Tagu-taguan

26 0 0
                                    

Tagu-taguan

Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Masarap maglaro sa dilim diliman
Pagbilang ng sampo nakatago na kayo
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampo
Pagsapit ng huli, hindi na kita muling nakita
Tuluyan ka nang naglaho
At kailanma'y hindi na mababanaagan pa
Akala'y simpleng laro lang
Na nauwi sa seryosohang pangiiwan
Nagtago ka nang tuluyan
At hindi na mahanap ni sa kawalan man
Pinilit ko,
Pinipilit ko pa rin ang sarili kong hanapin ka
Kahit magmukha na akong tanga
Kakahanap sa wala
Sa wala nang babalik,
Sa wala nang magpapakita
Dahil matagal na, simula palang pala ng isa,
Hindi pa umabot ng sampo,
Nagtago ka na
Sinabi kong hahahanapin kita
At hahabulin kita
Ngunit puso't isip ko'y ultimo nagaaway dahil hindi alam kung kaya ko pa ba
Saad ng puso ko: "Hahanapin kita, mahal kita at lalong lalo na ipaglalaban pa rin kita."
Ngunit utak ko'y sadyang natuto na nga yata: "Tama na, tama na ang pagpapakatanga sa maling tao, sa maling pag-ibig."
Pilit na hinihinuha ang bawat saglit
Kailan nga ba mapapawi ang bawat pait at sakit
Sakit na dulot ng iyong pang-iiwan sa kawalan na dati ay kalawakan na sabay nating pinagmamasdan
Sakit na hindi ko alam kung makakaya ko pa bang lampasan
O kung tatambayan ko nalang magpakailanman
Dahil hanggang ngayon, sa puso ko'y pangalan mo pa rin ang nakaukit

©YourEmpressNextDoor

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon