news feed ng facebook ko na.
"Finally! Patay na siya! Kakabwiset kasi ang babaeng yun! Agawin ba naman si Jay satin."
Viniew ko ang mga comments at...
-Mabuti nga sa kanya ang mamatay na.
-Di siya nababagay dito sa mundong ibabaw karapat dapay lang sa kanya ang mamatay.
-FUCK YOU BITCH! YOU DESERVE YOUR PUNISHMENT!
Kakabasa ko lang ng comment na yan pero ang ikinabigla ko ay may nagpakita sa notifications ko. Syra liked Dani's Comment 10 seconds ago.
Nagtaka ako dahil si Syra pala ang babaeng transferee. Shet! Siya pala ang ....
Clinick ko ang profile ni Syra at tinignan ang facebook niya at naka deactivate naman ito. At mukhang nabura na ang name niya sa facebook kasi halos NO RESULTS lahat ng sinesearch kong pangalan niya.
"Kung ganon ang Syra na naging kaibigan ko noon at ang Lea na transferee ay..." diko na naituloy ang aking pagmuni muni dahil biglaang bumukas ang pinto.
Ang ipinagtataka ko ay linock ko naman ito pero imposibleng mabuksan yun?
Tumingin naman ako sa may pintuan ko kung may tao pero ni isang anino o ni isang tao sa harapan ng aking pintuan ay wala.
Walang bakas ng tao sa pintuan. Wala kang makikitang ibang nasa pintuan kunde ang kalapit lang nitong drawer. Dali dali naman akong lumapit sa pintuan na nagmistulang nakabukas pero nung malapit na akong makalabas sa may pintuan ay...
Biglang humangin ng malakas. Isang malamig na simoy ng hangin ang nagmistulang nakapalibot ngayun sakin. Tinignan ko naman ang kama ko na ang kalapit nito ay ang bintana at napagtanto kong nakabukas ang bintana ng aking kwarto.
Sinara ko naman ang bintana at pintuan ko kanina bago pumunta sa aking kama ha. Ano bang meron ngayung gabi?
Nang matapos kong isara ang aking pinto ay linapitan ko naman agad ang aking bintana nasa ikalawang palapag kasi ang aking kwarto. May halong kaba at takot ang naramdaman ko sa paglapit sa bintana.
Pagkapunta ko palang sa aking bintana upang isara ito ay may napansin akong isang maitim na kamay.
Diko alam kung kamay ba ng aso o tao o pusa yun. Oh kamusta naman diba? Isabay mo pa ang walang kuryente o brownout at ang nagsisilbing ilaw ko lamang ay ang ilaw ng buwan sa gabing ito.
Hihilahin kona sana ang bintana ng aking kwarto upang isara toh ng biglang...
"Huli ka! Sa wakas ikaw ang kukumpleto sa mga kailangan ko!" Pasigaw na sabi ni Syra.
"Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sakin ng babaeng yun!" Sabi nya na may halong galit.
Yan ang mga huling linyang narinig kong sinabi bago nyako tuluyang sakalin at SANIBAN?
Napasigaw ako dahil sa sakit ng paglipat niya sa aking kaluluwa na ngayun ay nasa katawan kona si Syra.
"Simulan na nating mag laro!" Sabi niya sa katawan ko
"Dika pwedeng maglaro gamit ang katawan ko! Dika magtatagumpay!" Sigaw kong sabi bago tuluyang nawalan ng malay.
Ngayun ko lang napagtanto na 10:30 P.M. na pala ng gabi. Natatakot ako sa maaaring mangyari kay Kiz dahil ginagamit pa naman ni Syra ang katawan ko.
---------------------
Okay guys.Late UDs sensya na talaga.
Btw kamusta naman ang Kabanata 5?
10:30 P.M. na lol just kiddin
Vote and Comment Guys
Thanks And GodBless
BINABASA MO ANG
One Last Night (Under Major Editing)
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kapag kaharap mo na si kamatayan? Paano kapag 'di mo alam na 'one last night' mo na pala? Tatakasan mo pa ba ang iyong kamatayan? O tatanggapin mong huli na ang lahat? Ito na ba ang huling gabi mo? O ang tinatawag nila na One Last N...