Edi Siya Na

76 1 0
                                    

Edi Siya Na

Ano bang pinagkaiba ko sakanya?
Lagi nalang pangalan niya,puro siya.
Hindi mo ba talaga ako nakikita?
Kung alam mo lang,pagod na akong mahalin ka.

May mahal na siya iba,
Pero bakit siya parin ba?
Patuloy akong nasasaktan at umaasa,
Ngunit bakit para sa'yo siya parin talaga?

Sa ibang bagay lagi na akong talo,
Pati pa rin ba sa pagmamahal ko sa'yo?
Anong tingin mo sa akin?
Isang dakilang alipin na pwede mong maliitin at lokohin?

Hindi ako ipinanganak para maging tanga,
Pero nagawa ko dahil mahal kita.
Ngayon sabihin mo,siya parin ba?
Para sa'yo wala ba talaga akong halaga?

Kung alam mo lang,sobrang sakit na talaga.

©YourEmpressNextDoor

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon