(9) VAN

16 1 1
                                    

A/N: Hello Silent Readers ! Haha! Sorry ngayon lang nag-update busy na eh! Sana magustuhan niyo ^^

**

Mae's POV

Di padin ako makapaniwala sa sinabi ni Yorah, fun kami titira sa kanila? Hays nakapagsinungaling pa tuloy kay nanay, sabi kasi ni Pards kay Nanay may IMPORTANTENG ROCKET daw -.-' Importante?Sus !

"Pards tara na handa na gamit ko!"- kaloy

"Sige! Nay! Alis na po kami!"sabi ko naman

At umalis na nga kami, saan kami pupunta? Sa napag-usapan, anong usapan? Yung sa bahay ! Pero, di kami dun pupunt ngayon , kasi hindi lang naman yun ang napagkasunduan,

Flashback

"ANO??"-Sabay namin na sabi ni Pards kaya nagtinginan yung mga tao samin

"Why? Is there a problem?"-problem? Seryoso? Papatirahin niya kami sakanila tapos magtatanong siya kung ano problema? Yung totoo?

"Pards, okay na din siguro yun, para naman maayos yung maging trabaho natin"-sabi ni kaloy,

Nag-isip ako para di naman kami lugi, kaya nakipagsunduan ako,

"Osige! Papayag ako!-ako

"Yes!!"-yorah

"Pero! Wala kaming babayaran, pag may nabasag kaming gamit di kami magbabayad, okaya may nasira okay? Tapos dapat hindi lang kayo lagi ang nasusunod!"-sabi ko

"Okay' there's no problem"-yorah

"Yun lang ba?"-angelo, huh? Kala niya naman sakin? Yun lang? Dadagdagan ko pa yan.

"Meron pa!"nakatingin naman sila sakin "Mag-enjoy naman tayo, Arcade tayo bukas"-yan lang naman! Babaw ba? Di pa kasi ako nakakasubok ng ganun eh! Yung rollercoaster ever ko pang na-try kaya gusto ko sana malaman kung ano feeling haha!

"O-okay! Tomorrow 9am sharp!"-yorah

"Ayos"-sabi namin ni pards

Flashback end

So ngayon nasa sasakyan na kami sinundo kasi kami nung kambal, tabi kami ni pards kaya komportable naman ako.

"Orayt! Pards magiging masaya 'to"-kaloy

"Totoo! Haha! Oh kain ka muna may piatos ako dito"-inabot ko sakanya at binuksan niya naman, kumakain siya habang ako nakatingin sa malayo

"Pards oh!"-inabot niya sakin yung isang pirasong piatos, kukunin ko na sana kaso sabi niya susubuan niya nalang daw ako, P*TA! KINIKILIG AKO! ang simple lang pero T*ng*na! Kinikilig talaga ko.

"Nganga!!"-yung totoo? Kaloy? M-may gusto ka ba sakin? Ay gaga! Mae! Ano ba iniisip mo? "Nganga!"-nakatitig lang siya sakin, kaya, ngumanga na ko, nilagay niya naman yung piatos sa bibig ......??? NYA?? TANG-INA!

"HAHAHAHAHA! PEACE!!"-Ay nako! Yamot talaga

"Trip mo ko Kaloy ah!"-tumawa lang siya kaya natawa nalang din si Yorah, nakikisali -.-'

"Haha! Di na! Promise, oh! Eto na! Kainin mo na bili nganga na!"-nakatingin lang ako sa kanya ng UMAYOS-KA-KALOY-look

kaya ngumanga na ko, at sa wakas pinakain niya na sakin nakita ko naman na nakatingin si angelo samin, may driver naman kasi, tapos sa gitna yung kambal, kami sa likod, van kasi gamit namin eh,

Nagpatugtog naman si manong para naman daw di nakakabingi yung katahimikan,


"Pards! Paborito mo yan diba?"-natuwa naman ako kaya pinakinggan ko lang yun, hanggang sa napapikit na ko.

Lloyd's POV

Ilang kanta na yung dumaan, si Manong nalang pati ako yung gising at nakikinig sa music, tulog yung kambal pati na rin 'tong katabi ko,

Yung ulo niya nasa bintana nakasandal, kaya inihiga ko siya sakin, hiniga ko ulo niya sa hita ko at tinitigan lang siya, nagising siya ng onti pero sabi ko "matulog ka lang" ngumiti naman siya at pumikit,

Ganto kami sa bahay, tinititigan ko siya pagnatutulog siya, minsan kinakausap ko pa siya, dun ko lang kasi nasasabi yung gusto kong sabihin sakanya, yung mga salitang di ko maparinig sakanya. Yung salitang, GUSTO KITA, MAHAL KITA PARDS, MATAGAL NA! SANA GANUN KA DIN SAKIN, SANA AKO ANG UNA AT HULI MO!

Yan lang naman lagi kong sinasabi, at tinititigan siya, napatingin ako sa mga labi niya, parang may pumasok sa isip ko na, HALIKAN MO NA! DI NAMAN NIYA MALALAMAN! Pero pano kung magising siya? Tapos naramdaman niya? Ano sasabihin ko?

Napatingin ako sa harapan, sa kambal, tulog sila, mahimbing tulog nila, si manong naman nagda-drive lang, pero bigla siya nagsalita

"Alam niyo sir, alam ko po na may gusto kayo sa katabi niyo, bakit di niyo pa po masabi?"-manong Driver

"Po?- ahh-ehh"nauutal ako parang gago lang oh.

"Sir! Kung ako sainyo, sasabihin ko na, bago pa ko maunahan ng iba,"-natauhan naman ako sa sinabi niya, lalaki din ako kaya alam kong may pagtingin si Angelo kay Mae, "Sir! Bawasan niyo na pagkaTorpe niyo, aminin niyo na sir! Life is too short sir, baka bukas makalawa, wala na siya, tapos sisisihin niyo sarili niyo, kung bakit di niyo pa nasabi sakanya, tsk tsk berirong sir!" Napatingin naman ako sa babaeng mahal ko, Di naman ako TORPE, sadyang alam ko lang na may magbabago kapag umamin ako,.

"Sir! Alam ko pakiramdam ng maiwan sir, kaso baka magkaiba tayo ng dahilan,"-manong

"Anong dahilan kuya?"-tanong ko

"Kasi sir, iniwan ako ng asawa ko dahil namatay na siya, pero sa kaso niyo ngayon, baka iwan din kayo ng mahal niyo di dahil namatay siya, kundi dahil may nagmamay-ari na sakanyang iba"-tama si kuya, mukhang magkakaiba nga ang dahilan ng pag-iwan sakin ni mae kapag di ko pa sinabi.

Mae! Paano ko ba masasabi sayo na mahal na mahal kita?

Nakita ko nanaman labi ni Mae, di na ko nagdalawang isip, nilapit ko na labi ko sa labi niya

Eto na, dadampi na yung labi ko,

At hinalikan ko na siya. Matagal kong nilapat yung labi ko sa labi niya. At tsaka siya hinalikan sa Noo, at sinabing

MAHAL NA MAHAL KITA TRISHA MAE!

-~~**'

A/N: Next update , sa arcade na talaga! Haha! Dapat kasi arcade na ngayon eh! Pero sige sa next update na.

Salamat sa inyong pagbabasa,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rocket Namin Ni Pards ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon