APTR - 3

2.7K 105 6
                                    


"Hindi ba't ikaw ang huling nakausap ni Mrs. Katuturan kahapon? " tanong ni Sir Paliparan, assistant principal ng EXONHS.


After kasi ng lunch break, pinatawag ako sa Principal's office. Nasa bakasyon pa si Tita Ninang kaya itong panot na assistant ang kausap ko ngayon.


"Hindi ko po alam. Hindi ko naman po namonitor kung sino pang mga estudyante ang pinapunta sa D.O. kahapon. Hindi po ba trabaho niyo 'yun?"

"Ayusin mo ang pananalita mo Ms. Valdez." nakasimangot na sita nito. "Hindi porket pamilya mo ang nagmamay-ari ng school na ito ay hahayaan na kitang gawin ang gusto mo. Dapat nga ay maging huwaran ka sa lahat, pero anong ginagawa mo? Ikaw pa ang nangunguna sa paggawa ng kalokohan."

"Naging assistant lang naman kayo dahil kay Tita Ninang.. " bulong ko. "Hindi po ba bawal ang magsugal?" I asked at kinuha ang nakatagong mga baraha sa ilalim ng mga papel na nakakalat sa table niya. "Dapat po kayo ang nagiging huwaran sa mga katulad kong estudyante pero bakit po kayo pa ang nangunguna sa pagsaway sa mga batas ng school."


Nagpunas naman ito ng pawis sa noo at walang babalang kinuha sa mga kamay ko ang mga baraha.


"Hindi ito ang issue dito Ms. Valdez, tungkol ito sa nangyari kay Mrs. Katuturan. Sabi ng doctor ay posible siyang mabulag kung hindi kaagad naagapan. Kaya mo bang panagutan 'yun Ms. Valdez? Kaya mo bang ibalik ang paningin ni Mrs. Katuturan kung sakali mang nabulag siya?"

"Based on your words, I can sense na pinagbibintangan niyo akong may kinalaman sa nangyari sa kanya." I stated at inilibot ang paningin sa opisina nito.


May mga larawan ng baraha at dice na nakadikit sa mga dingding. Sa bawat cabinet naman ay may mga naka-display na bola na nilalaro sa Roulette at mga chips na ginagamit sa casino. Hindi talaga maipagkakaila, lulong na sa sugal ang panot na ito. I wonder, hindi kaya nagagalaw na nito ang pera ng school?


"Hindi kita pinagbibintangan Ms. Valdez, sinasabi ko lang kung anong totoo." nakangising banat nito. "Wala namang ibang gagawa nito kung hindi ikaw lang."


Tumango-tango ako at pinaglaruan ang rubik's cube na naka-display sa table niya. Sa dami ng laruang naka-display dito, aakalain mong bata ang may-ari ng opisina.


"Mr. Paliparan, mag-ingat po kayo sa mga salitang lumalabas sa bibig niyo. Isang pagkakamali niyo lang pwede ko na kayong kasuhan ng paninirang-puri or Defamation, also calumny, vilification, and traducement. It is the communication of a false statement that harms the reputation of an individual person, business, product, group, government, religion or nation. Under common law, to constitute defamation, a claim must generally be false and have been made to someone other than the person defamed. Some common law jurisdictions also distinguish between spoken defamation, called slander, and defamation in other media such as printed words or images, called libel. False light laws protect against statements which are not technically false but misleading. In some civil law jurisdictions, defamation is treated as a crime rather than a civil wrong." matalim ko siyang tinitigan at pinaikot sa mesa niya ang nabuo kong rubik's cube.

"W-wag mo akong tinatakot Ms. Valdez, sa ating dalawa ikaw ang may ginawang kasalanan kaya wag mong binabaligtad ang sitwasyon. Kung may pwede mang kasuhan, ikaw yun at hindi ako."

"Alright. Sue me. " matapang kong saad. "But, do you have any evidence against me? Nakita niyo po bang may ginawa akong masama inside her office? Sa pagkakatanda ko, after we talked I just signed a form then she reminded me about my punishments. Pwede po bang maging dahilan yun para mabulag siya?"


Napalunok naman siya at muling nagpunas ng noo. Bakit ba siya pinagpapawisan, ang lamig naman ng aircon sa office niya?!


"May naglagay ng dinurog na sili sa stick niya." wika nito. "Hindi siya aware dito kaya naman hindi na siya nag-abala pang maghugas ng kamay before she rubbed her eyes. Naramdaman na lang niya ang init at sakit hanggang sa hindi na niya nagawa pang buksan ang mga mata. That's why we called an ambulance sa takot na kung ano pang mangyari sa kanya."

"The bottom line is, iniisip niyong ako ang naglagay ng dinurog na sili sa stick niya?" balewala kong saad at muling ginulo ang rubik's cube.

"Yes Ms. Valdez. Hindi ba't nanghingi ka ng dinurog na sili sa canteen yesterday?" I nodded. "That's why ikaw ang primary suspect for this incident."

"But I used it for our Home Economics class and I used all of it, walang natira." I stated. "You can asked Ms. Pepper to confirm it. At sa pagkakatanda ko, hindi lang ako ang may dalang sili in that class. Lima kami. You can also asked Ms. Pepper for their names." muli kong nabuo ang rubik's cube kaya muli ko itong inilapag sa table niya. "Any other evidence Sir? Fingerprints maybe?"


Natigilan naman ito at nag-iwas ng tingin. Pero maya-maya'y muling umaliwalas ang mukha.


"As part of the family, hindi ba't may access ka sa mga susi ng classrooms? You're wise, so hindi na kataka-takang walang fingerprints na makikita. Pwedeng binura mo na ito o nagsuot ka ng gloves."

"You can asked the janitor for the keys or maybe you can call Tita Ninang." bored kong turan. "Pero hindi ba't si Mrs. Katuturan lang ang may hawak ng susi ng D.O. because of her being a sentimental person na ang turing sa opisina niya ay bahay na niya?"


Natahimik naman ito dahil sa sinabi ko.


"Are we done Sir?" Nagugutom na ako.

"One more question, anong oras ka umuwi yesterday?"

"After class umuwi na ako, I can call Yaya Helen or Ate Lily if you want or you can asked Kuya Gary."

"Really? But Mr. Guzman told me that you're with him and you left here at exactly 6:15 P.M." malawak ang ngiting deklara nito. "According to your class schedule, 4:30 P.M. natapos ang klase mo."


Damn you Kevin Garnett!


"Sir, the class that I'am talking about was with Kevin Garnett. He's teaching me how to play basketball.. privately. And yes we left at exactly 6:15 P.M." I sweetly smiled at him. Maniwala kang panot ka!


Nanlaki ang mga mata nito at nagtakip ng bibig gamit ang mga kamay na may mga daliring pumipilantik.



"Oh my! So you're really an item?"



**


A PRANK TO REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon