Aklat

20 0 0
                                    

Aklat

Ginugusto natin yung mga taong hindi tayo ginugusto
At ginugusto ng taong gusto natin yung di rin sila gusto
Bakit nga ba ang tadhana'y sadyang mapaglaro?
Lagi kang dehado at lagi ring talo
Di mo alam kung seryoso na nga ba o biro lang talaga
Kung mahal ka ba o nakikipaglaro lang siya
At nalaman ko,
Na yung minamahal ko
Iba pala yung mahal kaya iniwan ako
Mahal niya yung taong di na siya mahal
Pero heto pa rin ako
Naghihintay sa kanya
Sa pagtupad ng mga pangakong binitawan niya
Na hinding hindi siya mawawala
Kahit nagawa niya na nung una
Na hindi siya maghahanap ng iba
Kahit ibang babae na ang tinitibok ng puso niya
Parang isang napakahabang nobela sa isang aklat,
Hindi mawari kung tama nga ba ang naisulat
Nang dumating siya ay nabuksan ang aklat ng aking buhay
At binigyan niya ito ng kulay
Ngunit nang makahanap siya ng iba,
Nagsarado ito
At gumawa siya ng sarili niyang kwento
Kwentong wala na ako
Kwentong hindi na ako yung bida
Kwentong iba na ang mahal niya

©YourEmpressNextDoor

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon