Don't fall for her
Chapter 2:
Seven's POV:
Hello~ magpapakilala pa ba ako? Kelangan ba non? Sige na nga...
Ako Si Mark Seven De Fuenza, gwapo.. totoo yon maniwala kayo!!.
Mag-isa akong nag-aral ng 3rd year college sa states bakit? kasi gusto ko.. gusto ko lang wag kayong pakealamero't pakealamera private na yon... at ngayon 4th year college na ako, dito ako pinag-aaral nila mama sa school namin, yes, may sarili kaming school..
May 3 akong kapatid si Cean Aaron De Fuenza, makulit yan malamang kasi siya yung bunso 4 years old lang yan pero kung umasta eh parang mas matanda pa samin...
Yung isa naman si Beatriz Alexandra De Fuenza 12 years old, maarte naman yan kung umasta eh parang teenager na alam na ang lahat bagay, may crush na nga daw eh, nako pag yon nagkaboyfriend bubugbugin ko talaga yun...
Yung isa ko naming kapatid ehh kasama ko ngayon...
Nasan ako? Nasa earth san sa earth sa pilipinas.. saan sa pilipinas nasa Mall.. sinong kasama ko? Si Patrick yung isa ko pang kapatid teka nasan na ba yun?
At wala na siya, nasan naba yun? Tawagan ko na nga...
Calling Bro Six...
Six tawag ko diyan ayaw ng patrick kasi may tumatawag na daw sa kanya na patrick na "special someone" niya daw sino nga yon si lala ba yon? leilei!? Aish basta nakalimutan ko na...
"Hello" sabi ko
"Ayy bro, sorry nandito ako ngayon sa De Guzman's Restaurant pinapunta kasi ako ng kaibigan ko urgent daw, tawagan na lang kita mamaya bumili ka muna ng regalo para kay Alex tas tawagan kita"
"Eh pano ka bibili?"
"Edi mamaya samahan mo ako"
"Sige, sige"
Ano ba yan solo flight na naman ako, bibili na nga ako ng regalo kay Beatriz/Alex eh kasi nga Beatriz Alexandra diba!? birthday na non bukas Teen na siya haiisstt ang bilis talaga ng panahon..
Panget na Beatriz calling...
Ganda ng pangalan niya sa contacts ko no, pang-asar ko kasi yan sa kanya lalo na yung Beatriz ayaw na ayaw niyang tawagin siya sa Beatriz para daw kasing pang manang hahaha eh dun ako nasanay eh...
BINABASA MO ANG
Game: Don't Fall For Her
Ficção AdolescenteGame: Don't fall for her PROLOGUE: Paano kung may biglang lumapit sa'yo na babae at sabihing... "Let's play," she started. "Be my boyfriend in 6 months. Who ever falls in love loses." Hindi pwedeng mainlove!! Eh paano naman kung nainlove ka na, at...