Sikat Five

28 2 0
                                    

Tiffany's P.O.V

Pagpasok pa lamang ni dyo ay pinaunlakan ko na agad sya ng isang napaka higpit na yakap.

"I cant breath Honey." Reklamo ni dyo 'kayat medyo niluwagan ko ang pagkakayakap ko sakanya.

"Asan nga pala si taeyeon?" Tanong ni dyo, nakaramdam ako.ng pagkadismaya dahil ibang tao ang hinahanap nya.

"Umuwi na sya," matipid na sagot ko habang nananatili paring nakayakap sakanya.

"Hinahanap kasi sya ni baekhyun." Tugon ni dyo bago alisin ang mga braso ko na nakayakap sakanya, dati rati tuwang tuwa sya kapag niyayakap ko sya. Pero bakit ngayon parang..... parang ayaw nya na? Pumasok sa isipan ko ang sinabi kanina ni Taeyeon, hindi. Hindi ako magagawang iwan ni dyo.

"Deary, kumain kana ba?" Agad na tanong ko sakanya 'nagluto kasi ako ng paborito nya at sigurdo akong magugustuhan nya, pinag aralan ko pa nga ang pagluluto ng putahe na yun.

"Oo honey, pinakain na ako kanina ni chrysta- i mean ni manager." Kumunot ang noo ko, may pangalan syang muntik ng banggitin kanina. Psh. -.- dala lang siguro to ng pagod.

"Sayang, nagluto pa naman ako para sayo." Nakayukong sabi ko 'inaasahan kong sasabihin nya na kakain pa sya para sakin dahil yun ang madalas nyang sinasabi pero... hindi yun ang sinabi nya,

"Ipamigay nalang natin sa kapitbahay honey, para hindi naman mapanis." Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag iyak

"Si-sige," nakayukong sabi ko dahil nararamdaman ko na ang nangigilid na luha sa mga mata ko.

"Tulog na ako honey 'sobrang pagod ko kasi." Hindi man lang sya nag aksayang lingunin ako. Sa halip ay nagdiretso nalang sya sa kwarto.

Hindi ko na napigilan ang kanina ko pang pinipigilang luha 'nagmistulang watetfalls ang mga mata ko dahil walang balak tumigil ang luha ko. Sa bawat pagpunas ko ng pisngi ko ay may susunod na luhang bumabagsak.

Ng maayos ko na ang sarili ko ay umakyat narin ako sa kwarto 'pipihitin ko na sana ang doorknob pero may narinig akong kausap nya.

"Yeah, okay 'tommorow i'll visit you there. Okay, magpapaalam ako kay manager." Sino ang kausap nya? Ng mapagtanto ko na wala na syang kausap sa telepono ay tuluyan ko ng pinihit ang doorknob. Nginitian ko lang aya bago na ako tumabi sakanya.

Kakalimutan ko nalang na may narinig ako, iisipin ko nalang na bingi ako kagabi. At wala akong narinig na kausapn nya, tama. Yun nalang ang gagawin ko para hindi kami masira. Ayokong mawala sya, kaya kahit ang magbingi bingihan pa ay kaya kong gawin para lang sakanya.

Tuluyan ko ng pinikit ang mata ko 'pero bago pa man ako tuluyang makatulog ay may isang patak ng luha pang pumatak mula sa kaliwang mata ko.

----
Panuchhhh! Ano? Tingin nyo ba may ginagawang kalokohan si Oppa Dyo? Comment sa mga bumabagabag sa precious and rare brain nyo! ^.^

-AuthorNaMahalNiKyungie

Ang Sikat Kong Boyfriend (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon