Kabanata 3

152 21 25
                                    

Kiz's POV

"OH MY GHAD!" Bulalas ko at biglaang naihulog ko ang Samsung S7 Series ko. Pano ba naman kasi kaninang kinakausap ako ni manag nagsasalamin ako sa camera ng cp ko pero instead na naka front camera ito ay naka back camera.

At kitang kita sa camera ang isang nakabitin na katawan ni Manong Rick.

Tila tumutulo ang dugo ng kanyang katawan habang nakasabit ito sa beranda ng second floor kaya naman dahil sa takot at taranta ko ay tumawag nako ng ambulansya incase na maisalba pa ang buhay ni manong.

Dumating na ang ambulansya at kelangan daw akong sumama kaya naman sumunod nako sa kanila. Dead On Arrival nung nasa ospital na kami mismo. Diko alam pero bakit ang babaeng naka itim parang parati siyang nakasunod sakin.

Nakita ko naman agad ang aking kaibigan na si Jay. At tila makikita mo sa mga mata nito ang lungkot at awa.

"Kiz, patay na daw si Ginang Estavillo. Kaninang mga bandang alas sais i trenta natagpuan ang bangkay niya sa harapan ng gate ng bahay nila. Ang mga katawan niya ay nahati hati. Ang mga mata niya ay nakalabas at nakapatong sa bandang ulohan niya."

Pagkasabi palang sakin  ni Jay yan ay diko alam pero bakit parang nakaramdam ako ng takot at pangamba sa pwedeng mangyari?

Napasin ko ring alas otso i medya na pala? Bakit ba ang orasan pag tinitignan mo ay ang bagal ng galaw nito? Pero pag dimo naman tinitignan eh ang bilis. Bakit kaya?

Dinala ang bangkay ni Manong Rick kanina sa Morgue. Dineretso na ito doon kasi kaninang chineck nila kung may natitira pa bang hininga si Manong eh wala na pala.

Nasa counter si Jay at mukhang nagbabayad siya sa gamot na binili niya. Sinabi niya kasi sakin na medyo masakit daw ang kaliwang kamay niya dahil naipit ito sa aparador namin sa paaralan kaninang tanghali.

Habang nagbabayad si Jay ay may napansin akong kakaiba sa likuran niya.

Andun na naman ang postura ng babaeng naka itim.

At ang tanong sino ngaba ang babaeng naka itim?

Ano kayang koneksyon niya samin ni Jay?

Sa pagkakaalam ko wala naman kaming namatay na kaklase noon. Except nalang sa transferee namin kasi nasa daan kami papunta sa Regional Contest ng Journalism noon.

Umuulan isabay mopa ang pagkulog at kidlat noong nag biyahe kami.

Madulas ang daan noon lalo na't maulan pa naman. Isabay mopa ang wala gaanong signal noon.

Nang biglang mangyari ang isang aksidente na di namin inaasahang lahat.

Ang sinasakyan naming bus may kinabanggang isang kotse. At kapag nga naman minalas kami noon. Sa mismong bandang kaliwa ng bintana tumama ang kotse na mag o-overtake sana noon.

At ang kaklas naming transferee noon naitama sa kamay niya ang katawan ng sasakyan kaya naipit ang kamay niya.

Napilitan silang putulin ang kamay niya noon. Dahil yun lamang ang paraan upang maisalba siya.

Pagkatapos maputol ang kanyang kamay noon ay dinala siya sa ospital at inobserbahan ng isang linggo.

Madaming natuwa dahil nasa ospital ang transferee except sakin di ako natuwa sa nangyari sa kanya.

Hanggang sa isang narinig namin ang balita na...

-------------------------
Okay guys.

Kamusta ang Kabanata 3?

Bitin ba?

Vote And Comment Guys.

Thanks And GodBless.

Napa aga ang UD sa let the game begins at chamber of magics try ko bukas or wednesday. It depends eh.

Kaunti lang kasi vacant time namin.

One Last Night (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon