Nagsasagot kami ng seatwork sa Geometry nang umalingawngaw ang sirena ng ambulansiya, napangisi na lang ako at saka patay-malisyang ipinagpatuloy ang pagsasagot.
"Anong nangyari?"
"May sunog ata!"
"Tanga, ambulansiya yun."
"Sinong isinakay sa ambulansiya?"
"May naaksidente ba?"
"Hindi kaya isa sa mga basketball players ang nasaktan? Nagpa-practice sila hindi ba?"
"Oh my! Baka si Garnett?!"
"Wag naman sana. Start na ng finals, gusto ko siyang makitang maglaro."
"Class, quiet!" saway ni Sir Tuy sa mga kaklase kong parang bubuyog kung makapag-usap. "Tapusin niyo ang pinagagawa ko, pupunta lang ako sa Faculty."
Napailing na lang ako nang makita ang teacher na nagmamadaling lumabas. Excited makasagap ng tsismis.
Dala-dala ang baong Yakult, lumabas ako at dinungaw ang eksena sa baba. Nasa 3rd floor kasi ang classroom namin. Kasalukuyang isinasakay sa ambulansiya si Mam Katuturan, may tila towel na nakapatong sa mga mata nito. Nagkakagulo naman ang mga teachers na may kanya-kanyang kabulungan. May ilang sumakay din sa ambulance car.
"Teacher ba natin ang isinakay sa ambulansiya?"
Tinaasan ko lang naman ng kilay ang lalaking naglakas-loob na kausapin at tabihan ako.
"May utang ka pa sa'kin Ren." muling saad nito. "Pinahiya mo ako sa klase."
Tumawa lang ako at inisang lagok ang hawak na Yakult.
"Anong kasalanan ko? Hindi naman ako ang umihi sa sarili kong pants."
Namula naman ito at umiwas ng tingin.
"K-kung hindi mo ginawa 'yun.. hindi naman ako matatakot kay Mam at hindi ako maiihi."
"Alright. Ilang diapers ba ang gusto mo?" I asked him at tinanaw ang papalayong ambulansiya. "Para wala na akong utang sa'yo."
He cleared his throat at hinawakan ako sa magkabilang-balikat para mapaharap sa kanya. Napakunot-noo naman ako sa kapangahasan niya.
"Hindi ko kailangan ng diapers. Ang gusto ko lang.. makadate ka. Kahit isang beses lang."
What did he say?
"Hindi naman kayo ni Guzman di ba? Kaya pwede bang tayo na lang?" he seriously added.
"Nagpapatawa ka ba?" I asked at saka tinabig ang mga kamay nito sa balikat ko.
Umiling ito at akmang hahawakan ulit ako pero umatras ako.
"Seryoso ako. I like you Ren. Hindi mo ba ako pwedeng bigyan ng chance?"
"Look Mr. Diaper.. "
"Nixon Dela Rosa ang pangalan ko." putol nito sa sasabihin ko.
"Mr. Diaper.. " ulit ko na ikinangiwi niya. "Hindi ako interesado sa'yo, alright? See, kahit pangalan mo nga hindi ko maalala. Next time, wag ka na ulit magjojoke ng ganyan ha? Sobrang waley men!" tinalikuran ko na lang siya, sinasayang niya ang oras ko.
"Ren!" tawag pa nito kasunod ng mga yabag nito na tila papalapit. "Ren saglit!" pigil nito at nakadipa pang hinarang ang mga kamay sa daraanan ko.
Mukhang gumagawa na kami ng eksena, nanonood na kasi ang mga kaklase ko. Pati ang ibang mga estudyante sa kalapit classroom ay nakikitsismis na rin. Hindi ba sila aware sa existence ng salitang mind your own business?
"Kahit isang chance lang, please Ren." mangiyak-ngiyak ng saad ng lalaking feeling artista.
Gumaganti ata ang isang 'to sa pagkapahiya niya kahapon. Tss. Hindi ko naman kasalanang wala pala siyang suot na diaper.
"Alright." tugon ko na ikinangiti niya. Humakbang ako palapit sa kanya at inabot ang Yakult na wala ng laman. "Kapag nagkaroon ng unlimited Yakult, yung tipong kahit ilang beses akong uminom sa lalagyan na ito hindi siya mauubos, bibigyan kita ng chance. Deal?" naramdaman ko naman ang pagbagsak ng balikat niya. I smirked. "Sa ngayon, wag mong kalilimutang laging magsuot ng diaper, okay?" yun lang at dire-diretso na akong naglakad.
"Mukhang napagtripan na naman ni Valdez.."
"Kawawa naman si Nixon, crush ko pa naman siya."
"Ibang klase talaga ang trip ni Renaissance."
"Umiwas na lang tayo sa kanya."
"Bakit? Ang cool nga niya."
"Cool? Hay, bakit kaya hindi siya nagmana sa Mommy niya?"
I stopped on my track once I heard that word, kaagad kong nilingon ang mga tsimoso't tsismosa at hinanap ang nagsalita.
"Bakit kaya hindi siya nagmana sa Mommy niya?" ulit ko. "Sinong nagsabi nun?" malamig kong pahayag. "Sinong tsismosa ang nagsabi ng mga salitang 'yun?"
Walang sumagot at lahat ay nag-iwas ng tingin. Cowards.
"Pakisabi sa tsismosang 'yun na ang pangit ng mukha niya, kasing pangit ng mga paa niyang mapagkakamalang luya." I teased at mabilis na nag-isip ng bitag. "Saka balita ko inahas niya ang boyfriend ng best friend niya." turan ko habang palihim na hinahanap ang salarin. "Gumagawa rin siya ng kodigo at ipinagbibili." Wala pa rin. "At siya rin pala ang dahilan kung bakit isinakay sa ambulansiya si Mam Katuturan. "
"Ano?! Wala akong kinalaman diyan. Hindi nga ako napapatawag sa D.O., baka ikaw, halos araw-araw nasa D.O. ka hindi ba?"
Bingo!
I just smirked at tinandaan ang pagmumukha ng tsismosang 'yun. Good thing, malinaw kong nakita ang pangalan niya sa suot niyang ID.
"We will see each other again, Kailey Monda."
**
![](https://img.wattpad.com/cover/73251742-288-k313497.jpg)
BINABASA MO ANG
A PRANK TO REMEMBER
Подростковая литератураStory of Renaissance Florentine M. Valdez