APTR - 5

2.7K 88 19
                                        



"Good morning CJ." rinig kong bati ni Ate Lily.


He's here. Nagmamadali akong bumalik sa pwesto ko at nakangiting sumubo ng pagkain.


"Morning Renaissance." bati nito sa'kin while drinking his coffee. Hindi man lang niya inaalis ang paningin sa librong hawak ng kaliwang kamay. A certified bookworm. 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Can you eat first before reading that book?" I snorted. "It's a bad habit, you know."

"Alright." he replied at maingat na ibinaba ang hawak na libro. "What's with your smile? Mukhang may binabalak ka na namang masama." pansin nito while chewing his foods.


Umiling lang naman ako at bumaling kay Ate Lily na may dalang juice.


"Ate, meron pa ba tayong toothpaste, yung white?"

"Meron pa naman. Bakit, wala ka na bang supply sa kwarto mo?"

"Meron pa po. Gagamitin ko lang mamaya sa school. Pahingi po akong tatlo ah, yung malalaki." nakangisi kong tugon saka muling hinarap ang pagkain.

"Sige, ihahanda ko na." wika ni Ate Lily at nagtungo na sa stock room.

"Hindi ba't maglilinis ka ngayon sa school niyo? Para saan 'yang toothpaste na hinihingi mo?" usisa ni Clinton. "Behave Renaissance."


I pouted.


"Behave kaya ako. Sa sobrang behave ko nga kapag dumadaan ako sa school, nahahawi ang daan. Walang humaharang sa'kin. Wala ngang naglalakas-loob na kumausap sa'kin e. Tapos lagi pa akong pinapatawag ng mga teachers lalo na ni Mam Katuturan. Every Saturday, naglilinis ako ng school sa halip na maglaro ng DOTA O LOL." I stated. "Ganun ako ka-behave Clinton."


Hindi naman ako nito pinansin at tila sarap-sarap na kumakain. I smirked.


"What?" Clinton asked matapos ko siyang titigan habang nilulunok niya ang sinubo niyang pagkain. "May dumi ba ako sa mukha? You're staring at me like an idiot."


Lalo naman akong napangisi pero hindi ko na siya pinansin pa. Tinapos ko na lang ang pagkain ko bago pa ako abutan ng surprise ko kay Clinton.



"Kailangan mong linisan ang lahat ng CR sa Sabado. Wag mo ng balaking tumakas, Ms. Valdez dahil magpapatong-patong lang ang lahat ng punishments mo. Bago ka pumasok, pumirma ka muna sa Log book sa guard house. Kapag tapos ka ng maglinis, tawagin mo si Emong, siya ang janitor na naka-duty sa araw na iyon, may ibibigay siyang index card sa'yo na may pirma niya kapag satisfied siya sa ginawa mo. Hangga't hindi siya pumipirma, hindi ka maaaring umuwi, naiintindihan mo ba?"


Napailing na lang ako habang pumipirma sa Log book. Kahit nasa hospital pa rin ang matandang 'yun, hindi pa rin pala ako makakatakas.


"Ibinilin ka ni Mam Katuturan, sabihan mo lang ako kapag may problema." wika ni Kuya guard.

"Problema ko po ang maglinis mag-isa ng CR, matutulungan niyo ba ako?"


Natawa naman si Kuya guard at kinuha sa'kin ang Log book.


"Pasensiya ka na, hindi kita pwedeng tulungan sa bagay na iyan. Kung tutulungan kitang maglinis, wala ng magbabantay dito sa gate."

"Pwede naman pong ako na lang muna dito habang naglilinis kayo."


Muli naman itong natawa at ginulo pa ang buhok ko. Close ba kami? Tss.


Tinalikuran ako nito sandali para sagutin ang nag-iingay niyang cellphone.


"Sa makalawa na ba 'yun? Hayaan mo't gagawan ko ng paraan.." rinig kong saad nito sa kausap.


Napatingin naman ako sa suot nitong sapatos at nakaisip ng isang bright idea. Ngayon mo makikilala kung sino si Renaissance Florentine Montiveros Valdez!



--



May tatlong Bibe akong nakita

Mataba, mapayat mga bibe

Ngunit ang may pakpak

Sa likod ay iisa

Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,

Kwak, kwak, kwak.

Kwak, kwak, kwak.

Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak..


"Sino kang pangahas na iniistorbo ang paglilinis ko ng banyo?!" tanong ko matapos i-loudspeaker ang cellphone. Pansamantala ko ring itinigil ang pagpapaputi sa madilaw na toilet bowl na kaharap ko ngayon.

"R-Renaissance.." rinig ko namang sagot sa kabilang linya. Napangiti naman ako ng marinig ang boses ni Clinton. "A-anong inilagay mo sa pagkain ko?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" pagmamaang-maangan ko. "Si Ate Lily at Yaya Helen naman ang nagluto. Alam mong hindi kami compatible ng kusina, sila ang tanungin mo. Pero ang alam ko asin at mantika lang ang inilalagay sa fried rice.. teka, pati ba suka nilalagay dun?"

"I've been stuck on my toilet for 2 hours!" sigaw nito kaya bahagya akong napangiwi, I heard him sighed. "What did you do Renaissance?!"

"I have no idea Clinton.." sumisipol kong turan. "2 hours na rin akong stuck sa mga CR ng EXONHS at may dalawa pa akong floor na kailangang linisan. Bale, apat na CR pa ang kakalabanin ko, so, kung wala ka namang matinong sasabihin, wag mo na akong istorbohin."

"I'am asking you Renaissance, what the heck did you do? My tummy hurts and I can't stop depositing here!"

"E di wow! Yayaman ka na, madami ka na palang na-deposit e."

"Renaissance Florentine!"

"Montiveros Valdez.." dugtong ko sa sinabi niya. " Clinton, wag mong ipagmalaking kanina ka pa tumatae! Lahat naman ng tao tumatae! Nagkakaiba lang sa amoy, kulay at laki. Saka ka na magyabang kapag ginto na ang itinatae mo, okay?"

"You! Kapag nalaman kong---amft!" And the call ended. Mukhang magdedeposit na naman si Clinton.


Natawa na lang ako at kinapa sa bulsa ang ebidensiya. Mukhang kailangan ko na itong itapon bago pa ako kasuhan ni Clinton. Akalain mo nga naman effective pala ang pampapurga ni Chuck. May pakinabang din pala ang asong 'yun.



"I'am sorry my twin. Bayad 'yan sa pinagsasabi mo kahapon. Now, we're even."



**


A/N

Sa Dreame na po mababasa ang continuation nito. Salamat.

A PRANK TO REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon