(6) Angelo John

9 1 2
                                    

A/N: Readers! Yung chapter na 'to, lahat yan flashback lang, kumbaga, POV lang nila nung Fiesta, kaya wag sana kayo malito ^__^ yun lang! Keep reading, and Enjoy!

~~~~'

Jericho's POV

Kinakabahan mga kasama ko dito, tinanong ako ni Kaloy kung kinakabahan daw ako, sagot ko hindi.

Hindi naman kasi talaga, ilang beses na kasi ako tumutugtog, hindi lang nila alam, pero yung una kong tugtog, si Mommy ang nagpayo sakin, lalo na nung kinakabahan ako, I was 9yrs old that time. Siya nagsabi sakin na isipin ko lang yung taong pwedeng tamaan ng kanta, oo drummer ako pero dinamdam ko na yung tinutugtog ko, for my mom. Kaya yun din sinabi ko kay Mae.

"Ang galing naman ng mga taga Panggasinan! Ngayon naman, gusto ko ipakilala sainyo, ang Di Kilalang Banda! Unang sabak palang nila sa ganto, kilalanin natin sila, ang DIKI BAND!"-m.c

Ito na simula na,

Pag-akyat ko sa stage agad kong kinuha yung drumstick ko at umupo, di ko alam kung bakit ako napapatitig sakanya,

Nagsimula na ngang magstrum si Jopet, sumunod naman si Sam, at kumanta na si Mae.

Ako naman, habang pumapalo, nakatitig lang sakanya, nakita kong nakatingin siya kay Kaloy, alam ko na 'to, may gusto siya kay Kaloy, halata naman sa mga mata niya, kitang kita ko. Yung mga titig niya, mahahalata mo na may gusto siya kay Kaloy.

Nung natapos yung pagtugtog namin, bumaba na kami.

Pagbaba namin, nagtalunan sila pero di kasama si Mae.

"Men! Ang galing mo kumanta!"-sabi ni Jopet kay Mae

"Oo nga Pards, iba yung pagkakakanta mo kanina, kaysa nung praktis"-sang-ayon naman ni Kaloy,iba nga naman kasi talaga yung pagkakakanta niya ngayon.

"Dinamdam kasi ni Mae yung kanta! Hahaha!"-sabi naman ni Sam, sinunod niya yung sinabi ko? Kaya siguro di siya kinabahan.

"Di ah! Maganda lang talaga yung kanta, kaya inayos ko! Tsaka iba yung praktis sa laban noh!"-hay nako, galing magpalusot ni Mae

"Nako Mae! Eh nakita ko ngang napaluha ka pa eh!"-pang-aasar naman ni sam, nakita ko din namang napaluha siya kanina e'

"Ayy ganun? Mae! Sino ba kasi pumasok sa isip mo?"-ganyan ba talaga kamanhid si Kaloy? Di niya ba napapansin na siya yung dahilan ng pagdama ni Mae nung kanta?

"Wal---"-naputol yung sasabihin ni Mae dahil sakin

"Wag niyo na nga kulitin si Mae, hayaan niyo na, atleast her tears affect our audience"-sabi ko

"Sabagay!"-jopet

"Maka sabagay naman 'to kala mo naintindihan niya oh!"-sam

At gaya ng iniisip ko, ayun nagsasagutan na sila.

Ginulo ko yung buhok ni Mae na parang sinasabi kong (sabi sayo e' effective) ,at mukhang nagets niya naman, napatingin kami kay Kaloy,

"Pards? Tahimik mo ata? Okay ka lang? "-tanong ni Mae, umiwas lang siya ng tingin at binaling sakin, hinatak niya ko palayo sa tatlo, pakiramdam ko alam ko na sasabihin nito.

Someone's POV

Bumili ako ng pagkain, di na ko nagpasama sa kambal ko,

"Thanks"-sabi ko sa nagtitinda

Naglakad ako nang mapansin ko yung grupong nakaupo sa kainan, at may nahagip yung mata ko na babae, simple siya, pero may pagkamaganda naman.

Umalis ako at bumalik but this time kasama ko na kambal ko,

"Ayun yung babaeng sinasabi ko sayo!"-sabi ko sa kambal ko.

"Oh! I know her! Do you want me to call her?"

"Wag na! Next time nalang, ano nalang pangalan niya?"

"Hmm, she's Mae, no boyfriend, single and very available"-sofia

Umalis na kami dun at pumunta na sa uupuan namin sa harap. Special guest kasi kami.

Nagsimula na yung program, the bands , the dancers, and the singers,

Magagaling ang mga banda na nandito, nalaman ko din na kasama yung Mae sa banda kaya inaabangan ko siya.

Mula sa kinauupuan ko, nakikita ko siya dito, may kausap siya, mukhang kabanda niya yun.

"Ang galing naman ng mga taga Panggasinan! Ngayon naman, gusto ko ipakilala sainyo, ang Di Kilalang Banda! Unang sabak palang nila sa ganto, kilalanin natin sila, ang DIKI BAND!"-sabi naman nung m.c, kaya nabaling ang tingin ko dun, at di ko inaasahan na sila na yung susunod.

Unang umakyat si Mae, parang naeexcite ako, yung parang natutuwa ako, yung antok ko kanina, ngayon nawala na,

Nagsimula na yung tugtog,

At siya ang unang kumanta,

Ang ganda ng boses niya.

Yung mata niya ang ganda, pero nakatingin siya sa partner niyang vocalist, siguro kasama yun sa pagkanta nila, para maapektuhan yung mga taong nanonood sakanila.

Sa gitna ng pagtugtog nila kinausap ako ng kapatid ko

"May gusto ka ba kay Mae?"-gusto? Gusto nga ba agad? Parang di naman.

"Sofia, HINDI PA naman, but I like her, i'm interested to her, I hope maging close kami."

"Thats easy!"

"Easy? Pano?"

"You know twin, you like her, and I like her bestfriend, we can plan something to be with them,"

"What plan?"

"Hmm, we can please them to help us."

"Help us from what Sofia? Wag ka mag-iisip ng masama!"

"Duh? I'm not! Look, this is the best way"

"Ano nga kasi yun ?"-di ko alam iniisip ni Sofia,

"Hmm, magkukunyari tayo."

"Magkukunyari saan?"

"Basta, akong bahala!"

Nagpalakpakan na yung mga tao, di ko alam kung ano binabalak ni Sofia pero parang gusto kong sumunod sakanya.

Bumaba na yung Diki Band at mukhang masaya sila, naisipan kong pumunta dun kaso kinausap ako ni Auntie na kami daw mag-aaward,

Pumunta naman ako sa gilid kung saan nandun din sila Mae, nakita kong umalis yung dalawa, kaya pinuntahan ko na si Mae, kinalabit ko siya kaya napalingon siya, ang ganda niya, nagsalita ako at sinabing,

"Hi! Mae, Goodluck sainyo!" -nakita kong nagulat siya, kita ko sa mga mata niya na parang nagtataka siya kung sino ako.

"S-sino ka? Bakit mo ko kilala?"- ayy f*ck? Nasabi ko pangalan niya, okay na yun, magdadahilan nalang ako.

"Don't worry I'm a good person, by the way I'm Angelo John Lopez"

~~~~~'

A/N : Ayan! Hoo! Nasingit ko na yung another character, kompleto na sila, sino gusto niyong loveteam guys? Comment lang kayo ^^

Rocket Namin Ni Pards ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon