Sa Pagitan ng Ikaw at Ako

12 0 0
                                    

Sa Pagitan ng Ikaw at Ako

Napakaganda sanang pakinggan yung salitang tayo
Ngunit hindi yun ang namamagitan sa mga salitang ikaw at ako
Dahil ikaw, ikaw yung mahal ko
At ako, ako naman yung walang ibang ginawa kundi magpakatanga sa'yo
Sa pagitan ng ikaw at ako
May nasasaktan at may sumasaya
Masaya ka sa piling ng iba
Habang ako nama'y lumuluha
Pilit kong hinihinuha ang bawat saglit
Bakit kailangang ganito kapait?
Pait na dulot ng sakit
Sakit sa pagitan mo at ako
Masaya ka na
At masaya akong masaya ka
Ngunit hindi dahil sa kin
Kundi dahil sa kanya
Sa pagitan ng ikaw at ako
Nakaguhit noon ang salitang tayo
Tayo na binitawan mo
At naiwan ako na nagiisang nagmamahal sa'yo
Malupit, malupit, napakalupit,
Isang buwan palang at ako na ay iyong ipinagpalit
Napakasakit dahil hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan
Na yung dating tayo
Naging ikaw at ako
Hanggang sa naging kayo

©YourEmpressNextDoor

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon