APTR - 4

2.7K 105 7
                                        


"Anong ginagawa natin dito?" I asked Kevin Garnett as he scanned the rooms in this floor. "I'am tired, I want to go home. Maglilinis pa ako ng mga CR bukas."

"Nakokonsensiya nga ako. Baka hindi ako makapagconcentrate sa laro namin next week. Kailangan kong makita si Mam Katuturan para mapanatag ang loob ko." napailing na lang ako sa sinabi niya.

"As if namang ikaw ang naglagay ng makasalanang sili sa favorite stick niya."

"Kahit na, part pa rin ako ng krimeng ginawa mo." Krimen talaga? "Ikaw ba, hindi ka man lang ba nagi-guilty?"

"Why should I?"

"Ang sama mo talaga."

"I know." turan ko at naupo sa waiting area sa labas ng isang kwarto. "Just call me when you're done, I'am really tired."


Nakakapagod kayang makipagtalo kay Mr. Diaper, kay Sir Paliparan at lalong nakakapagod ang mag-isip kung paano ko mapaparusahan ang Kailey Monda na 'yun.


Huminto naman ito sa paglalakad at tumayo sa harapan ko.


"Florentine."

"Yes, Kevin Garnett?" nakapikit kong tugon.

"Tumayo ka diyan. Hindi porket hindi ako nagsumbong ay kinakampihan na kita. Mali ang ginawa mo. Muntik na siyang mabulag. Kahit gaano pa siya ka-strict, hindi pa rin tama ang ginawa mo sa kanya. Kahit kailan, hindi tama ang maghiganti."


I opened my eyes and stared at his serious face.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Muntik na akong mahuli ni Sir Paliparan, mabuti na lang talaga at may lihim pala siyang pagnanasa sa'yo. Yun ba ang tinatawag mong hindi pagsusumbong?" I blurted out. "Wait, I have an idea, gusto mo bang ilakad kita sa kanya?"


Hindi naman ito natinag at nanatiling nakatitig sa'kin. I rolled my eyes, mukhang wala na akong choice.


"K fine, just go to the nurse station at itanong mo kung anong room number ng matandang 'yun. I'am tired of wandering in this hospital." ngumisi naman ito.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis." pahabol pa nito bago hinarang ang isang pasyente at tinanong kung nasaan ang nurse station.


--


"Kumusta po Mam?" bati ni Kevin Garnett once we entered her room. "Para po pala sa inyo." ibinaba naman nito sa katabing mesa ang dala-dalang prutas.

"Mr. Guzman, nag-abala ka pa. Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" asik naman ni Mam Katuturan at isinara ang librong binabasa. "At kasama mo pa pala si Ms. Valdez."

"Ah opo Mam, alam niyo po kasi nag-aalala ako sa inyo at saka po nakoko---"


Kaagad kong siniko sa sikmura si Kevin Garnett, mukhang ilalaglag pa ako ng lalaking ito.


"Namiss kasi kita Mam kaya andito ako." sagot ko at kumuha ng isang apple sa basket na dala ni Kevin Garnett. Sasawayin pa sana ako nito, mabuti na lang nakagatan ko agad. "Since andito naman po kayo sa hospital ibig sabihin po ba hindi na tuloy ang paglilinis ko ng mga CR bukas?" ngumunguya kong wika.

"Nasa hospital man ako o wala, tuloy pa rin ang kaparusahan mo Ms. Valdez. Hindi ko hahayaang lumago pa ang mga sungay mo." kunot-noong saad nito.


Kinapa ko naman ang noo at ulo ko.


"Imbento talaga si Mam, wala naman akong sungay e." hirit ko sabay kagat ulit sa mansanas.


Napailing naman si Mam Katuturan at bahagya naman akong siniko ni Kevin Garnett. Tss.


"Oo nga pala, nakausap ko si Mrs. Valdez." napahinto naman ako sa pagnguya at napatingin sa kanya. "She said sorry on your behalf." saglit itong tumingin sa'kin. "I know you did it Ms. Valdez."


I thought she's in New York!


"You're expecting me to say sorry too?" I told her at saka inabot kay Kevin Garnett ang kinakaing apple. Nawalan na ako ng gana.

"No." she answered. "Your mother knows you very well. She also told me that you will say that words, I can't believe it." nangingiting wika nito. "Don't worry. You're already forgiven Ms. Valdez. After talking to your Mom, sa tingin ko mas nakilala kita. Mas naiintindihan na kita."

"A-And what do you mean by that?"


She didn't answer my question, she just smiled. Damn!



Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya. Malakas kong isinara ang pinto kaya napatingin pa sa'kin ang mga taong dumaraan. Marahas kong kinuha ang cellphone sa kailaliman ng bag ko. Ang hirap ng hindi mahilig magcellphone! Kaagad kong hinanap ang number ni Clinton at tinawagan.


"Hel--"

"She's here?" putol ko sa pagbati niya.

"Well, hello to you my twin." tugon nito na lalo ko lang ikinairita. "If you're talking about our Mom, yes umuwi siya last night. But she left again after visiting Mrs. Katuturan."

"W-why?"

"Why what?"

"N-nevermind.."

"She did it for you Renaissance." he answered. "Hindi ka pa ba nasasanay, she always saved your ass no matter how much you hate her." he sighed. "Always remember that twin."



**

A PRANK TO REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon