Special Edition!

42 4 0
                                    

KIZ

ANG SAYANG manood ng isang pelikulang nakakapagpataas balahibo sa bawat manonood.

Pumunta ako sa kusina at kinuha ang popcorn na niluto ko. Masarap ang amoy nito. Midnight session kasi ang schedule ng klase ni Jay habang ako naman ay pang-umaga.

Kasalukuyang nasa gitnang parte na ng aking pinapanood ang pangyayari kung saan ang babae ay aakyat sa kanyang kuwarto upang matulog ngunit, nabigla ako.

May nakaitim na babae. Sa papuntang hagdanan sa ikalawang palapag siya'y nakasilip.

Sinundan ko kung saan ang punta niya. Patungo siya sa Stock Room.

Nagmamadali akong pumasok sa silid na iyon, ngunit ng pagpasok ko ay naka-lock na ang pinto. Shit! Inilabas ko agad ang aking cellphone at binuksan ang flashlight nito.

Nakasara ang pinto na maaaring labasan. Masyadong mataas ang mula sa bintana pag tatalon ako hanggang sa unang palapag ng bahay. Baka maging kalansay ako pag nangyari iyon.

May nakita akong isang lumang chest binuksan ko iyon, at may nakita akong isang dress na pang-kasal. Sinukat ko. Eksaktong eksakto sa 'kin. Magarbong tignan.

Nakuha ng atensiyon ko ang isang picture frame ng babae. Agad ko itong kinuha at pinagmasdan ang mukha nito. Shocks! Siya yung babaeng sinundan ko kanina.

Sinuot niya ito sa araw ng kanyang kasal. Biglang gumalaw ang silid at sa isang lumang cabinet may nahulog na libro.

Agad ko itong pinulot at may nakasulat na Chamber Of Spirits.

"Aaaaaah!" Agad akong napatili ng malakas dahil sa takot na rumehistro sa aking isipan.

"Kiz! Binangungot ka na naman, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jay, kasabay nito ang pagpapakalma niya sa 'kin at pagpapainom ng tubig.

Panaginip lang ba iyon o bangungot?

Sino ba ang babae sa panaginip ko?

Anong kailangan niya at bakit ako?

###

A/N: Dahil paasa daw si author, para sa kanya. Lel. Gumawa ako ng special edition! Wahaha! Maaaring ito ay may kinalaman sa Volume 2 ng kuwento. It's up for you to find out.

Vomments are highly appreciated! And you can share my story/ies to your fellow wattpaders/friends! Kamsa~

One Last Night (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon