Paalam Na Mahal

42 0 0
                                    

Muli nating balikan kung saan tayo nagumpisa
Noong una, hindi hamak na ako lamang ay iyong tagahanga
Hindi ko alam na aabot tayo sa ganito kalayong posisyon
Kung saan tuluyan na akong nahulog at mahirap nang bumangon

Akala ko nung una isa lamang simpleng paghanga ang lahat ng nadarama
Ngunit tumagal ng tumagal ito ay lumalalim na pala
Noong una, hangad ko lamang ang mapansin mo ako
Ngunit hindi ko alam ang tadhana'y sadyang mapagbiro

Patagal nang patagal lalong lumalalim ang lahat ng ito
Hindi na alam kung kailangan na bang iwan ang lahat nang pagkakabigo
Hindi mo ba alam? Nasasaktan akong nakikita kang ganyan
Tapos lolokohin ka nang isang babaeng tunay mong damdamin ay hindi niya ramdam

Napagtanto kong kailangan ko munang magpahinga at ito muna'y tigilan
Masyado nang komplikado ang lahat pati na ang nararamdaman
Sa aking pagalis hinihiling na sana huwag mo akong kalimutan
Babalik ako aking kaibigan pero sa ngayon ako na muna ay mamamaalam

Lagi mong pakatatandaan nandito lang ako magpakailanman
Hindi naman kita tuluyang iiwan presensiya ko'y iyo paring mararamdaman
Hindi pa naman ito ang huli sana lang ako ay may mabalikan
Mahal kita, aking kaibigan

©YourEmpressNextDoor

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon