(2) Shop

26 2 5
                                    

Mae's POV

Nandito kami sa studio nagpapraktis kami ngayon, kay Jericho yung studio na toh, mayaman kasi si Jericho, hmm, pero kami kami lang nakakaalam ayaw niyang ipaalam sa iba, di ko lang alam kung bakit.

Di naman sobrang hirap ni Nanay eh, maayos naman tinitirahan namin, sadyang kami kami lang talaga kumakayod para makakain, kumbaga, paiba-ibang trabaho, pa-rocket rocket lang ' lalo na't bakasyon ngayon, sinasamantala na namin ni Pards ang pag Rocket.

"Pards, ang tagal naman nila Jopet, nasan na daw ba sila?"-tanong ko,

"Eh kung tawagan niyo na kaya?"-jericho

"Eh? Tol! Wala kong load eh"-napayuko nalang ako, kasi di naman talaga nagloload si Pards noh, haha! Kaso si Jericho,napabored look lang,

"NANDITO NA KAMI!!!"- ayos! Makakapagsimula na din! "So bakit tayo tutugtog?"-sabi ni Jopet

"Para saan?"-dugtong ni Sam

"Anong kanta?"-jopet

"Kailan na?"-sam

"Teka! Isa isa lang naman!"- pards

"Haha! Mga men, (akbay ko sakanila) tutugtog tayo para sa Fiesta"-ako

"Kaso wala pang song eh"-pards

"Sa Sabado na toh!"- cool lang na sabi ni Echo, masyadong tahimik talaga tong lalaking toh,

"Ayos! Hahaha! May magagawa na din ako ngayong bakasyon! Bukod sa manchix"-jopet

"Loko! Wala ka ngang chix eh! Haha! (tingin sakin) eh pano kung narda nalang?"-sam

"Hmm, pwede din sana kaso, mas trip ko yung Migraine, para makakanta si Mae"-pards

"Oo nga 'no? Oo tama! Ano echo? Okay lang naman sayo diba?"- jopet,

"Oo naman, taga palo lang naman ako eh"- di ako makasagot sa usapan nila, bakit naman kasi yun yung kakantahin? Yung meaning kasi nung kanta parang ewan eh. Hays, ano pa nga ba magagawa ko?

Kundi magpractice nalang diba?

At nagpractice na nga kami.

Jericho's POV

Ang iingay nila, nagpapahinga kasi kami ngayon, di naman ako cold guy, sadyang minsan wala lang talaga ako sa mood,

"Guys, bibili lang ako ng makakain natin,"-tumayo ako at bigla akong kinapitan ni Jopet sa balikat, na parang may sasabihin

Tumingin ako sakanya,
"Huwag mo kakalimutan damihan ah!"-sinuntok ko lang siya sa balikat pero di naman ganun kalakas , tama lang para saming mga lalaki, at umiling tsaka lumabas.

"ARAY AHH!"- Sigaw niya na ikinangiti ko naman,

Pinaharurot ko na motor ko at huminto sa isang shop,

Pumasok ako dun at namili ng kung ano ano,

piatos, cracklings,
Vcut, Nova,
Pic-a, (malalaki)
at limang drinks

Pumunta na ko sa counter nang may babaeng nakabangga sakin dahilan ng pagbitaw ko sa junkfoods na dala ko.

"Oopps! Sorry! I really didn't mean it."-yumuko siya para pulutin yung mga sitsiryang nahulog, pero may nakita akong di dapat, kaya kinuha ko ang panyo ko at tinakip sa dibdib niya, dahilan ng pagkagulat niya.

"Oh sorry, (hawak sa dibdib) by the way, I'm---" -di niya na naituloy yung sasabihin niya kasi sumingit na ko,

"Pipila ka ba? Kasi kung hindi, ako na pipila"-di ko kasi alam kung ano na itsura ko ngayon eh, baka namumula na ko, kaya I used my cold side para di niya mapansin. Wrong move ka Echo!

"Wha-- okay fine sorry, here's your junkfoods, and this? Thanks for your concern! I thought you're kind, di naman pala! Sayang gwapo ka sana! Kaso SANA lang!"-sabay irap sakin, at binigay sa body guard niya yung pinamili na parang sinasabing siya na ang magbayad.

"Haha sir, nasungitan kayo noh? Haha! Mataray talaga yan, sa gwapo lang mabait yan eh, sa gwapong mabait ah!"-manong

"Mabait naman ako ah?"-pagtanggol ko sa sarili ko.

"Eh bakit sir? Gwapo ka ba?"-aba? Yamot tong manong na toh

"Do I know you to judge me? At alam mo ba yung LOOK AT THE MIRROR FIRST BEFORE YOU JUDGE OTHER PEOPLE? Gwapo mo din eh noh?"-yumuko lang siya na parang humihingi ng pasensiya.

Nagbayad na ako at umalis, nakita ko yung kotse kung san naka aakay yung babaeng kausap ko kanina, napatingin siya sakin pero umiwas din, galit padin ata.

Sumakay na ko ng motor tsaka nagpaandar para bumalik sa studio.

Jopet's POV

"Ang tagal naman ni Jericho, nagra-rumble na yung alaga ko sa tiyan oh, (nakatingin sila sakin) parang sinasabi nila na, !Nagugutom na ako! Kakainin ko na kayo! Nagugutom na ak-----ARAY! Ano ba? Kaltok ka ng kaltok!"-siguro kung pumapatay tong si Kaloy, nasa libingan na ko ngayon,

"Ang Oa mo kasi! Ilang minuto palang wala yung tao eh!"-eh sa nagugutom na ko eh!,Hay nako.

"Babe okay ka lang ba? Huh?"- pag-aalala ni Sam sakin, bading nga talaga toh! Di lang maamin!

"Ano ba yan Sam! Ang panget pakinggan!"-pagtataboy ko sakanya

"Para kayong timang! Hahaha!"- tawa naman ni Mae,

"Oh eto na, alam kong gutom na kayo eh"- echo

"YE---?? SITSIRYA?"-ako

"Oh? Bakit?"- gusto niya ba kami magkasakit?

"Rereklamo pa eh! Kumain ka nalang! Oh!"-kaloy

"Sabi ko nga! Salamat Jericho!"-ano pa nga ba?

Mae's POV

Bago matapos ang araw na toh, raraket muna kami ni Pards.

"Pards! Kila Mang Inggo na tayo dumeretso, para naman, may pera tayo ngayon"

"Osige, dun nalang din tayo kumain"

Naglakad na nga kami, magka-car wash muna kami ngayon, wala pa naman kaming ginagawa eh,

Nandito na nga kami,

At naglinis na ng kotse, kami kasi ni Pards, di namin maiiwasan magharutan lalo na't may tubig! Kaya nagbabatuhan kami ng tubig! Kaso may isang plangak akong narinig at ayun,.

"ARAY PARDS!! ANG SAKIT! NADULAS AKO!"

Rocket Namin Ni Pards ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon